Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

Para sa buwang ito, ating aalamin ang pagkakaiba ng paggamit sa R at D. Isa sa madalas na pagkakamali sa pagsusulat ay ang maling paggamit sa mga ito.

Kailan nga ba ginagamit ang DAW o RAW? DIN o RIN? DITO o RITO? 

Kailan nga ba nagiging R ang D


*Kapag nagtatapos sa A, E, I, O, U at W, Y, ang sinusundang salita, ang D ay nagiging R.

Halimbawa: 

Babae raw ang anak ni Elsa. 

May nakawalang kabayo rito

Bukod sa baboy, may alagang kalabaw rin si Mang Erning. 


*Kung hindi nagtatapos sa A, E, I, O, U at W, Y, mananatili ang D. 

Halimbawa: 

Aalis daw nang maaga bukas. 

Nahulog din si Jessa mula sa kinauupuan niya. 

Kakain daw ng hapunan dito sina Mark at Elias. 


**Espesyal na kaso: Kapag ang salita ay nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU, AT RAW, RAY, mananatili ang D imbis na R. 

Halimbawa: 

Parehong pari din ang nagbinyag sa kapatid niya. 

Nagpunta si Maru doon

Ilang araw daw nagmukmok si Denise dahil nag-break sila ni Ben.


Sanggunian:

Almario, V. S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

---

Para sa buwan ng pag-ibig, kami ay magbabahagi ng isang simpleng proseso kung paano gumawa ng nakaakit na mga pabalat para sa mga Romance books. Sa prosesong ito, gagamitin natin ang Canva kung saan maaari na nating piliin ang tamang sukat para sa isang Wattpad cover. Tingna natin ang klase ng pabalat na sikat sa Romance genre ng Wattpad.

1. I-search ang 'Wattpad Cover' at makikita ninyo ang mga template katulad nito:

2. Piliin kung ano ang angkop sa iyong personal na kagustuhan o istilo at i-click ang 'Edit'. Maaari mo ring ganap na burahin ang lahat ng laman ng pahina upang magsimula ulit ng bago. Mamili ng background color na angkop sa tema ng iyong kuwento.

3. Mayroon kang option upang mamili ng mga hugis na maaaring gamitin bilang frame sa paligid ng iyong cover.

4. Dahil ang mga title, subtitle, at pangalan ng may-akda ay nanganailang maging klaro sa isang pabalat, siguruhing nababasa at magandang tingnan ang font na pipiliin. Maaari kang maglaro sa mga font, sukat at kulay upang mas lumitaw ang text.

5. Ang Canva ay mayroon ding malawak na koleksyon ng mga libreng imahe na maaari mong gamitin sa iyong disenyo. Pwede mong i-search ang mga salitang tulad ng 'boy, 'girl' o 'love' para makahanap ng iba't ibang libreng vector images na maaari mong gamitin sa iyong Romance cover.

6. Kapag natapos ka na sa iyong pabalat, siguraduhing i-save ito upang lumitaw ito sa iyong gallery.

7. Handa na ang iyong Romance cover!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro