Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

September 2021 (i) Panayam kay sugarmaui

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Nagsimula po akong magsulat noong April 2020. May nabasa po akong isang akda na hindi ko po nagustuhan ang ending. Kaya po napag-isipan kong gumawa ng sarili kong kwento, yung ako po yung masusunod.


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?

Noon pa man, mahilig na po talaga akong magbasa. Isa sa mga kaklase ko noong junior high ang nagintroduce po sa akin ng Wattpad. Napagdesisyunan ko pong ilagay sa wattpad ang gawa ko dahil sa mga kaibigan ko. At higit sa lahat, gusto ko pong makita ang sarili ko 10 years from now na binabasa ang sarili kong gawa. 


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?

Ang paborito ko pong manunulat ay si Yortzekai. Isa po siyang bxb writer katulad ko. Siya po ang nag-introduce sa akin sa genre na kinahuhumalingan ko ngayon. 


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad?

Meron po. Kaso dipende po sa genre, haha. Pero nitong mga nakaraan po, sa lahat ng po story na nabasa ko po, ang story po na When It All Starts Again ni Ate Lena ang pinaka nagustuhan ko. Bukod po kasi sa napakaganda ng execution, nakakaadik po.


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?

Simula po nung magsulat ako, lahat po ng nasulat ko ay tungkol sa boys love. Ang boys love po ay tumutukoy sa dalawang lalaking nagmamahalan. Ang sarap lang po kasing makita na may freedom ka sa kwentong gusto mong isulat. Isa po akong certified fudanshi kaya fan na fan po talaga ako, hahaha.


6. Anong genre naman ang gusto mong subukang isulat sa hinaharap, at bakit?

Kasalukuyan po akong naghahanap ng genre na komportable ko. Kaya po lahat ng genre ay sinusubukan ko po ngayon. Mayroon po akong nasulat na BL Action, Omegaverse, at Young adult. Ngayon po sinusubukan ko po ang genre na Paranormal at RomCom. At kung susubok po ako na magsulat sa hinaharap, siguro po ang maisusulat ko ay yung genre na komportable po ako. 


7. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging katulad ng paborito mong kuwento ang takbo ng iyong buhay, ano ito at bakit?

Gusto ko pong maging si Brian ng Inhumane Punishment. Bukod sa hindi po siya takot sa judgement, mayroon po siyang paninindigan sa kung sino siya. Ngayon po kasi kahit sabihin mo na matatag ka, may mga pagkakataon na hihina ka. 


8. Sa pagsusulat ng mga kuwentong may LGBTQIA+ na tema, ano-anong mga aral ang nais mong iparating sa iyong mga mambabasa? 

Alam ko po na halos lahat ng mambabasa ko ay parte ng LGBTQIA+. At bilang parte nito, alam ko po na masakit matawag ng kung anu-ano: salot, bakla, at kung anong salita na magbibigay trauma sa kanila, sa amin. Gusto ko lang po sabihin sa mga kwento ko na walang mali sa kanila, sa amin. Na hindi hadlang ang pagiging parte ng LGBTQIA+ para makamtam ang gusto nilang makuha. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong writing process? 

Sulat lang po ako nang sulat noon. Wala po talaga akong ideya sa ibang rules tulad sa paggamit ng "rin" at "din". Hanggang sa sumubok po ako sa Lena Reacts. Simula po nang malaman ko yung dapat gawin, natuto po akong magrevise, haha. Alam ko pong marami pa akong matututunan at alam ko rin po na mas magiging masaya ako kapag nalaman ko ang mga bagay na 'yon. 


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Tumanggap po tayo ng pagkakamali. Wag po tayong magsettle down sa mga bagay na alam lang natin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro