Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 2022 (i) Panayam kay isipatsalita

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Biglaan lang siyang pumasok sa isip ko habang nag-iisip ako ng username na medyo creative pero madaling tandaan. Since bet ko pong mag-isip at magsalita, pinagsama ko na lang hanggang sa naging "isipatsalita".


2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?

Outlet ko ang pagsusulat ko noon hanggang ngayon. Naging komportable na tuloy ako't parang naging online diary ko na lang siya. Doon kasi ako nagiging malaya. Doon ko mas nakikilala ang sarili ko.


3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?

Pinalad po ang Pagsinta (Tamis Series #1) na mapabilang sa Wattys 2021 winners. Hindi ko talaga siya highly recommended pero masaya ako habang isinusulat ko iyon last year (May 2021) kaya gusto kong i-share sa iba ang happiness na naidulot no'n sa akin. Hinaluan ko po iyon ng mga real life experiences. Ganoon din po ang pangalawang published novel kong Pandesal atbp. na talaga namang minahal ko rin dahil iba ang epekto no'n sa akin. Chill na chill lang po kasi. At higit sa lahat, may ongoing Non-Fiction story po ako na ang pamagat ay Kalmado.


4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?

Gusto kong maging erotic writer (na hindi lahat ay papabor dito). Erotic-Comedy ang gusto kong gawin. Haha. Nais kong maka-collab ang partner ko sa ganoong genre pero sa ngayon, sa medyo wholesome muna ako magpopokus.


5. Ano ang mga bagay na sa palagay mo ay dapat iwasan ng mga baguhang manunulat?

Iwasang sumama ang loob kapag may nagko-korek sa mga isinusulat natin o kapag nagbibigay lamang ng suhestiyon o opinyon. Kailangan open po tayo sa negative at positive criticism. Kung hindi man kaya, pasok na lang sa isang tainga, labas sa kabila tapos sabak ulit.

Huwag din sana nating isiping hindi tayo enough lalo na kapag kaunti pa lamang ang nagbabasa sa mga akda natin. Focus lang tayo sa ating craft. Sa ating pagmamahal para sa pagbabahagi ng kuwento.

6. Ano ang kasulukuyang genre na isinusulat mo? Nais mo bang mag-venture out at sumubok naman ng ibang uri ng kuwento?

Light Romance lahat ng mga isinusulat ko. Gusto ko po talaga no'ng naka-e-enjoy lang basahin. Pang-alis stress at tipong ngingiti ka lang at kikiligin mula umpisa hanggang dulo. Pero may isa po pala akong light drama ngunit masaya pa rin ang Wakas.

Hangga't maaari, gusto ko pong makilala si isipatsalita sa kalmadong mga istorya.


7. Sa lahat ng karakter na naisulat mo, sino ang sa tingin mong pinakamalapit sa pag-uugali mo?

Sa nobela kong Pandesal atbp., ang nickname ng bidang babae ko roon ay "Dani". Ako po iyon. Ako mismo. Hinulma ko po ang ugali at ibang salitaan sa akin. Pero dinagdagan at binawasan ko na lang po ng mga detalye para na rin sa aking privacy. Hehe.


8. Bukod sa pagsusulat, ano pa ang pinagkakaabalahan mo sa iyong libreng oras?

Isa po akong online seller at full-time partner. Yee. Meowmy rin po ako ng aming pusa na si Pusa. Sa kanila lang po umiikot ang buhay ko ngayon. Hehe.


9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?

Wala pa po akong isang taon sa Wattpad bilang manunulat pero nabigyan na po ako nang nakapagandang karangalang manalo sa Wattys 2021 under Romance category. Hindi ko po inaasahan iyon pero isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas motivated po ako ngayon. Ngunit kahit hindi man nanalo, alam kong magsusulat pa rin ako for memories.


10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?

Sa tabi po ng aking mister. Yee. Seryoso po, nakikita ko po ang sarili kong full-time wifey at Meowmy na nagta-type pa rin sa laptop ng mga kalokohan na may kabutihang asal din naman po (Talaga ba? Cheret).


11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?

Baguhan lang din po ako pero para sa mga literal na bago pa lang po, basta ba wala tayong inaatakeng ibang tao/manunulat o malinis ang ating hangaring makapagdala ng saya at aral sa mga mambabasa, go lang natin.

Hindi tayo magpapatinag sa mga negative feedback o literal na panlalait. Sa halip ay magpokus tayo para mas mag-improve tayo sa pagsusulat. Para mas maging effective po ang ating mga istorya.

Mahirap po talagang maging writer pero pinili po natin ito kaya naniniwala akong maitatawid natin 'to. May approval man ng iba o wala. May magbasa man o wala. Hehe.


1. Magsulat nang walang outline o hindi?

Magsulat nang walang outline

2. Tumawa tuwing umaga o umiyak sa gabi?

Tumawa tuwing umaga

3. Bumalik sa nakaraan o pumunta sa hinaharap?

Pumunta sa hinaharap

4. Sumayaw sa harap ng isang tao o kumanta sa harap ng sampung tao?

Sumayaw sa harap ng isang tao

5. Mabigyang payo ang sarili noong bata ka pa o makausap ang mas matandang ikaw?

Makausap ang mas matandang ikaw

6. Magbasa o magsulat?

Magsulat

7. Eroplano o barko?

Eroplano

8. Jollibee o McDo?

Jollibee

9. Makahinga sa ilalim ng tubig o makalipad sa kalangitan?

Makalipad sa kalangitan

10. Kape o tubig?

Kape

11. Manalo sa lotto o maging isang exclusive author sa isang sikat na publishing company?

Manalo sa lotto


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro