February 2021 (i) Panayam kay watashiwarei
1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username?
Honestly, walang consistency ang username ko noon. Sa huli, gusto ko lang sabihin na, "Hey! Ako 'to, si Rei!". Nag-isip ako ng ibang paraan upang magpakilala. Nagpadesisyunan kong isalin ito sa Nihongo (in romaji) dahil galing din naman sa salitang hapon ang pangalan ko. Mula sa pangungusap na "Watashi no namae wa Rei desu!" (My name is Rei!) pinaikli ko lamang ito at dyaraaan~ "watashiwarei" was born.
2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
I was on my 8th Grade in high school (2014) when I started writing. Una kong ginamit na medium ay iyong mga walang sulat kong 1/2 lengthwise at notebook sa math. Araw-araw ko iyong sinusulatan at ipinapahiram sa mga kaklase ko para mabasa nila ang bagong update. I almost had a hand-sprain from it but imagine my satisfaction when I filled the whole notebook. It was the best thing ever.
Ang nagtulak sa akin para sumulat ay ang inspirasyong nakuha sa mga kuwentong nabasa ko sa Ebook mula sa aking pipitsuging cellular phone at ang sandamakmak na anime series na aking pinapanood. Hilig ko rin ang umarte at naging inspirasyon ko ito sa pagsusulat ng mga script.
3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Habang binabasa ko ang Ebook ng "Break The Casanova's Heart Operation" ni Alyloony, nalaman kong may bukod na istorya ang karakter na si Dionne sa platform na Wattpad. Wattpad? Ano 'yun? Pagkauwi ko galing school, dumiretso ako sa internet café malapit sa amin, I searched it, at doon ko unang nakilala ito. Nang magkaroon na ako ng android phone noong 2015 (touch screen na hehe), I finally installed the app at iyon na ang naging simula ng lahat.
Wattpad always had new opportunities for writers especially those aspiring ones like me. The moment I made an account, I immediately felt the warmth that I usually feel when I was at home.
4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Lang Leav and Pierra Calasanz-Labrador! There is something magical about the way they weave words and meaningful phrases that took me to places. Sa tuwing may bagong limbag na libro ang mga manunulat na ito, iyon kaagad ang una kong hinahanap sa bookstores.
5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad?
Yes, of course! Nangunguna sa aking listahan sina april_avery, pilosopotasya, HaveYouSeenThisGirl at ang aking first loved author na si Alyloony. All of their stories cradled me during those struggling years I had. They lulled me into something extraordinary and helped me escape for a while.
Among all the stories I've read, pilosopotasya's duology, 23:11, and most especially, 11/23 are my favorites. Reading 11/23 was like looking at myself in the mirror. Tagos sa aking kaluluwa at hindi ko alam kung ilang beses akong lumuha habang binabasa ko iyon. Lagi ko itong inirerekomenda sa mga baguhang mambabasa sa Wattpad.
6. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
I have two on-going stories. The first one is entitled "Heart Like Yours", na tumatalakay sa buhay ng isang psychology student, paghahanap n'ya ng purpose sa buhay, pagbasag sa stigma ng mental health at pag-iwas sa bullying. The second one is "The 17th Confession" which is about a lovesick high school student who still hasn't given up on confessing feelings to her first love, no matter how many times he rejects her- tungkol rin ito sa friendship at family relationship. Ang dalawang ito ay may genre na slice of life at heavy drama na patuloy ko pa ring isinusulat since last year.
Mayroon din akong anim na short stories. Ang ilan sa kanila ay entry ko sa mga pakulong contest ng Wattpad. I have also a collection of flash fiction, poetry, and proses.
7. Ano ang sa tingin mo ay masasabing isang maganda at mahusay na kinathang kuwento?
Maganda at mahusay ang kinathang kuwento kung ito ay nagbigay sa iyo ng makabuluhang aral sa buhay. Ang mga aral na iyon ay nagamit mo hindi lamang upang paunlarin at palaguin ang sarili, kundi upang makita rin ang iba't ibang perspektibo sa buhay.
The one that shook you, woke you, informed, and changed you for good.
8. Ano ang hilig mong gawin kapag hindi ka nagsusulat?
Nagbabasa! Iyon palagi ang kaagaw ng pagsusulat sa aking atensyon at pagmamahal. Minsan naman, humihigop ng kape at may pasak na earphones ang tainga habang pinapanood ang lumulubog na araw. Listening to music is one of my way of finding the drive and inspiration to write. May araw din na nalulunod sa school works, nakikipaglaro sa mga alaga kong pusa, o natutulog.
9. Kung may gusto kang sabihin sa younger writing self mo, ano ito?
Hi, younger me! Alam kong jeje ka pa magsulat pero darating ang araw na matutunan mo ang maraming bagay. Darating din ang isang araw na mawawalan ka ng gana sa mga bagay na mahal mong gawin kaya tatagan mo ang sarili. Umiyak, malungkot, magpahinga pero huwag susuko. Nandyan ang pagsusulat upang pagaanin ang bigat.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Errors in writing are a part of the process kaya be kind and gentle to yourself, okay? Normal iyan sa simula. Ngunit kung patuloy mong pipiliin ang matuto, ang pagkakamali ay maiiwasan. Magbasa nang magbasa nang magbasa dahil puhunan ito sa pagsusulat. Books about writing tips are extremely helpful too. Tara! Sabay-sabay tayong matuto! :)
Lastly, huwag ikumpara ang sarili sa iba.
You are you. You are authentic. You are amazing.
Keep going!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro