April 2022 (ii) Writing ang Multimedia Tips
PAANO MAGSULAT AT MAGPANATILI NG CLIMAX
Ang climax ng isang kuwento ay isang dramatiko at nakakaganyak na punto ng pagbabago sa isang salaysay--isang mahalagang sandali sa story arc ng kuwento na naghahalo sa pangunahing tauhan laban sa isang magkasalungat na puwersa upang malutas ang pangunahing salungatan. Ito ay isang mahalagang pampanitikang kagamitan sa istraktura ng balangkas : isang sandali kung kailan nagtatapos ang rising action at ang arko ng balangkas ay lumiliko at nagsisimula sa isang bagong punto. Ang climax sa pangkalahatan ay ang pinakamataas na punto kung saan nahaharap ang iyong karakter sa pinakamalaking dilemma o pinakamalaking balakid.
1. Isulat muna ang katapusan - Kadalasan sa proseso ng pagsusulat, ang tensyon ay umaangat sa kalagitnaan ng isang nobela, kaya mabuting ideya na isulat muna ang iyong katapusan. Hindi man ito perpekto, at maaari mo ito palaging palitan kalaunan, pero nakatutulong ang malaman ang climax kung saan patungo ang iyong mga karakter. Ang pagkakaroon ng destinasyon ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng pokus habang nasa "middle muddle." Bagama't mukhang nakatatakot alamin agad ang katapusan, bumalik lang sa iyong nag-iisang dramatikong tanong (ang pangunahing ideya ng iyong nobela), na nagtatago na ng iyong katapusan.
2. Gumamit ng prologue upang magbigay ng hint sa iyong climax - Ang prologue ay isang magandang instrumento upang maengganyo ang iyong mambabasa sa dramatic action. Minsan, nagpa-flash forward ito sa hinaharap (at pinakikita ang parte ng climax ng kuwento), o tumutukoy sa isang mahalagang pangyayari sa nakaraan na nagpapagalaw sa kuwento (ang catalyst). Ang mga prologue ay gumaganap bilang pangako sa mambabasa na kalaunan ay mararating mo ang climax na iyon o ipaliliwanag ang catalytic act na iyon, ngunit kadalasan ay nag-aalok ang mga ito ng isang malakas na dose ng pagkaintriga o makabagbag-damdamin na aksyon upang tiyakin sa mambabasa na ang nobelang ito ay pananatilihin ang kanilang interes. Ang mga prologue ay lalong kapaki-pakinabang sa mga libro kung saan ang mga pangunahing kabanata ay naglalaan ng oras para ipakilala ang bayani, kontrabida, at ang mundo.
3. Isipin ang iyong storyline bilang isang landas - Ang bawat desisyon na iyong ginagawa ay nilalagay ka sa isang landas, at ang mga pagpipilian ng iyong mga karakter ay mababawasan habang papunta na sa katapusan ang kuwento. Sa simula, mayroong malaking bilang ng magkakaibang landas. Ngunit habang umuusad ang nobela, dapat mas maging klaro sa isipan ng mga mambabasa hindi lang kung anong climax ang dapat maabot ng iyong pangunahing tauhan kundi kung paano mangyayari ang climax na iyon. Ang climax ay hindi kailangang manahulugang mga paputok, ngunit nangangahulugan ito ng isang malalim na pagbabago, para sa iyong pangunahing tauhan o sa kanilang mundo. Anuman ang pagbabagong iyon, binuo mo ang buong kuwento patungo sa sandaling ito. Gumagawa ka ng pangako sa mambabasa na ang salungatang ito ay magaganap sa kalaunan--at malulutas--at ang magandang pagkukuwento ay tutuparin ang mga pangakong ito.
4. Gumamit ng crucible - Ang crucible effect ay kapag ang kapaligiran o sitwasyon ay hindi na maiiwisan ng iyong mga karakter o pinipilit sila patungo sa climax ng kuwento. Ang crucible ay kadalasang nangyayari bilang resulta ng mga desisyon ng mga karakter, na resulta ng mga panggigipit sa kanila. Hindi lahat ng kuwento ay magkakaroon ng crucible, ngunit karamihan ay mayroon. Halimbawa, sa The Lord of the Rings ni Tolkien, paano kung nagpasya si Frodo na hindi dalhin ang singsing sa Mordor? Gumugol si Tolkien ng maraming oras sa pagpapakita na si Frodo lamang ang makapagdadala ng singsing, at nagmumungkahi kung anong mangyayari kapag siya ay nabigo. Lahat ng kanyang mga akda ay bumubuo ng crucible effect para kay Frodo, na nagpaparamdam sa kanya (at sa mambabasa) na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang marating ang Mordor, anuman ang magiging epekto nito sa kanya.
5. Tandaan ang genre - Ang mga detalye ng iyong kuwento ay nakadepende sa mga elemento ng iyong kuwento, ngunit ang genre ang madalas na nagpapasya kung ang climax ay magiging maganda para sa iyong mga karakter. Ang mga nobela ng romance ay kadalasang mayroong masayang pagtatapos, halimbawa, ngunit ang mga trahedya ay hindi.
6. Huwag gawing masyadong madaling hulaan.
7. Iwasan ang mga cliche.
COLOR TERMINOLOGY
Kung nais mong gamitin nang mas mainam ang mga kulay sa iyong mga disenyo, dapat ay pamilyar ka sa ilang mga konsepto ng kulay pati na rin mga termino ng teorya ng kulay.
Ang pag-unawa sa mga prinsipyo gaya ng chroma, value, at saturation ay kinakailangan sa pagbuo ng iyong sariling mahusay na color palette.
HUE
Ang hue ang pinakapangunahing ginagamit sa paglalarawan ng kulay at tumutukoy sa kulay ng isang bagay. Kapag sinabi nating "asul", "berde", o "pula", tinutukoy natin ang hue. Ang mga kulay na pinipili mo sa iyong mga disenyo ay nagbibigay ng mahahalagang mensahe sa iyong audience.
TINT
Mga tint sa isang color wheel
Kapag ang puti ay dinagdag sa isang hue upang lumiwanag ito, nabubuo ang tint. Ang mga pastel color ay minsang ginagamit upang ilarawan ang mapupusyaw na kulay, subalit, anumang purong hue na dinagdagan ng puti ay isang tint, kahit na ang kulay ay medyo maliwanag pa rin.
Ang mga tint ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng mas malamot o mas magaan na mga disenyo. Ang mga pastel color ay karaniwang ginagamit upang gawing mas banayad at payapa ang mga disenyo, ngunit marami pa ring mga halimbawa ng pastel na lumilikha ng medyo magkakaibang vintage na disenyo.
TONE
Mga tone sa isang color wheel
Kapag ang kulay abo ay idinagdag sa isang hue, nabubuo ang mga tone. Ang mga tone ay kadalasang mas mapurol o malambot ang itsura kaysa sa mga purong kulay.
Ang mga tone ay minsang mas madaling isali sa mga disenyo. Ang mas maraming kulay abo ay maaaring makapagbigay sa mga website ng mas lumang pakiramdam. Maaari din itong magbigay ng mas pino o magandang dating depende sa mga hue.
SHADE
Mga shade sa isang color wheel
Kapag ang itim ay idinagdag sa isang hue upang gawin itong mas madilim, nabubuo ang shade. Minsan, ginagamit nang hindi wasto ang shade upang ilarawan ang tint o tone, bagama't opisyal na ito ay tumutukoy sa mga kulay na dumilim dahil sa pagdagdag ng itim.
Habang hindi mo kailangang kabisaduhin lahat ng technical jargon na ito, kailangang maging pamilyar ka sa mga prinsipyo, lalo na kung nais mong ma-master ang graphic design at gamitin ang mga kulay sa nais mong paraan. Ang kahulugan ng mga kulay ay nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan upang piliin ang color palette na pinakaangkop sa iyong pangangailangan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro