Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 2021 (i) Panayam kay TianaVianne

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Mahigit isang taon na. Sa Engagement Ambassadors - AmbassadorsPH team ako kabilang. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Sinasagot ko ang mga katanungan ng mga Wattpad users na kaya kong sagutin. Tumutulong ako sa iba kapag humihingi sila ng tulong. Tumatambay ako sa AmbassadorsPH profile para makapagbigay tulong sa mga may nais masolusyonan o may mga katanungang nais ng kasagutan. Ako ang gumagawa ng banners para sa Ask My Wattpad Author at ako rin ang nag-iimbita ng mga Wattpad Authors para dito. No'ng nakaraang buwan ng Agosto ay nag-host din ako sa Wattnow at nag-imbita din ng mga manunulat para dito. Nagja-judge rin ako sa Write-a-thon entries. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Gusto kong mas mag-grow pa sa Wattpad community at alam kong magiging malaking tulong ang pagiging isang Wattpad Ambassador. Isa pa, gusto kong makapagbigay tulong o kahit ano pa man kahit sa mga simpleng paraan lang para sa Wattpad. Wattpad lang ang naging tahanan ko bilang manunulat kaya nais kong makapagbalik ng magandang loob sa community na ito. 


4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Inuuna kong tapusin ang mga importanteng pinagkakaabalahan ko sa Wattpad para makapaglaan ako ng sapat na oras para sa pagiging ambassador. Mahalaga talaga 'yong time management sa ganitong sitwasyon. Kapag minsan naman ay hindi talaga kaya ng oras kong pagsabayin, nagfifill up ako ng leave form at nagpapaalam ako sa mga mas mataas sa 'kin na kailangan kong magpahinga muna bilang ambassador ng ilang araw/linggo/buwan para makapag-focus muna sa ginagawa ko sa labas ng Wattpad. At pagkatapos ng leave ko, sa pagbabalik ko ay sinisigurado kong nakakabawi ako sa lahat ng tasks. 


5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Na puwede tayong makatulong at makapagpasaya ng iba kahit sa sobrang liit na paraan. 


6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?

Masaya at magaan sa loob ang experience ko sa Wattpad Ambassadors! Sobrang bait ng mga tao, sobrang nakakatuwa maging parte ng team, sobrang laking tulong nito para sa community.


7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Mas nakakakilala ako ng mga writers na hindi ko pa kilala dati at mas nakakapag-engage ako sa mga writers and readers simula no'ng naging ambassador ako. Lagi na rin akong updated sa mga ganap kahit minsan medyo late na ako sa balita haha. May tips din akong nakukuha sa ambassadors pagdating sa pagsulat. 


8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Iyong WattNow ang isa sa hindi ko makalilimutang karanasan sa Ambassadors. Nakatutuwa lang na nakausap at naka-close ko 'yong mga taong hindi ko inaasahan na makakausap ko. 


9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Itinatatak ko ito sa isip ko para mas pagbutihin pa sa susunod ang mga ginagawa ko. Lagi ko rin ginagawa iyong pinakamahalagang bilin sa ambassadors na "Be kind and approachable all the time." 


10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Gusto kong pasalamatan lahat ng ambassadors dahil nandito sila at handang magbigay serbisyo sa Wattpad community kahit na may kanya-kanya tayong pinagkakaabalahan sa labas ng Wattpad. ❤️ Payo ko lang sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap, sana ay manatili kayong magandang halimbawa sa community at mag-enjoy lang kayo sa ginagawa niyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro