Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 2022 (i) Meet the Community

Simula na naman ng bagong buwan! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!

Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:

Wattpad Stars: itsartemiswp, gradylicious

Undiscovered Writers: xmerakiss, isipatsalita

Wattpad Ambassadors: itsmemaaaee, missswithglasses

Halina't kilalanin natin sila!

---

Wattpad Stars

Si Alliah Mariz Juarez, o mas kilala bilang Artemis Zamora o "itsartemiswp", ay isang 21-year old Bachelor of Science in Medical Technology student na may hilig sa pagsusulat. Nadiskubre niya ang kanyang pagkahilig sa pagsusulat noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Simula noon ay naging libangan na niya ang pagsusulat ng maiikling kuwento habang ginagabayan ng kanyang ninong na si Mr. Sherwin Saavedra, na siyang tumayo bilang kanyang unang tagapayo sa pagsusulat. Nagsimula siyang magsulat sa Wattpad sa ilalim ng pen name na "itsartemiswp" sa edad na labing-anim na taon. Isinulat niya ang kanyang kauna-unahang akdang pinamagatang "Dauntless Academy: Home of the Brave" sa ilalim ng kanyang unang Fantasy series na "Galaxias series". Noong December 2020 ay nanalo ng isang Wattys 2020 award sa ilalim ng Fantasy category ang kanyang akdang "Sanctum Academy: The Lost Sanctuary" na nagmula rin sa series na ito at nabigyan siya ng pagkakataon bilang maging bahagi ng Wattpad Stars program na nagbigay sa kanya ng mas marami pang oportunidad bilang isang manunulat.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni itsartemiswp.<<

Si Gray Lozano aka gradylicious ay isang manunulat sa Wattpad. Naging parte siya ng Stars Program noong taong 2021. Mahilig siyang magsulat ng pag-iibigan ng dalawang tao pero bukas din siya sa ideyang magsulat ng iba pang konsepto. Mahal niya ang pagsusulat at naniniwala siya sa kasabihang, "Ang ilang oras na pagde-daydream tungkol sa nobela mo ay parte pa rin ng writing process."

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni gradylicious .<<

---

Undiscovered Writers

Nakahiligan ni xmerakiss ang pagbabasa ng mga libro mula sa Wattpad noong siya ay nasa high school pa lamang. Dito rin siya nakakuha ng inspirasyon sa pagsusulat. Sinubukan niyang hanapin ang tamang genre at istilo na akma sa kanyang kakayahan mula sa nobela, tula, at kuwento. Sa epistolaryo niya natagpuan ang kanyang puso sa pagsusulat. Ang kanyang mga kuwento ay umiikot sa pag-ibig, pagkasawi, at maging ang mga kuwentong tungkol sa pagkatao at pag-iisip o mental health issues.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni xmerakiss.<<

Si isipatsalita ay sumubok magsulat dito sa Wattpad noong May 2021 at ang una niyang published novel ay ang Pagsinta (Tamis Series #1) na sa kabutihang palad ay napabilang sa mga nagwagi sa Wattys 2021 under Romance category. Matagal na siyang nagsusulat offline pero noong 2021 lamang siya sumabak sa platform na ito dahil nais niyang magbahagi ng mga kuwentong maaaring makapagpasaya sa mga mambabasa. Nagpopokus siya ngayon sa pagsusulat ng mga light romance stories at magsusulat siya hangga't maraming ideyang pumapasok sa kaniyang isipan.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni isipatsalita.<<

---

Wattpad Ambassadors

Si Maria Rizza Mae Peru (itsmemaaaee) o mas kilala sa nickname na 'Mae' ay isang Pilipinong manunulat at makata ng tatlong kuwento rito sa Wattpad. Isa siyang graduate ng Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management at isa ring Wattpad Ambassador simula Hulyo 2019. Noong siya ay bata pa, hindi niya gusto ang pagbabasa ng mga libro at pagsusulat ng mga kuwento, ngunit habang lumalaki, naging interisado siya sa pagsusulat. Nagsusulat siya ng mga kuwentong base sa kanyang mga pangarap, layunin, at mga realisasyon sa buhay. Bilang isang manunulat, naniniwala siya sa kasabihang, "Writing is a battlefield. I am a warrior, words are my bullets." Naniniwala na 'lahat ng mga pangarap ay matutupad sa tamang oras at lugar', naniniwala siya na ang kanyang mga kuwento ay malalathala at makakadaupang palad niya ang kanyang mga mambabasa sa hinaharap.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni itsmemaaaee.<<

Si Marianne Terese Laxamana ay isang manunulat gamit ang kanyang sagisag panulat na misswithglasses. Siya ay kabilang sa Wattpad Ambassador Program. Ang kanyang inspirasyon sa pagsusulat ay ang araw, ulan, bituin, buwan, at ang malawak na karagatan. Ang pagsusulat ang kanyang daan upang matakasan ang masakit na realidad ng buhay.

>>I-click ito upang mabasa ang interview ni misswithglasses.<< 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro