April 2022 (i) Panayam kay itsartemiswp
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Habang sinusulat ko yung first novel ko sa Wattpad, I was thinking of a good pen name and I came up with something different pero kahit papaano ay may resemblance sa real name ko. I came up with 'Artemis Zamora' na may initials na 'AZ' which is the first and last letter of my real name. Noong nakabuo na po ako ng pen name ko, I decided to come up with a simple username which is 'itsartemiswp', based on the name of the Greek goddess of the moon, Artemis, na somehow ay related po sa concept ng first installment ng Fantasy series ko.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
As a writer who mostly writes Fantasy-Thriller novels, I would like to challenge myself by writing a completely different genre kung bibigyan ako ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon. Gusto ko pong subukang magsulat ng kuwento under political genre na may layuning maipahayag ang mga hinaing at saloobin ng sambayanang Pilipino sa pang-araw araw na pagsubok na pinagdadaanan nating lahat sa nakalipas na dekada.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Para sa akin po, isa sa pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay ang pago-overcome ng writer's block at unproductivity sa mga araw na kinakailangan mong magsulat o sa araw na nag-set ka ng certain writing goal. The feeling of staring at a blank screen for hours and questioning every word I write because I feel like I lack creativity are the hardest challenges I have to overcome as a writer.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Five years from now, I can see myself continuing my passion for writing while pursuing my dream career which is to be an allied health professional.
5. Ano ang iyong naging inspirasyon sa pagsulat ng "Sanctum Academy: The Lost Sanctuary"?
"Sanctum Academy: The Lost Sanctuary" is the second installment of my Galaxias series. The success of my first installment, "Dauntless Academy: Home of the Brave", has been one of my major inspirations when writing this novel. Pero bago ko pa man simulan ang pagsusulat ng Fantasy series na ito, I am very much open and proud to say na isa sa mga naging pangunahing inspirasyon ko talaga sa pagsusulat ng akdang ito ay ang panonood ng Sci-Fi movie adaptations like "Divergent" by Veronica Roth and "The Hunger Games" by Suzanne Collins na dalawa sa mga pelikulang naka-inspire sa aking magsulat at lumikha ng fictional world para sa aking mga akda na nasa ilalim ng Galaxias series ngayon.
6. Kilala ang April Fool's Day sa buwan ng Abril. Ano ang maipapayo mo sa mga mambabasa mo tungkol sa panlilinlang or panloloko?
Para sa darating na April Fool's Day, ang maipapayo ko lamang sa aking mga mambabasa ay ingatan niyo ang inyong mga puso dahil laganap na ngayon ang mga manloloko hindi lamang sa unang araw ng Abril. Kidding aside, hinay-hinay lang din tayo sa pampa-prank o pagbibitiw ng mga mapanlinlang na salita dahil maaaring nakakatuwa ito para sa iyo ngunit hindi na pala para sa iba. Make sure that your jokes or pranks will not go too far kasi minsan ay ito ang nagiging sanhi ng pagkasira ng pagkakaibigan o relasyon ng iba.
7. Isa kang estudyante na nag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Medical Technology. Paano ito nakakatulong sa iyong pagsusulat ng kwento?
Bilang isang mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Medical Technology, mahalaga para sa amin ang pagtitiwala sa proseso dahil ika nga nila, "You reap what you sow." Alam naming lahat ng aming natututunan at matutunan pa sa loob ng silid-aralan at laboratory ay magagamit namin balang araw to save lives and give our service to those who are in need. Masasabi kong naia-apply ko rin ito sa pagsusulat ng kuwento at sa pagiging isang manunulat, in general, dahil naniniwala na ako na great things take time and that everything that happens is a result of what we have done and how much effort we have put into it. Bilang isang manunulat, parte ng proseso ang pag-step out of our comfort zone, pagbuo ng good writing habits, at patuloy na paghahanap ng paraan na sa tingin ko ay makakatulong sa akin upang patuloy na mag-improve upang makabuo ng isang magandang akda. Sabi nga nila, if you really want something, you have to work hard for it.
8. Ano ang mas mahirap sa iyo: Ang gumawa ng plot o ang pag-edit ng iyong kwento?
Para sa akin, mas mahirap ang pagbuo ng plot kumpara sa page-edit ng aking kuwento. Sa tingin ko kasi ang page-edit ng kuwento ay mas nagli-lean towards the technical aspect na sa tingin ko ay kaya nating matutunan, ma-develop, o mas ma-improve pa in the long run. On the other hand, a plot is not just a sequence of events. Kung gusto mong makagawa ng isang magandang akda, kailangan mong bumuo ng isang strong na plot. Bilang isang Fantasy writer, sobrang challenging para sa akin ang makagawa ng isang maganda at konkretong plot kasi hindi maiiwasan yung maraming tanong na mafo-formulate as the story unfolds na kinakailangan kong sagutin through writing, especially kapag parte ng isang series ang kuwentong isusulat ko na kinakailangan ng koneksyon sa isa't isa.
9. Sa mga isinulat mong kuwento, ano ang pinakapaborito mong dyanra na isinulat at bakit?
In contrast sa main genre ng mga pangunahin kong akda which is Thriller-Fantasy, para sa akin, ang pinakapaborito kong dyanra na isinulat ko in my whole writing journey ay ang Romance-Medical genre. Pakiramdam ko kasi ay kumportable akong isulat ito lalo na dahil malapit ito sa aking kinukuhang kurso ngayon sa kolehiyo na Bachelor of Science in Medical Technology. Although, sa technical aspect ay mahirap pa rin itong isulat dahil kinakailangan kong magsagawa ng maraming research upang gawing realistic ang bawat eksena and at the same time ay kinakailangan ko ring siguraduhin ako hindi ako nagbibigay ng maling information, especially para sa mga mambabasa kong nasa medical field katulad ko, I think the main reason why I enjoy writing this genre the most is because it feels much closer to reality.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
To all new writers, I hope you never give up on your dream and continue working on improving yourself as a writer. Follow your own pace and, trust me, mas makabubuti para sa iyo kung marunong kang tumanggap ng kritisismo mula sa iba at makinig sa mga writing advice mula sa mga taong may sapat na kaalaman sa larangan ng pagsusulat.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
To my readers, my beloved Artemians, thank you for appreciating my craft. Alam kong paulit-ulit ko nang sinasabi sa inyo ito, pero hindi ako magsasawang sabihin na isa kayo sa mga dahilan kung bakit patuloy akong nagsusulat hanggang ngayon. I dedicate every achievements I get as a writer to all of you because you're the reason why I kept going. Thank you for all the love and support and I'll keep doing my best to make you proud! I heART you all! <3
1. Atras o Abante?
Abante
2. Hardbound o Paperback?
Paperback
3. Barbecue o Banana Cue?
Barbeque
4. Mars o Venus?
Mars
5. Baguio o Tagaytay?
Baguio
6. Kahoy o Metal?
Kahoy
7. Walang Signal o Walang Kuryente?
Walang Signal
8. Mag-edit ngayon o mamaya?
Mag-edit mamaya
9. Glass Half full o Half empty?
Glass Half full
10. Maging sikat online o sa totoong buhay?
Maging sikat online
11. Ibon o Isda?
Isda
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro