April 2022 (iv) News From Around Wattpad
Ngayong buwan ng Abril, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!
---
AmbassadorsPH
Napaglaruan? Napag-trip-an? Paano kung ang bawat hindi magandang joke na ginawa mo ay kapalit din na kahihinatnan? Maaaring bumalik ang birong iyon sa iyo o kaya naman ay mas malala pa ang kalalabasan? Ano ang gagawin mo?
Ngayong buwan ng Abril, pag-usapan natin ang April Fool's at ang mga consequences ng mga birong maaaring nakakasakit na sa iba.
Sa loob ng 500 hanggang 800 salita, ibahagi ninyo sa amin ang mga posibleng scenario kapag hindi tayo gumawa ng magandang biro sa iba at nakasunod din sa temang "Jokes Gone Wrong".
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates and sticker badge. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!
---
WattpadFanFicPH
April, despite the goodbyes, also creates new beginnings.
Wazzup, fanfic PH!! Abril na! Kung sa buwan sa ating eskwela, pagtatapos na! Masaya, dahil may panibagong yugto na naman ng buhay natin ang magbubukas. Panibagong pahina, panibagong karanasan.
Ngunit, kung sa sitwasyong pang-eskwela, masaya talaga. Paano kung iyong mga nagpapasaya sayo nang husto, panandaliang mawawala?
Inihahandog ng Fanfic PH, ang It's Time To Say Goodbye For A While Writing Contest!
Anong dapat gawin? Simple lang iyan! Pipili ka ng iyong K-pop idol na mag-e-enlist/nag-enlist at gagawan mo ito ng maikling kwento. Ano ang naramdaman/mararamdaman mo kung sakaling mawala sila nang panandalian? Dapat ring masagot ang tanong na ito: Lahat ba ng paglisan ay may gandang taglay?
Sa loob ng 500-1500salita, gumawa ng akda ayon sa nasabing tema at lagyan ito ng tag na #FanFicPHGoodbye2022,.
Lahat ng mga entry ay mailalagay sa aming compilation/reading list at ang winning story pati na rin ang author nito ay ipi-feature sa aming profile!
I-follow lamang ang WattpadFanFicPH para sa kumpletong detalye at sa susunod pang mga update.
---
WattpadRomancePH
Paano nga ba tatakasan ang hindi inaasahan? Water Signs of the Zodiac, it's your time to shine! Ngayong buwan ng Abril, salubungin ang tag-init kasama ang WattpadRomancePH sa pamamagitan ng pakikilahok sa aming writing contest tungkol sa Water Signs—Scorpios, Cancers, and Pisces. Ano pa man ang zodiac sign mo, siguradong welcome ka sa patimpalak na ito.
'Wag kalimutang i-follow ang aming profile para manatiling updated sa lahat ng aming mga pakulo.
---
Wattpad Now? Season 2
Nakapanood na ba kayo noong Marso? May inaabangan ba kayong magiging guest sa show? Kung kapareho namin ay nasasabik na kayo sa iba pang mga pakulo ng Wattpad Now? Season 2, puwes, tumutok lamang sa WattpadPH profile sa kumu tuwing alas nuebe ng gabi (tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes).
Marami rin kaming inihandang mga papremyo kaya manood at makipagkulitan na!
Aasahan namin kayo, ah?
---
At dito na nagtatapos ang April issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan! Maraming salamat sa inyong suporta!
Happy Wattpadding!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro