December 2021 (i) Panayam kay stoutnovelist
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
I started writing stories in 2014 sa Wattpad. I write stories because I want to share some inspirational realizations. Gusto kong isulat iyong mga kwento na hindi ko pa nababasa at gusto kong basahin. And maybe also, I want to be like those of my favorite writers.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
I have known Wattpad because of my classmate. Noong una nagbabasa lang talaga ako roon ng mga stories, hanggang sa nakita ko iyong create, nalaman ko na pwede pa lang magsulat doon ng sariling kwento. Iyong mga sinulat ko sa notebook ay agad kong nilipat sa Wattpad. Natuwa ako na pwede ko nang ipamahagi ang kwento ko sa mga mambabasa. Kasi kahit baguhan lang, nabigyan ni Wattpad ng pagkakataon na ipabahagi ang talento ng mga manunulat na tulad ko.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Kapag sa international si Stephen King at J.K Rowling! Superb kasi mga kwento nila, iyong imagination at mga plot twist. Kapag sa atin naman si Lualhati Bautista at Bob Ong, kasi iyong kwento nila ang lalim at may mga lessons na makukuha lalo na pagdating sa buhay ng mga Pilipino at karapatan ng mga kababaehan. Kapag sa Wattpad, si Miss Elena Buncaras (Lena0209), her stories were unique, and the characterization is superb. Sunod si Miss Bambi (Serialsleeper), iyong plot twist and thrill sa mga stories niya ay talagang kakaiba. Fantasy naman si Miss April_Avery, and Miss Rayne (pilosopotasya) at Miss Demi (AnakniRizal) at Miss J.D Ruiz! Their stories are inspiring, has life lessons, unique, the characters had a significant impact, and it will make you flip the pages until the stories end.
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?
Si Miss Elena Buncaras (Lena0209). Ang pinakatatak na story niya na nabasa ko ay ang When It All Starts Again. Iyong pinagdadaanan talaga ni Stella ang siyang nagdala sa akin, relatable ang mga characters. And the timeline, iyong paghabol ng oras ni Philip para lamang kay Stella! If you read this story, you will know! Si Miss Bambi (Serialsleeper), siguro iyong Dispareo, Vertigo at Slaughter High! Hindi ko inaasahan ang mga pasabog sa bawat chapters; at marami pang manunulat sa Wattpad.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
If an ongoing story, The God's Last Servant was about faith in God, beliefs, and survival. It started last year, pero paiba-iba ako ng plot hanggang sa nag-stick na siya at nasimulan ko nitong October 16. Kapag latest na natapos kong nasulat is the Bygone Nightmare (former title Aries) na nanalo sa Wattys Award 2020 under a paranormal category. It was about abuse and revenge, medyo sensitive ang topic. I write it last May 2020 at natapos ko siya hanggang August.
6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Keep writing and learning— maging masipag. Just don't stop there. Give what you give, and write what you want to write. May mga oras na nakalaan sa atin para sa mga pangarap. Just wait for your right time; It will come sooner or later. I would leave a quote, "Hindi nagtatapos ang isang pangarap o kwento sa wakas. Ito ay nagsisimula pa lang."
7. Ano ang pinakamahirap na eksenang nagawa mo na?
Action scenes. Sa "The Raven Girl", iyong labanan talaga ang kailangan kong mapanindigan doon kaya nanood muna ako noon ng mga fantasy-action para maisulat ko siya nang maayos.
8. May pagkakataon bang nahirapan kang bumuo ng title? Ano ang ginawa mo para malagpasan ito?
Yes! Isa ito sa challenging part kapag gagawa ng isang panibagong story. Hinahanap ko muna sa search bar sa Wattpad ang naisip kong title at kapag may kapareha auto crossed out na agad. I used the theme, name of the main character, or the role of the main character, minsan setting ang ginagamit ko o kaya ay name ng day.
9. Paano mo nagagawa ang mga karakter ng iyong mga kuwento?
I based them on real life. Pero minsan nafe-fail ako sa characters building. Isa ito sa weaknesses ko sa pagsusulat. Para mapanindigan ko ay bine-base ko na lang sila sa mga friends, classmates, or mga nakasalamuha kong tao and also sa sarili ko. Kung paano sila kumilos, magsalita, mag-react sa isang sitwasyon at ang mga tone na gamit nila. Binibigyan ko rin sila ng flaws para maging katotohanan.
10. Anong eksena ng iyong kuwento ang nasaktan ka o may naramdaman kang kalungkutan?
Kapag hindi family-oriented ang isa sa mga character ko. Iyong kailangan may mamatay para iligtas ang mahal nila sa buhay; their sacrifices, the reality of the world kung gaano ito minsan ka unfair sa mga sitwasyon na kinakaharap, at ang mga pinagdadaanan ng mga characters na involved sa story, iyong mga mabibigat na emosyon tulad ng pag-iisa at mawalan ng mahal sa buhay.
11. Para sa iyo, anong dyanra ang pinakamahirap mong gawin?
Science Fiction! Ito talaga ang pinakamahirap sa akin. Science talaga kasi ito. Kailangan nang masinsinang research para mapanindigan ang concept. Second siguro is Romance, hindi ko kasi alam kung napapanindigan ko ba ang mga scenes na naisusulat ko between female lead at male lead. Kasi minsan overacting na ang nasusulat ko, hindi ko alam kung nakakikilig ba siya o relatable sa mga mambabasa.
12. Malapit na ang Pasko! Bilang isang manunulat, ano ang iyong mga hiling na gusto mong matupad?
Makauwi na si Mama at makasama na namin siya sa pasko. Pero imposible kasi kailangan niyang magtrabaho para rin sa amin. Second is makapagtapos ng pag-aaral para makatulong na rin kami sa kanila. Third, matupad lahat ng mga pangarap ko (maging isa sa published authors- char! at ang malampasan ko lahat ng mga hindrances sa buhay at mag move forward pa rin); at ang pangarap rin ng ibang tao para maging masaya tayong lahat. At ang huli, mawala na ang COVID-19 para bumalik na ang lahat sa normal; wala nang mamatay o ang mawalan ng mahal sa buhay. :(
13. Kung ikaw ay papipiliin, anong simbolo ng Pasko ang gusto mong maging at bakit?
Heart and sword. Heart na iba-iba ang kulay para ma- represent ang emosyon ng tao . Kasi hindi lang naman palagi masaya ang pasko, may mga taong nalulungkot, nag-iisa, naguguluhan at marami pa. Sword kasi kahit sa kabila ng lahat, lumalaban pa rin tayo. Nagiging matapang, matapat, matatag at nagiging pantay-pantay pa rin.
14. Kung makakasama mo ngayong Pasko ang isa sa iyong mga karakter, sino ito at bakit?
Siguro si Aries mula sa Bygone Nightmare, para magdamayan kami dahil parehong hindi namin makakasama ang mama namin sa pasko. Maglalaro kami o kung ano man na pwedeng magiging comfort sa kalungkutan na nararamdaman namin.
15. Ano ang mensahe mo sa iyong mga readers ngayong Pasko?
Merry Christmas! Sana matupad ang mga pangarap niyo sa buhay. Mahanap ang kasiyahan, contentment, peace, forgiveness at pagmamahal. Sa hindi kasama ang mga magulang, huwag malungkot. Always remember na nariyan lang sila palagi sa inyo na gumagabay. Malayo man sila, mahal na mahal nila kayo. Kung nahihirapan ka man sa mga academic works o pag-aaral, isipin mo na isa iyan sa steps para matupad mo ang iyong mga pangarap. Hindi pwedeng sumuko agad at kailangan na ibigay mo muna ang lahat para worth it sa huli. Sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay, hinahatid namin ang pakikiramay. It's okay. It's part of our life na minsan may dumarating at may nawawala. The most important is you know your purpose, you do it and share it with others. Ang importante ay ang makilala mo kung sino ka at ang malampasan ang mga pagsubok sa buhay. Hindi ka nag-iisa, marami tayo. Palagi mo lang hanapin ang kasiyahan, kaliwanagan at positive lang always— magtiwala lang.
God bless and be safe always!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro