April 2022 (i) Panayam kay itsmemaaaee
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Around July 2019 ako naging Wattpad Ambassador at kabilang ako sa Engagement team. #RoadToThreeYears
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Madalas ako 'yung nagja-judge ng mga stories sa mga activities ng team namin at namimili ng mga akda para sa reading list.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Mahilig ako magsulat at nais kong ibahagi sa ibang tao ang kagandahan ng Wattpad para ibahagi ang mga kuwentong nais nating sabihin. Around March 2018 nung nakita ko 'yung post ng Wattpad Ambassadors agad ako nagpasa ng application pero sa kasawiang palad hindi ako napili pero nagpasa ulit ako makalipas ang ilang buwan, pero kagaya ng naunang nangyari hindi parin ako pinalad mapabilang sa team. May kasabihan nga na 'never lose hope' at sa pangatlong pagkakataon muli ako nagpasa ng application at don nagsimula ang kuwento ko bilang isang Wattpad Ambassador.
4. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador?
Para sa akin ang pinakamasayang parte ng pagiging Ambassador ay ang makita mo na maraming sumasali sa mga contests na ginagawa ng team namin, do'n ko nakikita na ang mga Pilipino ay likas na malikhain at talentado sa larangan ng pagsusulat. Minsan nare-realize ko rin na maraming boses na hindi pa nakikita pero balang araw, lahat ng taong ito ay gagawa ng pangalan sa larangan ng pagsusulat. Ang pinakamahirap na parte sa pagiging Ambassador ay 'yung kailangan mo ng 'time management' dahil maliban sa pagiging Wattpad Ambassador isa rin akong full-time office worker, online writer, currently attending online courses and seminars. Gayunpaman, kahit pagod masaya pa rin ako sa ginagawa ko.
5. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Kagaya ng sinabi ko kanina, kailangan ng 'time management' dapat alam mo sa sarili mo na ang oras mo ay mahalaga dahil marami ka pang dapat gawin. Sinisiguro ko rin na lagi pa rin akong mayroong oras para sa aking sarili at sa mga taong nasa paligid ko.
6. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
To be honest, ang dami kong natutunan sa pagiging Wattpad Ambassador. Malayo man kami sa isa't isa pero nagagampanan namin ang tasks ng bawat isa. Doon ko nakita ang kahalagahan ng 'teamwork' at 'pakikisama'. Teamwork sa paraan na mas maraming utak ang nagbibigay ng idea mas nagiging maganda ang kakalabasan neto. Pakikisama sa paraan na magkakaiba kami ng kultura, ugali at paniniwala pero lagi naming nirerespeto ang opinion ng bawat isa. Kung may nagawa mang pagkakamali ang isa sa amin, we never blame him/her otherwise we help each other find solutions. We treat each other as a family. Para sa akin magiging successful ang isang team kung mayroong teamwork at pakikisama.
7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Professional ang lahat ng kasama ng tao sa Wattpad Ambassador. Hindi ko man sila nakikita dahil malayo kami sa isa't isa pero lagi silang nandiyan para sa iyo. Kapag nakikita ka nilang nahihirapan, willing sila tulungan ka. Apart from it, grateful ako sa bumubuo ng Wattpad Ambassadors team for making the team toxic-free environment.
8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Para sa akin nakatulong ang pagiging Ambassador bilang isang manunulat dahil sa bawat kuwento na aking sinusulat don ko mas nakikilala ang sarili ko at kung paano ko ibabahagi ito sa aking mga mambabasa. Nakikilala ko ang sarili ko sa paraan na paano ba ako maghandle ng mga sitwasyon as an Ambassador. Nakatulong sa akin ang pagiging Ambassador bilang isang mambabasa dahil dito ko natutunan ang iba't ibang klase ng mga manunulat. Don ko mas nakikilala ang mundong aking ginagalawan.
9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Isa sa mga karanasan ko na hindi ko malilimutan bilang isang Ambassador ay 'yung 'family treatment' na nakukuha ko mula sa team. Hindi lahat ng miyembro ng Wattpad Ambassadors ay galing Philippines dahil isa itong international community pero makikita mo yung iisang goal ng bawat isa para sa Wattpad at sa buong writing community.
10. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Para sa akin, I always exercise professionalism. I always treat each criticism as a way to improve our community rather than treating it as judgment. At times, aminado ako na nahihirapan din ako sa mga nakukuha naming mga criticisms pero I always see the the bright side of it rather than fighting with other Wattpaders. Lagi ko pinapaalalahan ang sarili ko na isa ako sa sumasalamin ng Wattpad Ambassador kaya hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng aming community.
11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Para sa lahat ng mga Ambassadors at sa mga heads namin, una sa lahat nagpapasalamat ako sa inyo. Marami ako natutunan mula noong napabilang ako sa team. More power sa Wattpad Ambassadors! Para sa lahat ng mga nais mapabilang sa Wattpad Ambassadors, huwag kayo matakot. Kagaya ng sabi ko kanina, dalawang beses akong nareject pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Once-in a lifetime lang ito at marami kayong matutunan dito. I am hoping to work with you soon!
1. E-book o physical book?
Physical Book. Dati mahilig ako magbasa sa e-book pero dito lumabo ang mata ko kaya mas prefer ko na ang physical book.
2. Tea o coffee?
Coffee
3. Mahal mo o mahal ka?
Mahal ako. Mas naniniwala ako na piliin mo ang taong mahal ka kesa sa taong mahal mo dahil mas may chance na matutunan mo siya mahalin pabalik kesa ipilit mo ang sarili mo taong hinding-hindi ka kayang mahalin. Para sa akin, mas triple ang sakit kapag ganon. Maaring nakuha mo nga siya pero we never know kung ano ang kaya niyang gawin kapag nakatalikod ka.
4. Edward o Jacob?
Edward.
5. Jollibee o McDo?
Jollibee
6. Dine-in o delivery?
Delivery
7. Forest o beach?
Beach. Para sa akin mas nauunwind ako kapag nasa beach.
8. Tacos o wings?
Wings, not an avid fan of tacos.
9. Tulog sa kanan o sa kaliwang bahagi ng kama?
Tulog sa kanang bahagi ng kama
10. Pusa o aso?
Aso, though medyo takot ako sa aso. I find them cute tho.
11. Sitcom o drama?
Drama. Para sa akin mas prefer ko 'yung drama dahil dito ako madalas humuhugot ng mga isinusulat ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro