August 2022 (i) Meet the Community
Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Stars: shadesofdrama, pinkythia
Undiscovered Writers: kulinnn_, huly4n
Wattpad Ambassadors: Grasya1799, WormPad
Halina't kilalanin natin sila!
---
Wattpad Stars
Si Elle Calestina na kilala bilang shadesofdrama ay isang Wattpad star. Mahilig siyang magsulat ng mga kuwento na napapaloob sa New Adult at Romance na genres. Dalawang beses siyang nanalo sa The Wattys Awards sa pamamagitan ng kanyang mga kuwentong: Drops of Rainfall at A Step Closer na nakapaloob sa New Adult category. Sa kasalukuyan ay parte din siya ng Wattpad Paid Stories program. Siya ay mahigit apat na taon nang nagsusulat. Natanggap niya ang kanyang Wattpad Star Badge noong May 2020. Ang maging parte ng Wattpad Stars program ay nagbigay ng oportunidad sa kanya upang mas mapag-igi pa ang kanyang pagsusulat, maging parte ng isang community ng mga katulad na Wattpad stars, at mas magkaroon ng kumpiyansa at tiwala sa sarili na magpatuloy.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni shadesofdrama.<<
Nagsimula si pinkythia sa pagsusulat noong siya ay labinlimang taong gulang at ginagamit niya ang recycled na kwaderno dahil wala pang Wattpad noon. Bukod sa pagsusulat ng kuwento ay mahilig din siyang gumawa ng tula. Habang lumalaki, hindi niya nakita ang sarili bilang isang full-time na manunulat; mas nakikita niya ito bilang isang libangan lamang. Minsan din siyang nangarap na maging isang sikat na manunulat sa larangan ng Wattpad, pero alam din niya sa sarili niyang kulang na kulang pa ang kaalaman niya sa pagsusulat. Hanggang sa manalo siya sa Wattys 2020 at nagsimula siyang magkaroon ng mga follower. Nangangarap din siyang makapag-publish ng sarili niyang libro pagdating ng panahon. Hindi man siya sikat na writer sa Wattpad pero palaging buo ang kanyang determinasyon upang maipagpatuloy ang mga kuwento niya para maibahagi sa kanyang mga follower at mambabasa.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni pinkythia.<<
---
Undiscovered Writers
Bata pa lamang si Elisha o kulinnn_ ay mahilig na siyang bumuo ng mga senaryo sa kanyang isipan. Kinahiligan niya ang pagbabasa sa Wattpad simula noong taong 2015 at nagsimula naman siyang magsulat noong taong 2020. Ang Shattered Hearts na unang nobelang kanyang natapos ay isa sa napasama sa Watty 2021 Shorlist. Ngayon ay kasalukuyan siyang abala bilang isang ina at isang manunulat.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni kulinnn_.<<
Bukod sa pagiging manunulat t'wing alas-kwatro ng umaga, si huly4n ay isang eksperto sa teolohiya, mga batas ng Simbahang Katolika at paminsan-minsan, Genshin Impact (isa siyang Childe main). Mula 2007, siya ay nagsusulat na ng mga akda na may tema ng pilosopiya, buhay klerigo, at mga isyu sa mga institusyon-relihiyoso na hindi angkop pag-usapan sa publiko. Taong 2018 nang siya'y naging aktibo na manunulat ng mga kuwentong epistolaryo na may sensitibong tema sa Wattpad. Sa kasalukuyan, sinusubukan niya na rin magsulat ng mga epistolaryo na papatok sa panlasa ng kabataang mambabasa.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni huly4n.<<
---
Wattpad Ambassadors
Si Grace o mas kilala bilang Grasya1799 sa Wattpad ay 23 taong gulang, na kaka-graduate lamang sa Kursong Bachelor of Science in Tourism Management at nakapagtapos bilang Cum Laude ng kanyang batch. Anim na taon na siyang gumagamit ng Wattpad at 2 taon nang nagsusulat ng gospel centered stories, ngunit ngayong taon lamang nag-publish ng kanyang unang libro na may pamagat na Taming the Rain. Siya ay isa ring Wattpad Ambassador na siyang nagbigay daan sa kanya upang mas lumawak pa ang kaalaman sa pagsusulat at pakikipag-kapwa tao. Isa sa mga pangarap niya ay maging isang successful writer at makapagsulat pa ng maraming libro na makakatulong sa pag-unlad ng kanyang mga mambabasa.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Grasya1799.<<
Si WormPad ay isang simpleng manunulat na nagpasyang sumali sa Wattpad Ambassadors. Siya ay bente-kwatro anyos na kasalukuyang nagtatrabaho habang ginagampanan ang tungkulin bilang isang ambassador. Mahilig siya sa mga istoryang may tema na tungkol sa pamilya, pag-ibig, at katatawanan na may katuturan. Kapag nagsusulat siya, nakikinig siya ng mga kanta at mas preferred niyang gabi dahil mas maraming naiisip na senaryo sa gabi.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni WormPad.<<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro