Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

August 2022 (i) Panayam kay kulinnn_

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Simple lamang ang kwento sa likod ng aking Wattpad username. Kulin ang palayaw o nickname ko sa side ng aking Tatay kaya naman naisipan kong iyon ang gamitin bilang pen name.


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Mahalaga ang pagsusulat sa akin dahil marami akong natutunan dito. At dahil din dito ay mas nailalabas ko ang nararamdaman ko dahil may pagkakataong nagiging takas ko ito sa mapapangit na nararamdaman.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Nais kong irekomenda ang aking Shattered Hearts at The End of Us, maging ang maiikling kwentong aking naisulat. Lahat ng istoryang iyon ay mahalaga sa akin dahil galing sa puso ko ang lahat ng iyon.


4. Ano ang tatlong bagay na hindi mo maaaring makalimutan kapag magsusulat?

Cellphone dahil iyon ang ginagamit ko sa pagsusulat

- Yung journal ko kung saan ko isinusulat ang mahahalagang bagay tungkol sa story ko

- Headset dahil hilig ko ang makinig ng kanta tuwing nagsusulat.


5. Ano ang iyong ginagawa kapag nakararanas ka ng writer's block?

Madalas akong makaranas ng writer's block. Kapag ganoon ay idinadaan ko sa panonood ng K-drama, pagbabasa sa Wattpad o pakikinig ng mga kanta.


6. Ano sa palagay mo ang isang bagay na dapat mayroon ang lahat ng kuwento?

Mapupulot na aral. Iyon ang pinakamahalaga para sa akin.


7. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong sariling proseso ng pagsusulat?

Madalas akong mainspire sa mga nakikita, nababasa o napapanood ko. Kapag nakakaisip ako ng isang magandang ideya ay agad ko 'yong gagawan ng summary at title. Doon ko na sila unti-unting buuin o gagawan ng outline.


8. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng manunulat na magsusulat sa kuwento ng iyong buhay, sino ito at bakit?

Si Ate Anna o HannahRedspring. Isa siya sa naging kaibigan ko na at alam kong mapapagkatiwalan ko siya kung sakali mang siya ang magsusulat ng mala-MKK kong buhay.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Noong magkaroon ako ng mga kaibigan simula noong magsulat ako. Hindi ko pa man sila nakikita ng personal pero nakasama ko na sila sa saya at lungkot. Iyon ang masasabi kog biggest achievement ko.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Five years from now nakikita ko ang sarili kong abala sa pag-aasikaso ng aking chikiting. At sana ay marami na rin akong natapos na nobela sa mga panahong iyon.


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Isapuso natin yung mga feedback na nakukuha natin mula sa iba dahil napakalaking tulong no'n para maimprove natin ang pagsusulat natin. Huwag panghinaan ng loob. Madalas nating isipin na baka hindi ito para sa atin. Para sa akin hangga't masaya ako sa ginagawa ko ay panghahawakan ko ito.


1. Magsulat nang walang outline o hindi?

Magsulat nang may outline.

2. Magkulong sa kuwarto o tumambay sa labas?

Magkulong sa kuwarto.

3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?

Pumunta sa hinaharap

4. Makinig ng isang podcast o manood ng pelikula?

Manood ng pelikula

5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?

Makausap ang mas matandang ako.

6. Magbasa o magsulat?

Magsulat

7. Maaraw o maulan?

Maulan

8. Mag-beach kasama ang best friend o mag-hike kasama ang crush?

Mag-beach kasama ang best friend

9. Mahal ko o mahal ako?

Mahal ako

10. Kape o tubig?

Kape

11. Manalo sa loto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?

Manalo sa loto

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro