Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

Paano magsulat ng libro sa Paranormal na Dyanra?

Ilarawan ang Tunay na Mundo o Mundo ng Pantasya- Ang unang bagay na dapat mong pagpasyahan ay ang antas ng elementong paranormal na kailangan sa iyong pagsusulat. Ang iyong kuwento ay maaaring maglarawan ng tunay na mundo na mayroong makatotohanang mga karakter at may diwang nakakakilabot sa kanila. Baka ang iyong karakter ay isang matandang babae na hindi karaniwan, o isang mangkukulam, o kaya naman ang iyong bida ay isang psychic na natatandaan ang kanyang nakaraang mga buhay. Maaari ka ring gumawa ng kakaibang mundo ng pantasya. Halimbawa nito ang Harry Potter.

Lumikha ng Magandang Litrato- Kapag nakabuo ka na ng iyong mundo sa loob ng iyong kuwento, ilarawan ang mga lugar sa paraan na ang iyong mga mambabasa ay gusto ng manatili doon habang- buhay! (O marahil ayaw nilang pumasok!) Mula sa iyong magandang paglalarawan, ang iyong mga mambabasa ay mahahalina sa isang bagay na magiging mas nakakatakot.

Gawing Posible ang mga Sitwasyon na Dapat ay Imposible- Ang iyong mga mambabasa ay makatwiran. Tatanungin ng isang mambabasa kung ang isang bagay ay hindi makatwiran. Kaya laging tatandaan na importanteng sagutin ang mga katanungan sa iyong salaysay.

Gumawa ng Kahinaan- Kapag nakalikha ka ng mga karakter na may kahinaan sa iyong kwento, mas mapupukaw ang kuryusidad ng iyong mga mambabasa. Ito ang magdudulot ng madaming katanungan sa isip ng iyong mga mambabasa at ito ang magsisilbing paraan upang ipagpatuloy nilang basahin ang iyong kuwento. 


Ano ang isang magandang book cover?

Ang book cover ay isa sa mga pinakaimportanteng salik na naglalaro sa realidad na ito kahit na sinabihan na tayong huwag husgahan ang isang libro ayun sa pabalat nito.

Ang cover creation o paggawa ng pabalat ang pinakahuling malikhaing hakbang sa paglalathala ng libro. Ito ay dahil halos lahat sa anatomya ng book cover ay kontrolado sa huling na-edit na bersyon ng libro. Walang magandang rason upang idisenyo ang pabalat bago ang pinal na draft ay matapos dahil hahantong din ito sa paggawa mo ulit ng book cover.


Ito ang mga paraan para sa paggawa ng magandang book cover:

Ipokus sa malaking larawan

Malakas na komposisyon

Isang nakakaintrigang focal point

Malinaw na Pamagat at Subtitle

Simpleng disenyo ng book cover


Cover Design at Layout

Ang disensyo ng book cover ay binubuo ng teksto at mga larawan. Para maayos ng mabuti ang layout, kailangan mong isipin ang natatanging mensahe na gusto mong ipabatid sa iyong book cover. Ano mang mensahe ang naisip mong itampok, siguraduhing ang bawat elemento mula sa kulay at imahe hanggang sa typeface at teksto ay sumusuporta dito.

Imagery

Kailangan nitong ipahiwatig kung tungkol saan ang libro habang hinihikayat mo ang iyong mambabasa. Gamiting ang visual element upang makagawa ng pag- asam, isang kalooban, o ang mga inaasahan. Laging tandaan, hindi ito ang parte para magtipid. Ang visual component ng iyong pabalat ang unang bagay na makikita ng iyong potensyal na mambabasa at ito ang kanilang matatandaan.

Typography

Ang mga font na iyong pinili ay mas naghahatid ng kahulugan kaysa sa mga salitang nabaybay kaya piliin ito base sa nilalaman at tono na inaasam mo. Huwag maging sobrang malikhain sa mga font ng iyong title and sa iba pang impormasyon dahil magdudulot ito ng kalituhan kapag mababasa ito.

Narito ang mga sites para makalikha ka ng mga book covers na libre:

Canva

Adobe Sparks

Desygner

Visme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro