June 2021 (i) Panayam kay frozen_delights
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
Nagsimula ako since elementary, grade six yata. Pero more on poems lang. Avid reader ako ng mga Romance fiction. At sa tuwing makakabasa ako ng magandang story, naiisip ko na isang araw ay makakapagsulat din ako ng mga ganoong story.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Na-discover ko ang wattpad through my cousin. Addict siya sa wattpad, eh. Maraming stories na rin akong naiisip isulat pero medyo "naughty" ang theme so medyo natagalan akong mag-decide kasi ang naisip ko kaagad ang reaction ng family ko. Pero eventually, go na rin. Ayaw kong dumating 'yong time na "magwa-what if" pa ako.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Sandra Brown. Gusto ko 'yong way niya ng pagbibigay ng details sa mga story niya. And her stories are fast-paced, gusto ko 'yong mystery at twist sa mga isinusulat niya.
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?
Nagustuhan ko 'yong "Lovelife? Ano 'Yun?" by AegyoDayDreamer. Simpleng-simple pero ramdam mo 'yong kilig, sakit and the drama na pinagdadaanan ng mga kabataan.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
Ang on-going stories ko ngayon na gusto kong tutukan nang husto ay itong The Untouchables Series. Tungkol siya sa mga anak ng isang grupo ng mga leader ng sindikato. Na ang misyon sa buhay ay gumanti sa mga taong pumatay sa kanilang mga magulang but at the same time, i-redeem ang mga kasalanang nagawa ng mga ito sa pamamagitan ng pagtugis sa mga taong salot sa lipunan.
6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Ang maipapayo ko lang, sa mga bagong manunulat, kung ito talaga ang gusto nila--ang magsulat--mahalin nila, aralin, pagtiyagaan at kumain ka ng maraming pasensiya. Dahil ang anumang bagay na minahal at pinaghirapan ay magiging worth it sa huli.
7. Saan ka kumukuha ng inspirasyon sa paaggawa ng mga karakter mo sa kwento?
Minsan sa mga napapanood ko sa tv, paboritong mga anime characters, o di kaya ay mga models sa runway.
8. Bilang isang manunulat ng mga kwento tungkol sa pag- ibig, ano ang iyong saloobin o opinion tungkol sa true love?
Ang true love ay hindi tumitingin sa panlabas na hitsura o katayuan ng isang tao sa lipunan. Kapag mahal mo, mahal mo.
9. Paano mo nabuo ang story concept sa Heiress and the Pauper?
BTS fan ako, haha. Si Jungkook talaga 'yong malaking factor kung bakit nabuo ko 'yong story ng THATP. Bukod doon, gusto kong maiba naman para hindi nakakaumay. Kadalasan kasi 'yong lalaki ang mayaman sa mga nababasa kong stories dito sa wattpad.
10. Ano ang nagbibigay sa iyo ng determinasyon sa pagsusulat ng kwento?
Ang mga readers ko. Nakakatuwa na kahit hindi ganoon karami ang mga followers ko ay solid ang nakukuha ko sa kanilang suporta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro