July 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips
Mga tip sa pagsisimula ng bagong kuwento:
Nag-iisip ka bang magsulat ng bagong kuwento? Mayroon ka bang mga ideya sa iyong isipan? Narito ang ilang mga tip upang mabigyan ka ng mas malinaw na imahe kung paano magsimula ng bagong kuwento.
Tip 1: Palaging isulat ang unang balangkas o ideya sa isang personal na notebook. Ang pagsusulat ay palaging kinokonsidera bilang personal at ang pagkakaroon ng pen and paper contract sa unang yugto kung saan magsisimula ka nang magsulat ng bagong kuwento ay talagang makatutulong.
Tip 2: Palaging itala ang mga pangunahing punto ng kuwento upang hindi ka mapagod sa pagsusulat at mag-isip kung ano ang dapat na susunod na isulat. Gayundin, hindi ka lalayo sa orihinal na balangkas. Makatutulong din ito upang malagpasan ang writer's block.
Tip 3: Palaging magpasya sa magiging simula at katapusan ng iyong mga tauhan pati na rin ng iyong kuwento. Bibigyan ka nito ng ideya kung paano mo nai-visualize ang iyong kuwento. Kahit na maaari ka naman palaging magbago ng ilang detalye, makatutulong talaga ito sa paghubog ng iyong mga tauhan at kuwento.
Tip 4: Palaging subukang magdagdag ng "surprise element" sa iyong kuwento. Pwede itong kahit na ano. Makatutulong ito upang mangibabaw at maging kakaiba ang iyong kuwento.
Tip 5: Bilang panghuli, balikan ang lahat ng mga puntong iyong inilista upang hindi mo makaligtaan ang kahit na anong plot holes, kung mayroon man. Masisira ng mga plot hole ang takbo ng kuwento at maaaring mawala ang interes ng mga mambabasa. Ayaw mong mangyari 'yon, 'di ba?
Isang payo: Palaging tandaan, 'The First Draft Is Always The Worst Draft'. Huwag mag-alala kung paano titingnan ng ibang tao ang iyong mga unang kabanata. Maaari mo namang i-edit ito! Magpatuloy lang sa pagsusulat!
---
Paano gumawa ng iyong sariling quote card?
Gustung-gusto ng lahat ang pagsusulat ng mga quote. Sinasalamin nito ang iyong mga saloobin, pagpipilian at paniniwala. Maraming beses na naglalagay ang mga manunulat ng mga quote sa kanilang mga kuwento at gustong basahin ito ng mga mambabasa. Maaari ka laging gumawa ng mga quote card gamit ang iyong sariling mga quote o idagdag ang iyong mga paboritong quote sa mga card na idinisenyo mo. Para sa paggawa ng card na ito, ang Canva app ay ang pinakamahusay na opsyon na magbibigay sa iyo ng maraming pagpipiliang mga template.
Step 1: Pumili ng naaangkop na quote card. I-search ang QUOTE SOCIAL GRAPHIC at maghanap ng naaangkop na template ayon sa iyong quote.
Step 2: Piliin ang pinaka-naaangkop sa iyong kategorya at i-click ito. Awtomatiko ka nitong dadalhin sa edit page.
Step 3: Piliin ang text at pindutin ang delete.
Step 4: Ngayon, piliin ang buong graphic upang baguhin ang mga kulay ayon sa iyong nais. Ang color option ay makikita malapit sa ibabang bar sa app (sa itaas na menu sa computer).
Step 5: Pagkatapos mamili ng nababagay na kulay, i-click ang + sign sa ibabang kaliwang sulok. Piliin ang Text -> Add a Heading.
Step 6: Pagkatapos mailagay ang text box sa graphic, piliin ang FONT mula sa ibabang bar sa app (itaas na bar sa computer) at piliin ang font na nais mo.
Step 7: I-type ang iyong quote.
Step 8: Ngayong handa na iyong quote card, i-click lamang ang download option sa itaas na bar at i-click ang save.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro