August 2022 (i) Panayam kay pinkythia
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Honestly, I don't know. Hahahaha! Ang paborito kong kulay ay pink tapos nickname ko. Then, pinag-combine ko lang sila. Walang striking or memorable meaning ang username ko. I just did it kasi wala na akong maisip na magandang username. Kung hindi siguro ako nanalo sa Wattys baka pinalitan ko na yan.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Religion. Actually, gusto ko talagang magsulat tungkol diyan pero wala pa akong lakas ng loob para gawin 'yon kasi baka hindi ko mapanindigan. I mean, broad kasi ang usapin tungkol sa relihiyon at medyo nakakatakot sumugal sa ganoong usapin lalo na kung hindi ka gagawa ng malalim na pagsasaliksik tungkol do'n.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Kapag nawala ang passion mo dito. I was on hiatus since December and no matter how much I want to write hindi talaga kaya pa sa ngayon. I am trying everyday pero the ideas aren't cooperating. Kung baga walang solid na ideas ang pumapasok sa isip mo. Parang palagi kang nangangapa. I already tried to read some novels for an inspiration but it didn't work. I am still giving myself the time to rest.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Palagi kong sinasabi 'to sa mga readers ko o sa mga kaibigan ko. Writing is not a lifetime profession for me. Hindi ako ganoon kagaling, madami pa akong dapat aralin sa pagsusulat para maging magaling at tanyag na writer. Writing will always be my escape from reality. May anxiety ako at kapag inaatake ako ng anxiety ko, I choose to write. Pero pangarap kong makapag-publish ng sarili kong libro 3 to 5 years from now.
5. Ano ang gusto mong matutunan ng iyong mga mambabasa sa iyong kwento na "My Superstar 0.1"?
Ang gusto kong matutunan ng mga mambabasa sa aking kuwento na My Superstar 0.1 ay hindi lahat ng oras ay kailangan nating sugalan ang isang relasyon lalo na kung wala na itong naidudulot na tama sa ating sarili at huwag nating ugaliin na makulong sa nakaraan. Sa lahat nang pagsubok sa buhay kailangan natin i-abante ang mga paa natin sa kasalukuyan at sa hinaharap.Ang gusto kong matutunan ng mga mambabasa sa aking kuwento na My Superstar 0.1 ay hindi lahat ng oras ay kailangan nating sugalan ang isang relasyon lalo na kung wala na itong naidudulot na tama sa ating sarili at huwag nating ugaliin na makulong sa nakaraan. Sa lahat nang pagsubok sa buhay kailangan natin i-abante ang mga paa natin sa kasalukuyan at sa hinaharap.
6. Ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika. Anong lenggwahe ang mas madali mong gamitin kapag ikaw ay nagsusulat ng kuwento? Bakit?
Depende. Minsan mas naibabahagi ko nang maayos ang nasa isip ko kapag English ang gamit ko at meron din namang minsan na mas naipapaliwanag ko ito sa Filipino ng mas malinaw.
7. Saan ka kumukuha ng lakas para ipagpatuloy ang iyong pagsusulat?
Sa mga followers ko na nagmessage para humingi ng update. Minsan may nagmemessage pa sa akin para lang sabihin na namimiss na nila ang update ko kaya minsan sila ang nagiging inspirasyon ko upang hindi ako tamarin sa pagbibigay ng update.
8. May panahon bang nahihirapan kang bumuo ng kuwento? Paano mo ito nabibigyan ng solusyon?
Madaming beses na ako nakaramdam na parang walang pumapasok na idea sa isip ko. Ang ginagawa ko kapag nakakaramdam ako ng ganito ay balikan ang mga nasulat ko na dati at basahin ito ulit o hindi naman kaya ay nagbabasa ako ng ibang kuwento para maibalik ko ang sigla sa pagsusulat.
9. "You have to follow your own voice." Isa ito sa ga quote mo na galing kay David Morell. Paano mo sinusundan ang sarili mong boses kapag nagsusulat ka?
I don't pressure myself when I'm writing. Hindi ko pinipilit ang sarili ko magsulat kapag wala ako sa mood o kapag wala akong plot na maisip. What I do, pinapagpahinga ko ang isip ko at ang sarili, minsan din ay nagbabasa ako ng mga kuwento ng ibang writer para makakuha ako ng inspirasyon sa kanila. Ginagawa ko kung ano ang sa tingin ko ang makakatulong sa akin sa pagsusulat. Kapag nararamdaman ko na wala ako sa kundisyon ay hindi ko tinytuloy ang pagsusulat. Hinihintay ko na maging maayos ulit ang pakiramdam ko o sipagin ako ulit bago ako magsimula sa panibagong chapter o bagong kuwento.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Always write from the heart. Do it because you love it, not because you're aiming for thousands or millions of followers/readers. Kahit dalawa o isa lang ang nagbabasa ng kuwentong sinusulat niyo, huwag kayong mawalan nang pag-asa. Because trust me, one day, your story will be known and you will get the recognition you deserve.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Thank you for inspiring me and for loving my works. Sobrang saya kapag nakakatanggap ako ng mga magagandang messages galing sa inyo. Pagbubutihan ko pa lalo ang pagsusulat at mas lalo ko pang sisikapin ang mabigyan kayo nang magandang mga kuwento.
1. Mababaw o Malalim?
Mababaw
2. Abokado o Mangga?
Mangga
3. Kumusta o Paalam?
Kumusta
4. Game of Thrones o Lord of the Rings?
Honestly di ko sila napanood pareho pero I have a huge crush kay Orlando Bloom so Lord of the Rings na lang.
5. Tatakbo o Maglalakad?
Maglalakad
6. May kakayahang magsalita ng sampung lenggwahe o makatugtog ng sampung instrumento?
May kakayahang magsalita ng sampung lenggwahe
7. Grupo o Solo?
Solo
8. Asin o Asukal?
Asin
9. Yaman o Kaligayahan?
Kaligayahan
10. Cebu o Boracay?
Cebu
11. Magsulat na Puyat o Magsulat na Gutom?
Magsulat na puyat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro