Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 2021 (iv) News From Around Wattpad

Ngayong buwan ng Disyembre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

Christmas is waving, Wattpadders! Sa ating huling challenge sa taong 2021, bigyan natin ng kakaibang twist ang ating mga entry. 

Para sa ating Write-a-thon Challenge na may temang "That Christmas Encounter", ano ang gagawin mo kapag aksidente mong nakita sa coffee shop ang crush mo na nakakausap mo lang through social media sa mismong araw ng pasko?

Narito ang twist: Sa loob ng 800 – 1000 na mga salita, hinahamon namin kayong gumawa ng isang epistolary entry. 

Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates. At para naman sa lahat ng sasali, mayroon naman kayong Statement of Participation!

---

WattpadFanFicPH

Kumusta, mga ka-FanFics? 

Nalalapit na ang Pasko at dahil diyan kami'y may munting surpresa sa inyo. Abangan na lamang kung ano ito. Tiyak na matutuwa kayo! 

At 'di lang iyan. Muli rin namin ibabalik ang "Send Us Your Fan Mail" para bigyan kayo ng oportunidad na mabati ang inyong mga iniidolo ng Maligayang Pasko. 

Antabay na lang din kayo para sa aming anunsyo sa mga swerteng lumahok sa "Halloween with November KPOP Celebrants" noong nakaraang buwan. 

Bisitahin at i-follow lamang ang WattpadFanFicPH para maging updated sa iba pang detalye ukol sa aming mga inihandang aktibidad para sa inyo ngayong buwan ng Disyembre.

---

WattpadRomancePH

Magtatapos na ang taon, pero hindi pa tapos ang pasabog ng WattpadRomancePH! Ngayong Disyembre, marami kayong aabangan. Una na riyan ang resulta ng Build a Contest mula sa Wattpad Filipino Block Party. This time, however, it will have a Christmas twist! Kaya ngayon pa lang ay mag-ipon na ng kilig para may maipanglaban sa lamig ng Pasko. Bukod dito, ang kapana-panabik na pag-feature sa ating WattpadRomancePH Hall of Famers ay mangyayari ngayong buwan! Mas kilalanin pa ang mga manunulat na ilang beses nang napatunayan ang kanilang husay sa pagsusulat ng mga kuwento ng pag-ibig sa isang malalim at kakaibang feature na ito. 

Huwag kalimutang i-follow ang WattpadRomancePH para manatiling updated sa lahat ng mga ganap namin ngayong Disyembre!

---

At dito na nagtatapos ang December issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan/taon! Muli, maraming maraming salamat sa inyong suporta, Wattpadders!

Happy Wattpadding!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro