Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

August 2021 (i) Panayam kay alphabelat


1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username? 

Nung moment kasi na nag-iisip ako ng username, 'yung mood ko noon is quite enraged dahil sa surname ko. AB kasi 'yung first two letters ng surname ko kaya kapag alphabetical order, ako 'yung unang natatawag at hindi talaga siya nakakatuwa. Ironically, ayun 'yung naging main foundation ng AlphaBelat. And instead of using 'beta' since sinimulan ko sa 'alpha', I turned it into 'belat' since I want my username to sound somewhat playful.


2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat? 

14 years old ako nung nagsimula akong magsulat. Nagtry lang talaga akong magsulat kasi sa sobrang dami ko nang nabasang kwento, parang natutunan ko na rin kung paano 'yung flow ng mga scenarios. Hindi talaga ako devoted sa pagsusulat noon, more like curious lang. Hindi ko talaga naisip na writing can make me feel this free pala and when I finally did, I found myself unable separate from my pen and paper.


3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Feeling ko fated talagang pumasok sa buhay ko 'yung Wattpad kasi kumpara sa iba na naimpluwensyahan o may nagsabi sa kanilang subukan nila, ako wala. It was just a random day of scrolling on Playstore until it happened that it appeared on my screen. Curiosity kicked in at ayun, I downloaded it. Dito ko naisipang magsulat for the sole reason na hindi ako kilala ng mga tao. No judgement, kumbaga. Although ngayon may mga nagbabasa na rin ng works ko na kakilala ako in real life and luckily, hindi na ako takot sa interpretation na mabubuo sa isip ng kahit na sinong makakabasa ng gawa ko.


4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

After kong basahin 'yung Save the Date, naging favorite ko na agad si Miss Morgan Matson. 'Yung effect kasi sa akin ng novel niya na 'yun is long-term na kahit ngayon, alam ko pa rin 'yung feeling na 'yun. Gusto ko rin 'yung way of dealing with words and scenarios niya. She's a practical writer kasi pero 'yung inner pun and romance ay well-balanced pa rin. Hindi rin siya nagsstick up sa isang scenario lang for a certain part of a story kasi pinag-iisipan niyang mabuti 'yung kung ano 'yung magbabalance out sa pace ng story. Sobrang namangha ako sa kanya sa puntong 'yun. She taught me a lot not only as a reader but also as a writer.


5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Marami akong paboritong manunulat sa Wattpad pero unang pumasok sa isip ko si Miss Jhing Bautista. Iba kasi talaga 'yung dating sa akin ng mga salita niya. Parang ang tagal niya na akong kilala dahil gamit 'yung mga salita niya, nababasa niya ako. It's kind of weird but I really feel connected with her words. Kung sa mga kuwento naman, gustong-gusto ko 'yung mga gawa ni Miss peachxvision dahil ang galing niyang manggulat sa mga twist and turns ng scenarios. At isa pang nagustuhan ko ay 'yung slice of life genre siya mostly kaya I really feel connected with her stories.


6. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

Si Mary Jane at ang Mundo ang antolohiya na pinakagusto kong ibahagi sa mga readers ko dahil doon ko ibinahagi ang parte ng pagkatao ko. Gamit sa katauhan ni Mary Jane Seraphina, nagawa kong ikwento ang mga memoryang muntik ko nang makalimutan. Flash fiction ang bawat entry na nakatutok sa mini adventures ni Mary Jane na pwedeng in literal terms na nangyari sa akin o pwede ring twisted. I'm not sure if thrilling 'yung mga entries ko for the readers since it's more of a self-expression of mine but I know that some will find it interesting. Last summer vacation ko siya sinulat pero ngayon, hininto ko muna dahil sa sobrang daming kailangang asikasuhin. Since compilation naman ito, walang eksaktong dami ang kuwentong ilalagay ko pero alam kong marami-rami siya.

7. Paano mo binubuo ang mga unique title at storyline sa bawat kuwentong isinusulat mo? 

May dalawang paraan akong pinagpipilian sa paglalagay ng title: (1) Mag-iisip muna ako ng title para magkaroon ng main foundation 'yung storyline; (2) Nakabase sa kinalabasan ng story ang title. Bali nakadepende talaga sa mood ko habang nagsusulat kung ano 'yung paraan ko sa paglalagay ng title. Kung tungkol naman sa storyline, kadalasan 'yung gist ay nangyari sa akin literally tapos lalagyan ko nalang ng twist and somewhat exaggeration hanggang sa maging fiction na siya. These days, nakahiligan ko nang lagyan ng symbolisms 'yung mga kwento ko and I think for some time, magsstick ako sa non-human characters.


8. Ano sa tingin mo ang iyong lamang o ng mga kuwentong isinusulat mo sa ibang manunulat o kuwento dito sa Wattpad? 

Siguro 'yung goal ko. Mas nakatutok na kasi ako ngayon sa kung paano ko mas mapapagaan 'yung loob ko gamit ang pagsusulat. Bali 'yung mga readers and votes ay bonus nalang sa akin. I mean I know that writers and readers are inseparable pero talagang mas binibigyan ko ng importansya 'yung pag-eexpress ko ng sarili ko. I consider this as an advantage kasi unlike my past writing self, sobra ang pagpapahalaga ko sa number of reads and stuff kaya ang resulta, I doubted myself if I'm still doing something worth it or if I'm just wasting my time. Luckily, I got through that, and now I'm a hundred percent sure that writing will always stay in my life.


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang pagkakatulad at pagkakaiba ni Mikhaella bilang isang manunulat at mangguguhit? 

Ang pagkakatulad siguro ng dalawa ay 'yung pagiging raw. Sa pagsusulat man kasi o pagguhit, tuloy-tuloy lang ako palagi. Hindi na ako natatakot magkamali dahil alam kong open ako for improvement. Dahil sa mindset na gano'n ay mas nagiging malaya ako sa pagpapalawak ng imahinasyon ko. Ang pagkakaiba naman ng dalawa ay sa pagsusulat, mas pinag-iisipan ko at mas kinakailangan ng matinding attention dahil may technicalities, kumpara sa pagguhit na pwede mong gawin ang kahit anong art style. 


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

May iba't ibang goal ang bawat writer. Sana mahanap niyo kung ano talaga 'yung goal niyo. 'Yung para sa inyo talaga, hindi 'yung dahil lang sa gano'n ang goal ng iba ay gano'n na rin ang sa inyo. Huwag din kayong matakot kung cringy or overused na 'yung sinusulat niyo. Ganiyan talaga ang pagsusulat. It's not that late but I realized that it's part of the training ground of us, amateur writers. Hindi madaling magsulat pero kapag dumating na sa inyo 'yung sagot sa kung bakit nga ba kayo nagsusulat, gagaan 'yung pagsusulat para sa inyo. Sobrang saya magsulat kapag alam niyo 'yung rason kung bakit kayo nagsusulat. I found mine and I hope that you find yours too.


BONUS: Maaari mo ba kaming bahagian ng isang tula tungkol sa iyong nararamdaman sa mga oras na 'to? 


"grateful for the invitation" 


the past night sky was very lonely 

but i didn't mind the nonexistence of humanity.


i caught every tear of the supposed solitude 

for i wasn't actually in a welcoming mood. 


i was used of fooling myself that it was solace 

but clearly that was just another eerie silence. 


luckily, the darkness of above won't stay 

because it was bound for another sunny day. 


i honestly thought that my dreams were already goner 

after the last night's failure, who wouldn't think that i'm a loser? 


yet this morning sky offered an unexpected door 

and my spirit has been revived once more. 


it might just be a silly coincidence 

but the timing is perfect to ignite my glint of confidence. 


071721 | mikhaella kanashi

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro