Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

October 2021 (i) Panayam kay thexwhys

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Matagal ko na talagang gustong magsulat, pero hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Noong panahon ng Meteor Garden, mahilig ako gumawa ng scenario na boyfriend ko isa sa kanila. I was grade five that time. Madalas na akong nag-i-imagine ng scenarios simula noon. Noong nag-highschool naka-isip ako ng isang story na hanggang ngayon, hindi ko pa masulat, pero nasa drafts ko na. I will be writing that story soon, maybe I was just preparing myself. But then again, I already started making random scenarios without actually writing them. Nagsimula akong sumula sa Wattpad ng April 2019. Sobrang random. I was having some personal issues that time when someone told me to divert my attention to something. So, I tried writing. Naka-ready ang tatlong plot sa isip ko, iba-iba ako nang sinusulat hanggang sa nabuo ko ang isa. Simula noon, hindi na ako tumigil. Araw-araw akong nagsusulat. 


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

2011, college ako noong nabanggit sa akin ng isang friend ko ang Wattpad. Nagbabasa kasi kami noon ng E-Book, pero 2012 ako nagsimulang magbasa sa Wattpad. But I stopped kasi na-hook ako sa mga television series. I chose Wattpad since nagamit ko na rin naman siya noon sa pagbabasa, so why not na ito na lang din ang gamitin ko sa pagsusulat? 


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

To be honest, bukod sa wattpad, wala. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng mga libro. Kung ang pagbabasehan ko naman ay mga nabasa ko sa umpisa dahil nga ginawang television series na nagustuhan ko, siguro si GRRM ng Game of Thrones. 


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?

Makiwander, SGWannabe, and Cecelib. Makiwander kasi gusto ko 'yong plots niya, lalo na 'yong pagbibitaw niya ng mga salita. Hindi siya sobrang lalim tulad ng ibang writers, it was easy to understand, pero may lalim. Si SGWannabe ang sinisisi ko kung bakit heavy writer ako. Hindi ko matanggap ang sinapit ni Kenji and Athena. Si Cecelib, gusto ko ang way of writing and POV niya. 


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

Marami akong sinusulat ngayon dahil naka-revision ang Infliction Series ko. Nakadepende rin naman kasi ang mood ko kung anong story ang isusulat ko. Sa ngayon, tatlo ang sinusulat ko. Ang Mirrors ay story din ng Actor's Hidden Whore, pero galing sa past. Dahil hindi ko naman napakita ang backstory nila, gusto ko maglagay kahit paano ng kaunting hindi sa nakaraan nila. Ang isa naman ay Stolen. Part ito ng Infliction Series at book two siya. Nire-rewrite ko siya dahil hindi ako masaya sa unang POV na gamit ko at napka-one liner dahil nga first time kong magsulat noon. Ang isa ay naka-offline pa. Surprise ko kasi ito sa kanila. Hahaha! 


6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Mas madaling mag-edit ng magulong manuscript kaysa walang lamang word document. Kung sakali man na hindi pa sure sa mga gustong isulat, type lang kung ano ang nasa isip at saka na lang ayusin. Huwag din kaagad susuko dahil wala namang nagsisimula sa taas kaagad, lahat naman tayo rito, nagsisimula sa umpisa. For me, love what you're doing and don't think of it as a competition. Sulat lang nang sulat. Ito lang talaga. 


7. Kung magsusulat ka ng isang genre na hindi mo pa nagamit sa iyong mga kuwento, ano ito at bakit? 

Gustong-gusto ko magsulat ng fantasy or something about vampires and werewolves, pero mukhang hindi kaya ng capacity ng brain ko iyon. Hahaha! Gusto ko rin magsulat ng murder mystery dahil mahilig ako sa mga ganoong movies and series, pero tamad naman ako mag-research. For now, I'd settle with genre na comfortable ako. Siguro next time, I'd try vampires and werewolves. Bahala na. 


8. Naniniwala ka ba na may kapangyarihan ang isang kuwento upang mapukaw ang tingin ng mga mambabasa sa gusto mong maihatid na mensahe sa kuwento? 

Yes, sobra. Sa mga nasusulat ko, madalas akong nakatatanggap ng messages na naka-relate sila o 'di kaya naman ay na-experience na nila iyon. Our words have some huge impact din kasi sa life ng ibang tao kaya we really need to be careful. May mga words sa stories natin na triggering sa iba, positively or negatively. Malaki rin kasi ang impact ng stories sa imaginations na puwedeng magpabukas ng imagination o ng understanding nila. 


9. Bilang isang manunulat at Wattpad Star, kung papipiliin ka ng iyong spirit animal, ano ito at bakit? Anong ugali o karakter ng iyong spirit animal ang para sa iyo ay nagsisimbolo sa iyo bilang si thexwhys? 

Wolf. Kahit sa characters ko, wolf ang palagi kong inilalagay as spirit animal nila. Wolves symbolize deep connection, strong instincts, appetite for freedom, and trust issues. Kahit minsan sarili ko, pinagdududahan ko and that's one negative trait of a wolf. Bilang si thexwhys, matindi ang trust issues ko. Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao, hindi ako basta nakiki-associate sa mga taong hindi ko masiyadong gusto ang vibes tulad ng wolf, matindi ang instinct at intuition ko. Ang nakalulungkot, hindi ako nagkakamali roon. Thexwhys also loves her freedom so much. Wala siyang pakealam sa mga gusto niyang isulat at hindi siya nakikinig sa sinasabi ng iba pagdating sa contents na kaya niyang i-offer. Sasabihin din niya ang gusto niya. Thexwhys would write whatever she wants kahit na mayroong umaayaw o bumabatikos cos why not? For thexwhys, her content, her story, her rules. 


10. Nakapagsulat ka na ba ng kuwento na ibinase mo sa mga naranasan mo sa buhay? Maaari mo bang ibahagi ito? 

Sa bawat story na isinusulat ko, mayroon akong inilalagay na naranasan ko na. Nakadepende din kasi iyon sa mood ko kapag nagsusulat. Kung sakaling malungkot ako noong araw na iyon, apektado ang chapter na sinusulat ko at possible pa na makakuha ako ng real life experience. Sa lahat ng books na nasulat ko, No Distancing ang book na mayroon akong nailagay tungkol sa personal experience. Nasabi ko ngang trip down memory lane ang story na iyon dahil inalala ko ang nakaraan para lang mabigyan ko ng past ang main lead ko. Ang Actor's Hidden Whore naman ang isinulat ko noong January to April na nailagay ko ang current emotional break down ko. So, nakadepende iyon sa araw o mood. Pero sa lahat ng story, may isang bahagi ng buhay akong naroon. 


11. Naranasan mo na bang magkaroon ng writer's block? Paano mo ito natatanggal at maipagpatuloy ang iyong pagsusulat? 

Oo naman. Pinakamalala noong nalaman ko ang tungkol sa mga pagkakamali ko bilang writer. Nagsimula akong walang alam sa kahit na ano, kaya noong nalaman ko ang technicalities and all, nawalan ako ng ganang magsulat. Pero hinanapan ko ang sarili ko ng story o plot na makakapagpabalik sa akin. Kapag nakakaranas naman ako ng Writer's block, natutulog ako para paggising ko, refreshed ang utak ko, at nakapagsusulat ako. Hindi rin ako nag-a-outline or plot kasi mas nahihirapan ako. So para walang block, sinusulat ko na lang kung ano ang gusto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro