Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

March 2021 (iv) News From Around Wattpad

Ngayong buwan ng Marso, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Be Brave March para sa Write-a-thon Challenge 

Ang buwang ito ay International Women's Month kaya angkop ang tema natin sa ating challenge ngayon. Handa na ba kayo? 

Sa loob ng 500-800 na salita, paano maipapamalas ang pagiging matatag ng isang babae sa kabila ng napakaraming pagsubok sa kanyang buhay? Dapat ang iyong entry ay walang mababanggit na harasan at walang negatibong salita ang mapaloob sa iyong ipapasang entry.

Tandaan na ang contest na ito, kabilang ang mga sumusunod na patakaran ay likha ng grupo ng mga Ambassadors at hindi konektado sa Wattpad at mga staff nito. Ang pag-judge ng contest na ito ay pinatatakbo ng mga may-ari ng contest at hindi responsibilidad ng Wattpad at maging ang staff nito.

Para sa ilang katanungan at iba pa, magmensahe sa AmbassadorsPH.

---

FanficPH

Sa buong month ng March, ang FanficPH ay i-fe-feature ang pinaka sikat na love team ng Pilipinas, ang Kathniel! Buong buwan ay mapupuno ng kilig dahil sa kanila. Mag u-update din kami ng reading list na mga fanfic sa loveteam na ito upang mas mabuhay ang kilig sa kanilang fanfom.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang profile ng FanficPH.

---

RomancePH

Ngayong buwan ng Marso, RomancePH will bring fire. Sa kakaiba at bagong contest na ito tungkol sa Fire Zodiacs kung saan bibida ang tatlong matatapang at independent na mga babae, inaasahan naming tatanggapin ninyo ang hamon na magsulat ng inyong winning love story. 

I-follow ang RomancePH para sa kumpletong detalye ng contest na ito.

---

At dito na nagtatapos ang isyu para sa buwang ito. Umaasa kaming nag-enjoy kayo sa pagbabasa nito! Huwag kalimutang i-add ang newsletter na ito sa inyong reading list para makakuha agad ng mga updates sa mga susunod na isyu!

Happy Wattpading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro