August 2022 (i) Panayam kay shadesofdrama
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Madalas akong mahirapan na ipaliwanag ang kuwento sa likod ng Wattpad username ko kasi sobrang haba ko mag-explain tungkol dito pero I'll try my best to make it concise this time. Choosing my username really has to do with my perspective in life and what writing means to me. Naniniwala kasi ako na ang mga kuwentong isinusulat ko ay hango sa drama na minsan nakikita at nakukuha ko sa buhay. I think life's drama has many shades. I kinda like to write about fiction with a hint of reality which for me is a representation of drama itself thus, shadesofdrama—the birth of my stories.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, siguro ang magiging tema nito ay may kinalaman sa magic o sorcery. Noon pa man, gusto ko nang magsulat ng fantasy stories o di kaya ay may kinalaman sa paranormal na genre. Nakakamangha kasi ang magbasa ng mga storya na kakaiba na hindi kailangan makulong sa limitasyon. Kaya sa tingin ko, kung may pagkakataon man na magagawa ko iyon, tungkol sa mga bagay na nasa itaas ang isusulat ko.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Siguro ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay ang labanan ang self-doubt. Dahil malaki ang impact nito buong pagkakataon na tayo ay nagsusulat. Kadalasan ay napapatanong ako kung tama pa ba ang isinusulat ko, o minsan ay kung magagawa ko pa bang matapos ang mga nobela na nasimulan. We can be our worst critic and nothing hurts more than doubting ourselves. But I guess as writers, we will experience it from time to time. Ang mahalaga ay hindi tayo magpapatalo sa self-doubt. Dahil ang kakayahan natin ay mas nahahasa sa pamamagitan ng pagpapatuloy. Bilang isang manunulat, ang pagtitiwala sa sarili at sa mga kuwento na ating isusulat ay napakahalaga.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Sa pagkalipas ng limang taon, siguro nakikita ko ang sarili na nagsusulat pa rin. Mas dumami pa ang mga kuwentong naisulat ko at nagpapatuloy sa buhay. Kung nasa ibang larangan man ako, palagi kong paglalaanan ng oras ang pagsusulat dahil ito ay sobrang mahalaga para sa akin. Sa ilang taon na pagsusulat ay naging parte na ito ng mga bagay na nagbibigay kahulugan sa akin at nagpapaalala sa kung ano talaga ang gusto kong gawin.
5. Ano ang nagtulak sa iyo para isulat ang kuwentong "A Step Closer"?
Nagkaroon ako ng idea para sa A Step Closer ilang taon na ang nakalipas. Siguro mga panahon iyon kung kailangan napapaisip ako kung ano ang pakiramdam na may kaibigan ka tapos dahil sa isang pagkakamali nagkalamat ang mga bagay. That time too, may naging kaklase ako na hindi halos makausap ang kaibigan niya na sobrang close niya dati. I started to think what could be some reasons why certain friendships have to fade through the years, or somehow what instances could break someone's friendship and trust. The pain kind of struck my system and right there I wondered how sad would that feels like... so I explored these questions through writing A Step Closer. Kalaunan, nabuo rin ang kuwento na nakapalibot sa pagkakaibigan at ibang mga bagay na sa tingin ko mahalaga sa buhay habang natututo ang isang tao.
6. Kilala ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika. Para sa iyo, ano ang kapangyarihan ng isang lenggwahe upang lalo pang makilala ng iyong mga mambabasa ang iyong mga karakter at ang mismong kuwento?
Napakahalaga ng wika sa ating buhay. Ito ay nagbubuklod sa atin at nagiging daan upang maipahatid natin ang ating mga saloobin. Sa parehong paraan ang lenggwahe ay napakahalaga upang maipahatid ang layon ng kuwento na aking isinusulat. Ang mga karakter na aking isinusulat ay may kanya-kanyang saloobin at paniniwala na nais nilang ipakita at ilahad sa pamamagitan ng kanilang paraan ng pagsasalita sa kuwento at kung ano ang mga salitang madalas nilang ginagamit. Magkakaiba man ang paraan ng pananalita o mga katagang madalas nilang gamitin depende sa kanilang karakter, ginagamit pa rin ang lenggwahe sa paglalahad ng saloobin, paniniwala, at kuwento sa pangkalahatan.
7. Bilang isang Wattpad Star na nanalo ng hindi isa kundi dalawang Wattys, ano ang maipapayo mo sa mga manunulat na gustong sumali sa Wattys?
Sa mga manunulat na gustong sumali sa Wattys, focus on your stories and don't get distracted with doubts and fears. Naniniwala ako na first thing na kailangan isa-isip ay dapat may kwento ka na handa mong ibahagi at isali sa Wattys at naniniwala ka sa iyong kakayahan bilang isang manunulat. Think of the ways how you can improve your story for the better. In my experience, I just did what I can do to finish and edit the stories that I have tried submitting for Wattys in ways that I can. Focusing in the process truly makes a difference. Know your characters and be aware of the important points that you need to share. Dig deep with your story's roots, meaning, purpose and make sure that it translates on its chapters. Know the rules in the Wattys and abide to it. Do what you can do. If it is fate that your stories will win; it surely will. Trust the process and pray for the outcome to be for the best.
8. Ano ang iyong mga kahinaan bilang isang manunulat? Paano mo ito binibigyang solusyon?
From time to time, I get crippled by self-doubt. Sa tingin ko, ito ang kahinaan ko. I tend to question whether I have done my best in writing my stories. Naniniwala kasi ako na deserve ng mga characters ko na maisulat ng maayos ang mga stories nila. Aaminin ko na may mga aspeto na kailangan ko pang punan—for example in world-building matters and clear depiction of settings in the stories that I have written. Kailangan ko pa mag-improve sa writing style ko. I want my voice and message to be evident in the stories that I write. I think I am having doubts because writing means so much to me and I want myself to improve. Currently, ang ginagawa ko ay nagbabasa ng stories na may strong world-building aspects. I also research tools and implement mantras that will help me improve my weaknesses in writing as well as in making sure that I don't get defeated by self-doubt.
9. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ng isang araw ang isa sa iyong mga karakter, sino ito at bakit?
Kung may pagkakataon akong makasama ng isang araw ang isa sa mga karakter na naisulat ko, siguro it would be Lorraine o mas kilalang Raine from my story Drops of Rainfall. I just wanna see how she's doing after the things she had gone through. Gusto kong maranasan kumain ng cup noodles sa isang convenience store habang kausap siya at kita ang pagbuhos ng ulan sa labas. Siya kasi iyong character na reckless in some ways yet empathetic, full of wisdom but at the same time maraming regrets. She's been losing a lot of times before she experienced winning. Siguro magiging maganda ang usapan namin tungkol sa mga bagay na tungkol sa napagdaan niya at syempre, pareho naming ma-a-appreciate ang ulan.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Sa mga bagong manunulat, maraming pagsubok ang inyong haharapin sa bawat parte ng proseso. I hope you enjoy the journey of writing because the outcome and success may take time. Be persistent and dedicated with your crafts and don't cage yourself with doubts, worries, and limitations. Writing is liberating and it will be worth the hardwork because we are being shaped as a person as we shape our own stories. Huwag magpadaig sa self-doubt. Kailangan lang nating magsimula at paulit-ulit na magpatuloy. Keep writing and learning about writing. Magsulat, magpatuloy, at maniwala na kaya tayo nandito sa larangan na ito ay dahil may gusto tayong sabihin, iparating, at ibahagi sa pamamagitan ng ating mga kuwentong isinusulat.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
For my readers, hindi man kayo marami pero sobrang napapasaya ninyo ako sa tuwing nararamdaman ko ang presensya ninyo. Sobrang nakakataba sa pusong malaman na may mga nagbabasa sa mga kuwentong isinulat ko. Maraming salamat sa pagtitiwala at sa paglalaan ng oras para sa mga kuwento ko. Patuloy akong magpapasalamat at ipapakita ko iyon sa pamamagitan ng pagsusulat pa ng maraming mga kuwentong ibabahagi ko sa inyo. I will continue to improve my crafts, myself, and my skills in writing to offer you better stories. Because it is my hope that my stories will be with us through pain, happiness, growth, and in this life long journey of trying to find meaning, home, and understanding through fiction stories.
1. Pamaypay o Payong?
Pamaypay kasi madalas nakakalimutan kong magdala ng payong :>
2. Train o Bus?
Bus—may exclusive seat (char) hahahah
3. Seminar o Webinar?
Seminar
4. Madali o Mahirap?
Mahirap; more opportunities to learn.
5. Magkaroon ng kapangyarihang magsulat ng mabilis o magbasa ng mabilis?
Magsulat ng mabilis.
6. Ketchup o Cheese?
Cheeseeee
7. Contemporary o thriller?
Contemporary
8. Out of Town o Out of the Country?
Out of the Country
9. Maling lyrics o Maling Subtitles?
Maling lyrics
10. Logic o Emotion?
Emotion (mas madaling maka-relate)
11. Maging Scriptwriter o Maging Director?
Maging Scriptwriter
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro