April 2021 (i) Panayam kay marialea
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
2013 akong nagsimulang magsulat ng kuwento pero nagawa ko lang 'yon para ikuwento 'yong na-experience ko bilang biktima ng bullying. Ang nagtulak talaga sa 'king magsulat ay para maging stress reliever ko siya.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
May isa akong kaklase na nag-paskil ng akda niya sa Wattpad kaya nang mabasa ko 'yon, sinimulan ko nang i-explore 'yong website at doon ko nakita 'yong 'write' feature. Sikat na sa amin ang Wattpad noon at halos lahat ng mga ka-batch ko ay nagbabasa kaya nagdesisyon akong magsulat na rin.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Si Juan Miguel Severo. Isa siyang UP graduate at mahusay na manunulat. Iniidolo at paborito ko siya sapagkat kahit entertainment ang isa sa mga layon ng mga akda niya, hindi ito nawawalan ng lalim, sense at lessons.
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?
Ang paborito kong kuwento sa Wattpad ay ang 'Gaya sa Pelikula' ni Juan Miguel Severo. Isa itong screenplay na pinaskil niya sa Wattpad bago sinimulan ang produksyon nito bilang web series noong nakaraang taon.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
Ang kasalukuyang isinusulat ko ay isang fantasy novel na hango sa Greek Mythology kung saan quest ang pangunahing plot ng kuwento.
6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Masanay tayong magsulat ng mga babaeng karakter na kayang iligtas ang kaniyang sarili at hindi kailangang laging isinasalba ng isang lalaking karakter. May sariling lakas, tindig, paniniwala at tagumpay ang mga kababaihan na hindi gaanong naikukuwento ngunit sa makabagong panahon, sana ay sama-sama nating mabuwag ang patriyarkal na katangian ng mga nobela.
7. Sa iyong mga isinulat na kwento, may pagkakataon bang ibinabase mo ang isang scene or mga scenes sa iyong kwento sa totoong buhay?
May iilang senaryo sa aking kuwento na nangyari sa totoong buhay, partikular sa buhay ko, lalo na sa published book kong 'Bleeding Love'. Isinama ko ang ilang pangyayaring kinapulutan ko ng aral at sa palagay ko'y karapat-dapat ding ibahagi sa iba.
8. Ano ang iyong biggest fear pagdating sa pagsusulat ng kwento?
Ang hindi makatapos ng isang nobela. Nangyari na ito sa akin noon at nahirapan akong makabalik. Kaya nag-iingat na ako sa pagsusulat, hindi ko masyadong ipinipilit kapag wala akong gana o di kaya'y nagbabasa ako ng iba pang akda para hindi ako maubusan ng creative juices.
9. Ano ang pinaka-challenging na parte sa pagsusulat mo sa bago mong kwento?
Ito ay narrated in pure Filipino. Ngayong taon ko lang natantong sobrang hirap pala magsulat nang purong Filipino at marami palang terminong hindi ko nalalaman o di kaya'y nadiskubre kong mali ang nakasanayan kong pagkakagamit nito. Kaya sa pagsusulat ko ay laging may nakaantabay na online Filipino dictionary.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro