Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

Paano magsulat ng Fight Scenes

Minsan, ang salungatan sa isang nobela, novella, o maikling kuwento ay nagbubunga ng labis na tensyon na nagtatapos sa karahasan. Ang karahasang ito ay ipinakikita bilang isang eksena ng labanan, kung saan ang mga karakter ay pisikal na nakikipaglaban sa isa't isa gamit ang mga armas, sasakyan, o kanilang sariling mga kamay. Ang mga fight scene ay isang subgenre ng mga action scene, na inilalarawan sa pamamagitan ng pagtutok sa pisikal na aktibidad sa halip na mga dayalogo.

Ang mga fight scene ay maaaring maging nakakalito sa mga manunulat. Ang isang mahusay na fight scene ay dapat na puno ng aksyon at hindi dapat nagpapabagal sa drama ng kuwento. Sa pagsasagawa, ang pagsusulat ng makatotohanang fight scene para sa iyong nobela ay isa sa pinakamahirap na bagay na iyong gagawin. Ito ay dahil ang mga fight scene ay maaaring nakaiinip na basahin.

Sa ibaba, pag-uusapan natin ang mga pinakamahusay na estratehiya sa paglikha ng mga fight scene.

Magbasa ng mga halimbawa ng fight scene. Mag-isip ng isang fight scene sa isang nobela o maikling kuwento na sa tingin mo ay naging epektibo at puno ng aksyon.

Magplano ng mga fight scene na babagay sa kabuuan ng iyong kuwento. Ang mga labanan ay kadalasang nagdadala ng drama at kapanabikan sa isang akda. Gayunpaman, ang lahat ng iyong idadagdag sa kuwento ay dapat talagang magdagdag ng isang bagay sa kuwento. Kasama na rin dito ang mga fight scene.

Alamin kung paano babagay ang fight scene sa iyong kuwento. Nakagawa ka na ba ng sapat na suspense at aksyon sa mga nakaraang bahagi ng kuwento upang maihanda ang mambabasa sa isang malaking fight scene?

Maglagay ng mga teknikal na detalye, ngunit hindi gano'n karami. Sa isang nobela o maikling kuwento, gugustuhin mo na ang iyong mga fight scene ay mayroong mga espisipikong mga detalye upang mangibabaw ito. Ang ilang mga fight scene ay maaaring gumamit ng mga dayalogo upang ibahin ang takbo ng pangyayari at panatilihing naeengganyo ang mambabasa.

Ipakilala ang karakter sa bawat pagkilos. Ang fighting style ng iyong protagonist ay magbibigay sa mambabasa ng pakiramdam ng kanilang karakter. Ang pagpapakilala sa iyong karakter sa pamamagitan ng isang fight scene ay matalinong pagsusulat. Sa pagpapakita ng iyong karakter sa isang marahas na sitwasyon, naiiwasan mong masabi sa iyong mambabasa ang dapat maramdaman.

Magsulat nang sobra, at saka bawasan habang nag-e-edit. Sa unang draft ng eksena, maaaring makapaglagay ka ng mas maraming detalye kaysa sa kinakailangan. Maaaring maging mahirap ang pagpa-plot ng aksyon ng isang fight scene nang hindi sumusobra ang naisulat. Mag-focus sa mga galaw, aksyon, at reaksyon ng bawat karakter sa eksena. Basahin ang iyong unang draft at saka ito dahan-dahang bawasan upang ito ay maging maikli at direkta.


The Seven Basic Elements Of Graphic Design

Ang graphic design ay isang sining ng paghahatid ng iyong mga ideya sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang mga bagay sa mga nakakikita upang magpahiwatig ng isang espisipikong mensahe.

Ang mga elemento ng pagdidisenyo ay pinakamainam na ilarawan bilang building blocks ng kahit na anong proyekto. Ang pitong basic elements ng graphic design ay line, shape, color, texture, type, space, at image. Ang bawat elemento ay mayroong kalakasan at kahinaan. I-master ang mga basic element na ito, at madadala mo ang iyong graphic design portfolio sa susunod na lebel.

Line: Ang mga linya ay palaging higit pa sa mga tuldok na pinagsama-sama. Depende sa kanilang porma, bigat, haba, at konteksto, ang mga linya ay maaaring makatulong sa pag-aayos ng impormasyon, pagtukoy sa mga hugis, pagpapahiwatig ng paggalaw, at paghahatid ng emosyon. Isipin ang mga uri ng linya na iyong nakikita sa iyong pang-araw-araw na buhay at alalahanin ang mga klase ng mensaheng inihahatid ng mga ito sa iyo. Depende sa konteksto, ang heavier dark lines ay maaaring magpahiwatig ng katatagan—o salungguhitan ang isang banta. Ang scribbled lines ay maaaring magmungkahi ng kapanabikan, pagkalito, o kaguluhan. Ang mga zig-zag na linya ay maaaring magpahiwatig ng kuryente o galit, habang ang mga wavy line ay maaaring magmungkahi ng kahinaan, pagiging elegante, di kasiguraduhan, o kagandahan.

Shape: Ang mga hugis ay pinakamahusay na nauunawaan bilang mga espasyo, porma, o pigura na naglalaman ng isang hangganan o saradong balangkas. Mayroong dalawang uri ng hugis na dapat maintindihan ng bawat graphic designer: geometric at organic. Madalas itinutumbas ng mga tao ang mga bilugang gilid at singsing sa pagiging positibo, komunidad, pag-ibig, pagkakaibigan, at pagkakasundo-sundo. Ang mga parisukat at parihaba ay maaaring magmungkahi ng balanse, pagiging maaasahan, at kalakasan. At ang mga tatsulok ay mayroong kaugnayan sa agham, relihiyon, kasaysayan, sibilisasyon, at kapangyarihan. Kung ikaw ay pipili ng isang espisipikong hanay ng mga hugis, maaari kang makapaghatid ng katatagan, pagiging maaasahan, at organisasyon. Pumili ng iba, at maaari kang makapag-ugnay ng kaguluhan, paglikha, at kasiyahan.

Color: Ang kulay ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na tool para sa pagpapahatid ng mood o pagpukaw ng emosyonal na tugon mula sa iyong viewer. Ang color theory at ang color wheel ay nagbibigay ng praktikal na gabay para sa mga graphic designer na nais pumili ng isang kulay o maghalo ng iba't ibang kulay sa isang maayos—o sadyang hindi pagkakatugma—na paraan. Habang isinasaalang-alang mo ang iyong mga color scheme, maaari mo ring pagdesisyunan kung anong tint at shade ay nararapat sa iyong proyekto. Ang mga pastel color ay maaaring magpahiwatig ng pagiging kalmado o kawalan ng kumpiyansa, habang ang mga matingkad na tint ay maaaring magpahiwatig ng kasiyahan—o magmukhang cheap sa ibang konteksto. Ang mga darker shade ay nagpapahiwatig ng pagiging seryoso at propesyonal, ngunit maaari din itong magmukhang malungkot o nakaiinip kung hindi ka mag-iingat.

Texture: Ang texture ay ang pakiramdam ng isang surface—mabalahibo, makinis, magaspang, malambot, malapot, o makintab. Karamihan sa mga graphic designer ay dapat na biswal na maipahatid ang texture sa pamamagitan ng mga ilusyon upang maimungkahi kung ano ang pakiramdam kung hahawakin ito ng kanilang mga viewer. Ang pag-master sa texture ay isang importante parte upang magmukhang polished at propesyonal ang isang disenyo. Maraming paraan upang mag-eksperimento sa texture ng iyong design work. Kung ikaw ay nakakuha ng inspirasyon sa kalikasan, maaaring gusto mong gumamit ng organic textures, gumuhit ng inspirasyon mula sa mga dahon, balat ng puno, bato, balahibo, bulaklak, damo, at lupa. O maaari kang gumawa ng abstract pattern sa pamamagitan ng unipormeng pag-uulit ng two-dimensional na elemento, pagkatapos ay gamitin ang pattern na iyon upang makagawa ng textured na background. Isaalang-alang ang pagtatrabaho gamit ang textured typography upang makapagbigay ng karagdagang visual interest.

Type: Pumipili ka man ng font o gumagawa ng iyong sariling typography para sa isang graphic design project, importanteng makasiguro na ang type na iyong ginagamit ay nababasa at akma sa iyong paksa. Ang type ay nakaaapekto sa kabuuang mood ng isang disenyo, kaya kunsiderahin kung ang iyong mga titik ay print o script, at kung dapat ba itong magkaroon ng anggulo na patulis o bilugan. Ang bigat ng iyong lettering ay importante ring parte ng iyong disenyo. Karaniwan, ang malalaki o makakapal na mga titik ay nagsasaad na ang mga salitang kanilang inihahatid ay mahalaga. Subalit, kung hindi ka nag-iingat, maaari din itong magmukhang heavy-handed o makaabala sa balanse ng disenyo. Ang maninipis na titik ay nagpapahiwatig ng pagiging elegante o moderno, ngunit maaari din itong magmukhang kahinaan. Ngunit bilang pangkalahatang tuntunin, huwag lumagpas sa tatlo sa isang partikular na proyekto.

Space: Ang spacing ay isang importanteng parte ng toolkit ng kahit na sinong designer. Maaari itong makapagbigay ng breathing room, magdagdag ng visual impact, balansehin ang mas mabigat na visual elements, at bigyang-diin ang mga imahe o mensahe na dapat tandaan ng mga viewer. Kung walang sapat na espasyo, ang disenyo ay nanganganib na maging visually cluttered upang maintindihan ng iyong audience. Ang spacing ay maaaring maghiwalay ng mga bagay o pagdugtungin ang mga ito. Ang makitid na espasyo sa pagitan ng mga visual element ay nagpapahiwatig na mayroong malakas na relasyon ang mga ito, habang ang mas malawak na spacing ay nagpapahiwatig na mas hindi magkaugnay ang mga ito. Kapag pinalibutan mo ng espasyo ang isang visual element, binibigyang-diin mo ang kahalagahan nito, ngunit ang espasyo ay maaari ding magmungkahi ng kalungkutan at paghihiwalay.

Image: Gumagamit ka man ng mga larawan o ilustrasyon, palagi kang umaasa sa mga imahe upang makuha ang atensyon ng audience at maipahayag ang espisipikong mga mensahe. Ang isang imahe ay gumagana sa iba't ibang lebel nang sabay-sabay: Nagbibigay ito ng konteksto para sa komunikasyon ng isang designer, nagdadagdag ng kinakailangang drama o aksyon, at gumagawa ng kabuuang mood. Kapag nagsasama ng mga imahe sa iyong gawa, importanteng makahanap ng litratong nagsasabi ng tamang kuwento at nagma-maximize sa biswal na interes. Maaari kang pumili ng isang imahe na mayroong maraming magkakaibang kulay at texture, na siyang nagbibigay sa mga viewer ng visual feast upang mapanatiling interesado ang audience. O maaari kang mag-spotlight ng isang partikular na parte ng isang image upang maipahiwatig kung saan dapat ilagay ang karamihan ng kanilang pokus. Ang mga imahe marahil ang may pinakamaimpluwensyang visual tool ng komunikasyon. Kung iyong pag-iisipan kung paano gagamitin ang kalakasan nito sa iyong kalamangan, ang iyong gawa ay maghahatid ng higit pa sa iyong naiisip.

Maaari mong gamitin ang mga elemento ng disenyo sa kahit na anong porma o layout na nangangailangan ng text, imahe, at ideya upang makapagpahayag ng isang bagay na kakaiba, mula sa mga poster at billboard hanggang sa mga brochure at packaging. Matutong pumili at gumamit ng bawat konteksto sa tamang paraan, at magiging maayos ang iyong paggawa ng mga graphic design na fresh, communicative, at visually appealing.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro