October 2021 (i) Panayam kay anjimnida
1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username?
Wala naman masyadong kwento sa likod ng username ko, nahilig lang talaga ako sa Koreanovela noon at bilang blackjack (2ne1's fandom name) gusto ko lang na magtunog Korean din 'yung username ko. So, naisip kong dugtungan ng 'imnida' yung nickname ko, since lagi ko 'yon naririnig sa kanila sa t'wing nagpapakilala sila ng mga sarili nila. Kaya ang ibig sabihin lang ng anjimnida ay "My name is Anj!" or "Ako si Anj."
2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
Hindi ko matandaan 'yung exact year pero hindi ko pa nadidiscover ang Wattpad nagsusulat na ako ng mga kwento sa notebook ko noon ng patago. Although ako lang talaga ang nakakabasa ng mga isinusulat ko noon, nai-enjoy ko. Siguro dahil iba rin 'yong hatid na satisfaction sa'kin kapag nagsusulat ako gamit ang papel, lapis or ballpen.
Ang pagiging tahimik ko ang masasabi kong isa sa mga nagtulak sa'kin na magsulat dahil sa totoo lang, if it makes sense, mas maingay at madaldal ang utak ko kaysa sa bibig ko. So, ang pagsusulat ang naisip kong way para mai-express 'yong sarili ko, masabi 'yong mga gusto kong sabihin, mai-share 'yong mga ideas na naiisip ko, mga natututuhan ko at mga nabubuong kwento sa utak ko. It's actually feels good to write down what's on your mind.
3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Sa sister ko, siya ang unang nakatuklas ng Wattpad kaysa sa'kin. Actually nakikigamit lang talaga ako nun sa account n'ya bago ako nag-decide na gumawa ng sarili kong account para makapagbasa. Then nung nalaman kong pwede rin palang magsulat at maglathala ng sariling story, sumubok ako na magsulat ulit. Naisip ko na wala naman sigurong masama kung isi-share ko din sa iba 'yong mga isinulat ko para mabasa nila, kaya naglakas-loob akong sumubok kahit andon 'yong takot ko na mahusgahan ang gawa ko o di kaya walang magbasa.
4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Si Rick Riordan ang author ng Percy Jackson and The Olympians series. Paborito ko siya dahil bilang homebody ako before, ang pagbabasa ng libro n'yang Percy Jackson and The Olympians: The Lightning Thief ang naging adventure ko as a teen. Masasabi kong, it made my teenage life more exciting. His clever storytelling took me to a new world, new places without actually leaving the comfort of our home, and made me experience things I may never experience in real life.
5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad?
Yes! Si makiwander at j_harry08 sila 'yong dalawang writers na talagang ina-admire ko mula noon. Halos lahat ng mga kwento nila dito sa Wattpad, nabasa ko na. Iba 'yung impact sa'kin ng mga kwento nila na talagang binabalikan kong basahin kahit ilang beses ko nang nabasa.One of the best nobela (for me) na nabasa ko dito sa Wattpad ay ang story na A Place In Time by j_harry08.
6. Nasubukan mo na bang magsulat ng nobela? Kung oo, gaano katagal mo na itong isinusulat at may balak ka bang ilathala ito sa Wattpad? Kung hindi naman, may balak ka bang subukan ang pagsusulat nito?
Isa sa matagal ko nang gustong subukan na gawin ay ang pagsusulat ng nobela pero parang hindi ko pa siya kayang gawin. Marami pa akong kailangan na matutuhan dahil ibang-iba ang pagsusulat ng one shot story kaysa sa nobela eh. Para sa'kin ang pagsusulat ng nobela ay isang commitment na kailangang pag-aralan ng mabuti, pag-isipan ng maigi at paglaanan ng oras. Kailangan kapag nasimulan mo, mapapanindigan mong tapusin. And I feel like, hindi pa ako ready, hindi ko pa mapapanindigan sa ngayon. Kung makakapagsulat man ako, gusto ko munang tapusin ng buo bago ko ito ilathala sa Wattpad.
7. Ano ang hilig mong gawin kapag hindi ka nagsusulat?
Iba-iba. Minsan kapag hindi ako nakakapagbasa, nanunuod ako ng movie sa Netflix, or sa Youtube nanunuod ng mga documentaries, vlogs, asmr cooking, at mga tutorials. Madalas kapag sa bahay, nakikipaglaro sa mga fur babies namin or tamang unwind lang sa duyan habang naka-earphones at nakikinig ng music until I doze off.
8. Matunog ang iyong pangalan bilang isa sa manunulat na halos walang palya sa pagsali sa mga pa-writing contest ng WattpadRomancePH, maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong dahilan ng pagsali rito?
Nung una akong sumali sa pa-writing contest ng WattpadRomancePH, gusto ko lang talagang subukan. Nagbaka-sakali ako na manalo at makilala, but unfortunately hindi ako pinalad na manalo sa mga unang sali ko kaya naisip ko na subukan ulit, hanggang sa pinalad akong manalo sa unang pagkakataon. Simula nun mas naengganyo ako na sumali pa ulit at habang tumatagal, nai-enjoy ko nalang din ang bawat pagsali-sali ko nang walang expectation kung mananalo o hindi. Parang naging bonus nalang din kapag nanalo ka, dahil bukod sa mga pa-premyo, 'yung experience, yung mga natutuhan ko, sa mga bago at inspiring na taong nakilala ko sa pagsali ko, it's more than enough.
And I commend WattpadRomancePH sa pagbibigay oportunidad sa aming mga aspiring writers na maibahagi ang aming kakayahan at talento sa pagsusulat. WattpadRomancePH never failed to give worthy writing contest and amazing prompts na talaga namang nakakahikayat at sinasalihan ng marami.
9. Saan mo hinuhugot ang inpirasyon sa bawat kuwentong isinusulat mo?
Life in general inspires me to write. Masasabi kong nakakahugot ako ng inspirasyon sa bawat kwentong isinusulat ko mula sa mga bagay-bagay sa paligid ko, sa mga taong nakikilala ko, sa mga experiences at life lessons na natutuhan at natutuhunan ko. Ginagamit ko sa pagsusulat ang mga nakukuha kong inspirasyon para maibahagi at maging inspirasyon din sa iba.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
It takes one step to start. Kung gusto mong magsulat, take a step, magsulat ka. H'wag kang matakot na sumubok. Pero dapat mo ring isipin na ang pagsusulat hindi instant, hindi dapat minamadali. It's a process of learning and growing so take your time, okay lang. Kung nag-fail ka man ngayon, h'wag kang matakot na magsulat at sumubok ulit. Kung wala ka man kahit isang reader ngayon, it's okay. Don't give up, just write. Write with a heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro