August 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips
Narito na ang mga writing tip ngayong buwan!
Alam mo ba ang tamang gamit ng gitling sa mga salita? Kung hindi ka sigurado o kung ikaw ay nalilito sa paggamit nito, ipagpatuloy mo lamang ang pagbabasa.
Para sa mga salitang magkasunod ang patinig, may gitling ang mga ito.
Halimbawa:
Agaw
Mali - mangagaw, nangagaw
Tama - mang-agaw, nang-agaw
Isip
Mali - nagisip, magisip
Tama - nag-isip, mag-isip
Utos
Mali - nagutos, magutos
Tama - nag-utos, mag-utos
Iwan
Mali - nangiwan, mangiwan, pagiwan
Tama - nang-iwan, mang-iwan, pag-iwan
Para sa mga salitang magkasunod ang katinig, walang gitling ang mga ito.
Halimbawa:
Laba
Mali - mag-laba, mag laba
Tama - maglaba
Trabaho
Mali - mag-trabaho, mag trabaho
Tama - magtrabaho
Mahal
Mali - nag-mahal, nag mahal, pag-mamahal, pagma-mahal
Tama - pagmamahal
Gupit
Mali - pang-gupit, mag-gupit
Tama - panggupit, maggupit
Ang mga pinagsamang salita ay kailangan pa ring gamitan ng gitling kung hindi ito lumilikha ng bagong kahulugan, o kung literal ang ibig sabihin nito.
Halimbawa:
Punong-guro hindi punongguro
Agaw-buhay hindi agawbuhay
Isip-bata hindi isipbata
Lipat-bahay hindi lipatbahay
Taong-grasa hindi taonggrasa
Para naman sa mga pinagsamang salita na lumilikha ng bagong kahulugan, o kung naging talinghaga ito, kailangang gamitan ito ng gitling.
Halimbawa:
Kapitbahay hindi kapit-bahay
Hampaslupa hindi hampaslupa
Bahaghari hindi bahag-hari
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro