October 2021 (i) Panayam kay HueSee
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Anim, sa Data Team
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Nagme-mentor sa mga trainee, nag-o-organize ng sheets, tumutulong din ibang teams.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Nung una naman talaga, hindi ko naman alam kung ano talaga ginagawa ng Ambassadors. Masyado lang talaga akong na-curious and at the same time, bored sa buhay nung mga panahong iyon.
4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Kung committed ka kasi sa isang bagay, kahit ano'ng mangyari, hahanap at hahanap ka nang oras magampanan mo lang ang role at matapos mo ang task kahit pa busy ka sa real life work mo.
5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Commitment and teamwork. Dalawa talaga sa 'kin kasi both silang importante for me.
6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Diverse, multicultural, engaging, fun. Nakakatuwa kasi mas lalo kang natututong makisama and at the same time, nagiging less judgmental. Mga bagay na nai-apply ko na rin maging sa workplace ko.
7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?
Well, I stopped writing years ago. Wala eh, sobrang busy lang talaga siguro. But as a reader, masyado na akong nagiging aware kung alin ang stories na safe basahin at alin ang pwedeng banned pala. Dati kasi walang filter sa mga reading materials eh. Medyo tumaas na rin yung standards ko as a reader pero mas nagiging open na rin sa possibilities like twists and turns of events.
8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Marami akong memorable and remarkable experiences dito. But I should say mentoring is the most remarkable one. Nakaka-motivate kasi lalo yung makausap mo yung mga newbies. Naaalala ko sa kanila kung paano rin ako ka excited nung nasa training pa lang ako. And at the same time, nagiging reminder ko rin siya sa sarili ko kung bakit ako nag-stay.
9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Well, I always ignore things that aren't worth my time. Sa totoong buhay man yan o bilang Ambassador. They're not on my shoes yet so they will never understand. Yun lang yun. Hayaan mo lang silang mag-criticize and just keep doing your job. And as Gav's verdict, if everything else becomes toxic, go away from your screen, relax and reflect. Saka ka na bumalik pag ok ka na ulit.
10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Hi co-Ambassadors! Kapit lang! Sa nais mag-join, good luck!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro