April 2022 (i) Panayam kay gradylicious
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Ang username kong gradylicious ay nanggaling sa dati kong crush way back 2020. Ito 'yung nickname niya sa 'kin before. Isa siya sa mga dahilan kaya ko nasulat ang Watty winner kong story. Bilang pasasalamat sa kaniya, 'di ko na pinalitan ang username kong 'to. Kahit natatawa ako minsan sa username ko, hindi ko na binago pa kasi dito na rin ako nakilala ng mga readers ko.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Siguro ang magiging theme is all about LGBTQIA+ representation especially sa Fantasy genre. Hindi naman ako as in avid reader ng Fantasy genre pero sa loob ng ilang taon kong pagbabasa sa genre na iyon, wala pa akong nakikitang bida/lead na part ng LGBTQIA+ community. Siguro meron nang nasulat internationally or even locally pero as of now wala pa akong na-e-encounter. I want to see this kind of content mula sa mga local authors natin.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Ang pinakamahirap na aspeto, para sa akin, ay ang pagbuo ng unique na characters. Madali lang mag-isip ng tipo ng character na ilalagay sa story, at least for me, pero ang mahirap ay kung paano mo gagawing convincing ang isang character. 'Yun bang mayroon na silang distinct voice sa story na kahit hindi ko banggitin ang pangalan niya, malalaman na agad ng readers na siya 'yun. Ang hirap nito kasi minsan talaga hindi ko napapanindigan 'yung personalities ng mga characters ko.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
In writing, siguro published author na ako. Hindi man sikat, sigurado naman akong nagpapatuloy pa rin sa pagsusulat. Actually, naka-schedule na lahat ng isusulat ko until 2030 so baka iyon lang mga pagkaabalahan ko sa susunod pang mga taon.
5. Ano ang pinakapaborito mong eksena sa kuwento mo na "I Kissed A Girl"? Bakit?
Siguro ang pinaka-favorite kong eksena ay 'yung part na pinapanood nila 'yung sunset. Iyon 'yung pinakapayapa na part ng buong novel. Parehas silang masaya. Ang gaan lang sa pakiramdam basahin ng part na 'to.
6. Merong tinatawag na April Fool's Day ngayong buwan ng Abril. Ano ang masasabi mo sa mga naloko?
Sa mga naloko, iwan niyo na iyang mga nanloloko na iyan. Di niyo iyan deserve. At sa mga patuloy pa ring nagpapaloko, aba huwag ka nang maging martir pa! Layas na agad! Hindi dapat tayo pumapayag na ganiyanin lang tayo. We know our worth! Let's fight for what we deserve! chz
7. Nabanggit mo sa iyong bio na ikaw ay nage-explore pa ng mga dyanra na isinusulat. Sa ngayon, ano ang pinakamahirap mong dyanra na isinulat at bakit?
Pinakamahirap para sa 'kin ang Fantasy. Fun fact: Fantasy ang genre ng pinakauna kong p-in-ost na story sa Wattpad. Hindi ko talaga kinaya kaya hanggang ngayon hindi ko pa ina-attempt na magsulat ulit from that genre. Pero soon! Babalik din ako sa genre na iyon!
8. Paano nakatulong ang pagiging Wattpad Star sa iyong personal at pribadong buhay?
Wattpad Stars Program helped me a lot. The program supported me in so many ways. Nadagdagan ang followers ko and readers dahil dito. At saka magde-develop ka talaga as a writer kasi maraming opportunity na ibinibigay ang Stars program. Isinusubo na lamang sa iyo. I also gained confidence with what I can do as a writer. Kapag nada-down ako minsan, iniisip ko na lang na may mga nagtiwala sa akin to be part of the program, so dapat may tiwala din ako sa sarili ko.
9. Kung mabibigyang buhay ang dalawa sa mga isinulat mong karakter, sino ang gusto mong kaibiganin at sino ang kailangan mong iwasan? Bakit?
Siguro kakaibiganin ko si Heaven ng Heaven's Haven. Same kami ng ilan sa mga napagdaan sa buhay kaya sa tingin ko magkakasundo kami. Iiwasan ko naman na character ay si Grayson ng I Kissed a Girl (na kapangalan ko pa!). He's crazy. Nakakatakot siya. Parang anumang oras may pinaplano siyang masama sa kahit na sino. Hindi mo malalaman kung anong tumatakbo sa isip niya.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Wala akong ibang maibibigay na payo kundi i-enjoy ang proseso. Talagang mahirap magsulat, given na 'yan. Nakakatamad minsan, nakakasakit ng ulo, etc. Kaya huwag mong ipagkait sa sarili mo 'yung enjoyment, huwag maging seryoso masiyado. Mahirap mapunta sa sitwasyon na basta ka na lang nagsusulat, like para ka na lang robot na nagta-type. Wala nang nararamdamang spark. Mahirap pag umabot ka na sa ganiyang phase. Enjoy lang! Praise yourself for every achievements mo in writing, maliit man o malaki. Deserve mong magbunyi dahil hindi lahat mayroong tapang na magsulat ng isang nobela.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Sa lahat ng readers ko, maghintay lang kayo dahil hindi pa 'to ang best version ko. Marami pa kayong aabangan mula sa 'kin sa mga susunod na taon. Hindi ko sasayangin ang suporta ninyo! Mahal ko kayo!
1. Kape o Tsa-a?
Kape!
2. Spaghetti o Palabok?
Spaghetti! Pero kahit ano naman kinakain ko HAHAHA
3. Batanes o Siargao?
Siargao!
4. Sasaluhin o Mangsasalo?
Sasaluhin! Lagi na lang kasing walang sumasalo sa 'kin pag nahuhulog ako hmp jk
5. Magsulat ng Walang Ilaw o Magsulat na Konti ang Papel?
Magsulat ng walang ilaw! Sa umaga kasi ako nagsusulat HAHAHAHA
6. Visual Learner o Verbal Learner?
Visual learner!
7. Paru-paro o tutubi?
Tutubi! Masiyado nang overrated ang mga paru-paro hshshshs
8. Ma-friend zone o ma-ghost?
No comment, charing. Ma-friendzone na lang at least may closure.
9. Malambot o Matigas?
Malambot huhu
10. Mapahiya o Matakot?
Matakot. Wala naman akong hiya so..
11. Happy Ending o Tragic Ending?
Happy ending para sa 'kin! Pero sa stories ko, tragic ending hehe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro