Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 2021 (iv) News From Around Wattpad

Ngayong buwan ng pag-ibig, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Magpakilig o mangwasak, ikaw ang bahala! Dahil ngayong Pebrero, Love Online, Love on the Line ang ating tema.

Para sa mga nakaranas ng quaran-flings diyan, heto na ang chance ninyong ibahagi ang inyong karanasan! Sa mga hindi naman nakaranas nito (iyak muna sandali), alam naming may ibabahagi pa rin kayo tungkol sa paghahanap ng love life online.

Ano pang hinihintay ninyo?

Sa loob ng 500-1 000 words, sumulat ng maikling kuwento patungkol sa ating tema. Mayroon ding mga retrato na magiging gabay ninyo sa pagsusulat. 

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila.

Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates. At para naman sa lahat ng sasali, mayoon naman kayong Statement of Participation!

Tara, sulat na!

Para sa ilang katanungan at iba pa, magmensahe sa AmbassadorsPH.

---

FanficPH

Magbabahagi ang FanFicPH ng mga fanfiction sa buong araw ng Pebrero. Bagong mga kuwento at reading list ng mga kapwa naming fanfic writers. Hinhingi rin kami mula sa aming mga ka-fanfic kung sila ay may Valentine themed fanfic sa kanilang mga nilikhang istorya. 

Sisimulan din ng FanFicPH ang pagtanggap ng mga fanfic request kung saan ay susulat kami ng maikling fanfic na request ng kapwa naming ka-fanfic. 

Patuloy pa rin ang pagbabahagi namin ng mga quotes or trivia sa featured naming fandom sa aming Facebook Page. Lalo pa naming palalakasin ang hatak ng aming profile sa lahat upang kami ay makilala at tangkilikin ng mga mambabasa. 

Madaragdagan din ang aming reading list para sa panibagong fandom na aming ifi-feature para sa buwan ng Pebrero mula sa isang local fandom.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang profile ng FanFicPH.

---

RomancePH

Buwan nanaman ng pag-ibig at mga puso, at bilang taga-hatid ng kilig sa Wattpad, Ngayong Pebrero, hatid sa inyo ng RomancePH ang dalawang (2) aktibidad na puno ng kilig. 

Love Confessions:Mayroon ka bang gustong sabihin sa iyong crush o loved one? Sa Love Confessions, mapapadali na ito! Sa unang bahagi ng Pebrero, kunin ang pagkakataon na makapag-dedicate ng isang kanta at sweet message para sa inyong kaibigan, minamahal sa pamamagitan ng RomancePH profile. 

Novella Contest:Hindi makukumpleto ang Pebrero na walang contest ang RomancePH para sa inyo. Ngayong buwan, the stakes are higher pagka't isang nobela ang hihingin namin mula sa inyo. Gamit ang hindi bababa sa 20,000 na bilang ng mga salita, ikaw ay aming hahamunin na magsulat ng isang kuwento base sa aming tema at prompt. Kung sa tingin mo ay para sa 'yo ang contest na ito, ihanda na ang keyboard para sa bagong pakulo na ito ngayong buwan!

Para sa iba pang mga aktibidad at detalye, i-follow ang RomancePH!

---

At dito na nagtatapos ang isyu para sa buwang ito. Umaasa kaming nag-enjoy kayo sa pagbabasa nito! Huwag kalimutang i-add ang newsletter na ito sa inyong reading list para makakuha agad ng mga updates sa mga susunod na isyu!

Happy Wattpading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro