Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

July 2021 (i) Panayam kay areyaysii

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Lagpas six years na akong Wattpad Ambassador. Naging opisyal na parte ako ng team noong February 2015. Sa anim na taon na 'yon, kung saan-saang team na rin ako napunta. Nagsimula ako sa Social Media and Current Events Team tapos naging Content Discovery. Pero sa ngayon, parte ako ng Content at Engagement Team and at the same time, ako rin ang nagsisilbing Team Lead ng mga Filipino Ambassadors at Content Associate ng Paid Stories. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Tulad ng nababasa sa Ambassador Program Guide, bilang parte ng Content Team, sinisiguro namin na maayos at ligtas ang mga nakikitang mga kuwento ng Wattpad community at tumutulong din kami na mag-report ng mga plagiarized content para maaksyunan ng Trust & Safety Team ang mga ito. 

Bilang parte naman ng Engagement Team, tumutulong ako sa pag-handle ng social media accounts ng AmbassadorsPH. Bukod pa ro'n, kasama rin ako sa nag-aayos ng ating monthly community newsletter. 

Pero regardless of teams, bilang isang ambassador, tumutulong ako sa pagsagot sa mga katanungan ng mga miyembro ng ating Wattpad community at tumtulong din sa pagbibigay ng solusyon sa ilan sa mga problemang kanilang kinakaharap. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Gusto ko talaga kasing makatulong sa community. Ilang beses din akong nag-apply noon bago ako natanggap. Noong una, hiwalay pa yung Filipino team sa global team so parang may sarili kaming mundo at nakikilala lang ang ambassadors bilang organizer ng meet-ups kapag summer at MIBF season. Pero kapag nalaman mo kasi yung ginagawa talaga ng ambassadors on a much deeper scale, sobrang hindi mo pagsisisihan na pinilit mong mag-apply at pumasa sa training. Sobrang fulfilling ng role. 


4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Sa totoo lang, hindi ko na rin talaga sure. Ang dami ko rin talaga kasing ginagawa bilang ambassador at associate tapos may full time job pa ako at may time na nagkaroon pa ako ng klase tuwing Sabado. Pero siguro, kahit gasgas na sagot, proper time management na lang talaga? Sa ngayon, sa dami nga ng ginagawa ko, palagi akong may ginagawang to-do list para ma-track ko kung nagagawa ko ba talaga yung mga kailangan kong gawin. Saka feeling ko it's a matter of prioritizing kung ano ba yung pinakamahalaga sa lahat ng kailangan mong gawin. Kunwari, nakalista siya base sa deadline so yung may pinakamalapit na deadline, 'yon ang una dapat gawin and I think it would help to get the job done. 


5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Every role is important. Lahat ng role sa team, kung iisipin, hindi talaga siya madali pero lahat naman kasi ng 'yon ay essential para maging maayos at masaya ang Wattpad community. Bawat miyembro ng team, may naiaambag at hindi dapat maliitin yung contributions na nagagawa n'on sa kabuuan. 

Also, dapat lagi munang basahin nang paulit-ulit yung gusto nating sabihin o i-reply bago natin i-post yung message. Dahil galing sa iba't ibang parte ng mundo yung mga ambassadors at lahat ng pag-uusap ay online lang, minsan may mga hindi pagkakaintindihan. Pero dapat isipin din natin na maaaring iba lang din kasi yung interpretasyon nila sa binibitawan nating mga salita kaya dapat maging maingat tayo sa mga sinasabi natin. Subukan muna nating isipin na kung tayo ba yung nasa kalagayan nila, ano ang mararamdaman natin kapag nabasa natin yung mensahe na 'yon? 


6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors? 

Sa totoo lang, iba-iba talaga kasi yung pacing ng bawat member ng team. May iba na bibo talaga na palagi mong makikitang tumutulong sa mga tasks o sumasagot sa mga tanong. May iba hindi mo masyadong napapansin pero nakakapag-contribute din naman. Pero when you think about it, kahit magkakaiba yung paraan ng pagtatrabaho ng mga ambassador, alam mo na ginagawa nila ang mga 'yon dahil sa pagmamahal nila sa Wattpad community. Na handa silang maglaan ng oras, kahit na walang bayad, para lang makapagsilbi sa komunidad. 


7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Sa pagiging ambassador ko, ang dami kong na-discover na mga magagandang kuwento na sa tingin ko, hindi ko talaga mababasa at all kung hindi ako naging amb. Na-expand din yung genre ng mga kuwentong binabasa ko. Ang dami ko ring natutunan sa pagsusulat in a more technical way dahil sa pagiging associate ko for Paid Stories. Medyo masakit nga lang sa ulo na ayusin yung mga luma kong kuwento dahil sa mga natutunan ko. 


8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Ilang beses na akong nagbalak na mag-quit sa team dahil sa iba't ibang dahilan pero sino nga ba ang mag-aakala na magiging team lead pa ako ngayon, di ba? Parang kung iisipin, sobrang layo na ng narating ko bilang ambassador. Mula sa pagiging simpleng miyembro ng team na madalas ay tagakuha ng litrato kapag may events hanggang sa naging Senior Ambassador at ngayon, team lead na. Sobrang laking bagay nito para sa akin. 

Pero kung mas konkreto pa na karanasan, siguro pipiliin ko yung kasiyahang nakikita ko sa community tuwing may mga meet-up noon. Kapag ganoong pagkakataon kasi, nagsasama-sama talaga ang mga manunulat at mambabasa at nakatataba ng puso na makita na masaya ang lahat sa event na inayos namin. Na nagkakaisa ang lahat at nagsasama-sama dahil sa community na minahal na nila. Parang nakawawala ng pagod kapag nakikita naming nag-e-enjoy ang lahat. 


9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Dalawa lang naman ang pwede talagang gawin dito. Una, tanggapin ang kritisismo at subukang pumulot ng aral mula rito. Tingnan kung anong parte ang maaaring ayusin o i-improve. Pangalawa, habaan ang pasensya at subukang ipaliwanag nang maayos ang mga bagay-bagay. Basta ang importante lang naman dito ay huwag daanin sa init ng ulo ang mga isyu at laging isipin ang makabubuti para sa lahat. 


10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Para sa mga miyembro na ng team, laging gawin ang lahat nang may pagmamahal. Huwag ninyong mamaliitin ang mga ginagawa natin para sa community. Kahit anong ginagawa natin, may malaking epeketo pa rin 'yon para sa ikabubuti ng Wattpad community at ng team. Maraming maraming salamat sa lahat ng ginagawa niyo! 

Para naman sa mga nagnanais na maging Ambassador, basta't nandiyan ang puso niyo para tumulong sa komunidad nating ito, mag-apply lang nang mag-apply! Minsan, hindi talaga matatanggap agad pero kung desidido naman talaga kayo, darating din ang tamang oras para sa inyo. Huwag susuko! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro