Pernicious Lavelier
Magkasamang namimili ang magkababatang si Romeo at Jennifer sa sentro ng kanilang nayon. Nagpalinga-linga ang dalawa upang maghanap ng mga sariwang gulay at prutas na kailangan nila. Dito sa lugar na ito ang may pinakamaraming tao. Lahat ay paroon at parito; bata man o matanda. Iba't ibang ingay ang maririnig mula sa mga nagtitinda at namimili. Maliit lamang ang lugar na ito kaya't nakadadagdag sa kasikipan ang mga kabalyerong lulan ng kanilang mga kabayo.
"Jennifer!" Hinatak niya ito nang mapansin niya ang ilang nagmamadaling kabalyero. Kung hindi niya ito nahawakan agad ay siguradong matatamaan ito ng mga armas.
"Ayos ka lamang ba? May masakit ba sa iyo? Nasugatan ka ba, a?" puno ng pag-aalalang usisa ng binata.
Napangiti naman ang dalaga sa kanyang inaasal, "Ano ka ba, Romeo, nakita mo naman na hindi nga ako nasagi hindi ba? Ikaw talaga," magiliw na sambit nito.
Bahagyang natulala si Romeo nang mapagmasdan ang ngiti nito. Simple lamang si Jennifer, sa mahaba nitong damit na hanggang sakong ay mababanaag mo pa rin ang magandang kurba ng kanyang katawan. Ang mukha nito ay tulad sa isang anghel, mga mata nito na kapares ang mahahabang pilik-mata. Matangos ang ilong nito at ang mga labing natural ang kapulahan. Itim ang buhok nito na palaging nakapusod at natatakpan ng magandang sumbrero. Ipinilig ng binata ang kanyang ulo upang maibalik ang kanyang isipan sa kasalukuyan.
"Bakit, Romeo? Ikaw yata ang hindi maayos sa ating dalawa. May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Ha? W-wala naman, Jennifer. Wala ito. Ayos lamang ako." Nagmamadali siyang naglakad palayo sa dalaga upang maitago ang pamumula ng kanyang pisngi.
Agad naman siyang sinundan nito, ngunit dahil sa maraming tao ang naroon nagkahiwalay sila.
"Romeo! Romeo! Nasaan ka na?" tawag ng dalaga. Subalit hindi siya nito maaninag.
Sa kabilang banda, si Romeo ay nasa harap ng isang estante ng mga itinitindang alahas. Naagaw ang kanyang atensyon ng isang kulay itim at hugis pusong kuwentas. Napapaloob ito sa isang lalagyang salamin. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kakaibang kilabot sa bagay na iyon.
"Narito ka lamang pala, Romeo, kanina pa ako naghahanap sa iyo," sambit nito. Tulad niya ay napako rin ang mga mata nito sa kuwentas. Walang kaabug-abog nito iyong kinuha at isunuot sa kaniyang leeg, kahit na hindi naman nito gawain ang ganoon.
"Binibini! Sandali lamang huwag mong-"
"Takbo! Takbo! Parating na ang mga kawal ng kalabang Emperyo! Takbo!" ani ng isang tinig na pumutol sa pagtutol ng may-ari ng alahas.
Nagulantang ang mga tao! Lahat ay nagkagulo! Nagliparan ang iba't ibang pana na may apoy galing sa kung saan. Nagdulot ito ng sunog sa bawat dinadapuan nito. Hiyawan. Sigawan. Pagtangis. Pagkalito. Pagmamadali. At kawalan pag-asa ang namayani sa lugar na iyon.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Romeo, hinatak niya ang dalaga upang humanap ng ligtas na lugar para sa kanilang dalawa.
"Jennifer, doon tayo." Turo niya sa isang imbakan ng mga palay.
Magkasabay silang tumakbo patungo roon sa abot ng kanilang makakaya. Ngunit ilang hakbang na lamang ang layo nila ay may isang palaso na tumama kay Jennifer. Nagmula ito sa likod nito at tumagos sa kanyang puso.
"Jennifer! Hindi! Jennifer!" tangis niya. Agad niya itong binuhat at ipinasok sa imbakan.
"Jennifer... gumising ka! Pakiusap!" pagsusumamo niya. Ngunit wala siyang natanggap na tugon mula rito. Niyakap niya ito nang mahigpit, "Patawad, Jennifer. Hindi kita naingatan at hindi ko man lamang nasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Kung mabibigyan lang sana akong muli ng pagkakataon..."
"Kaibigan, may alam akong paraan upang mabuhay muli ang iyong minamahal," ani ng isang tinig.
Nagulat si Romeo sa kanyang nakita. Isang magandang babae ang nasa kanyang harapan ngayon. Ang kasuotan nito ay hindi tulad ng mga ordinaryong babae sa kanila kaya't natitiyak ng binata na ito ay galing sa maharlikang pamilya.
"S-sino ka!?" tanong niya.
"Ako ay isang kaibigan, Romeo, at utang ko kay Jennifer ang paglaya ko sa kuwentas na suot niya. Narito ako ngayon upang mabayaran ang utang na iyon, Kaibigan. Kung iyong mamarapatin. Tulad ng binanggit ko kanina, may alam akong paraan kung paano siya muling bubuhayin," tugon nito.
"G-gagaling ka sa kuwentas!?" nahihintakutang sambit ng binata.
"Oo, Kaibigan. Ngunit hindi na iyon ang dapat nating pag-usapan. Tulad ng aking sinabi kanina may alam akong paraang upang muling mabuhay si Jennifer," ulit nito.
"A-anong paraan? Sabihin mo." Nabuhayan ng pag-asa ang puso ni Romeo.
"Kailangan mong malaman na ito ay mapanganib at ikaw ay maaaring mapahamak," babala nito.
"Kahit ano... Kahit anong paraan gagawin ko mabuhay lamang ulit si Jennifer, maging kapalit man nito ang sarili kong buhay," desidido niyang tugon.
Lihim na napangisi ang kanyang kausap, "Kung iyon ang nais mo, Kaibigan. Kailangan mo akong dalhan ng tatlong buhay na babaing birhen. Gamitin mo ito. Ipaamoy mo ito sa kanila upang makatulog sila hanggang sa matapos ang ating gagawin. Dalhin mo sila sa lugar na sasabihin ko sa iyo sa loob ng isang linggo, bago tuluyang makatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa ni Jennifer." Inabot nito ang isang bote na naglalaman ng likidong sinasabi nitong pampatulog.
"Iyon lamang? Pumapayag ako. Gagawin ko ang sinabi mo," sang-ayon ni Romeo. Magdadala lamang siya ng babae. Wala siyang ibang gagawing masama at maibabalik pa ang buhay ng mahal niya.
"Kung ganoon ay simulan mo na, "Ibig sabihin kakaiba nga tala-"
"Ineng, ang singsing na iyan ay para talaga sa iyo. Iyan ay itinakda," ani ng isang matandang babae na may katabaan.
"Po?" paninugurado ko sa aking narinig.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong din ni Abby na nakakunot pa ang noo.
Romeo. Ako na muna ang bahala sa katawan ni Jennifer." Bigla itong naglaho dala ang katawan ng dalaga.
Nagpasya na siyang umalis sa kanyang pinagtataguan nang maramdaman niya na tahimik na ang buong lugar. Paglabas niya ay maraming bangkay ang kanyang nakita. May mga sunog ang mukha, tadtad ng pana ang mga katawan, pugot ang ulo, puno ng taga at hiwa-hiwalay ang katawan. Nagkalat na rin sa kalsada ang mga paninda. Napatakip siya ng kanyang bibig upang mapigilan ang pagkasukang nararamdaman.
-----
Dumating ang mga Papa; ang pinuno ng simbahan na isa sa may mataas na katungkulan sa kanilang lugar, binasbasan nito ang mga namatay upang makatawid sa kamatayan at mapunta sa langit.
Sa tagpong iyon ay muling naalala ni Romeo ang sinabi sa kanya ng bagong kaibigan. Hinanda niya ang kanyang mga kailangan at sinimulan niya ang kanyang paghahanap. Sa loob lamang nang apat na araw ay nagawa niya ang utos nito.
Pagdating niya sa lugar na sinabi nito ay nakaramdam siya ng kakaibang kilabot... kilabot sa mga susunod na mangyayari. Ngunit para kay Jennifer, hindi siya aatras. Ito na lamang ang tanging paraan upang muli silang magkasama. Itinali niya ang dalang kabayo at isa-isang binuhat ang mga katawan.
Ang lugar na iyon ay isang lumang simbahan. Madilim ito kaya't malaking tulong ang mga kandilang naroon. Kasula-sulasok din ang amoy rito. Napagdesisyonan niya na ilapag ang katawan ng mga babae upang masiyasat niya nang maayos ang lugar. Ngunit bago pa siya makalayo ay isang maliit na gagamba ang dumapo sa kanya, sa gulat ay agad niya itong napatay. Siya namang pagkarinig niya nang natinis na hiyaw. Nagsimulang magtayuan ang kanyang mga balahibo at nabuhay ang takot sa kanyang kalooban. Ilang sandali pa lamang ang nakalilipas ay napansin niya na napaliligiran na siya ng mga nagkukumpulang gagamba! Naaaninag niya sa kanyang harapan ang mga nagliliwanag na mga mata-isang higanting gagamba! Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa sindak. Palapit nang palapit sa kanya ang mga ito at ang iba ay nararamdaman na niya sa loob ng kanyang kasuotan... wala pa ring tinig na lumalabas sa kanyang bibig hanggang sa matakpan na ng mga ito ang kanyang katawan.
"Arachna! Pabayaan mo siya!" sigaw ng isang tinig. Sa isang iglap lamang ay nawala ang mga gagambang kanina ay nakapalibot sa kanya.
"Sumunod ka sa akin, Kaibigan. Hayaan mong ang mga alagad ko na ang magdala ng mga katawang iyan," sambit nito.
Naging sunud-sunuran si Romeo sa lahat ng sasabihin nito sa takot na muli siyang salakayin ng mga alaga nito.
"Narito na tayo, Kaibigan. Pagmasdan mo si Jennifer, hindi ba't napaganda niya?" nakangisi nitong sambit.
Kitang-kita niya ang hubo't hubad na katawan ni Jennifer. Nakalatag ito sa mga bungong naroon. Kapansin-pansin ang iba't ibang hugis na nakaguhit sa katawan nito. Bawat bungo ay may nakatirik na itim na kandila.
"J-jennifer! Ano ang ginawa mo sa kanya!? Bakit mo dinungisan ang kanyang katawan!?" Hindi na niya napigilan ang paglabas ng kanyang galit.
"Huwag kang mag-alala, iyan ay isa sa paraang ating gagawin upang muling mabuhay si Jennifer," tugon nito na hindi man lamang mababakasan ng pag-aalala sa kanyang itsura.
"Kung ganoon ay buhayin mo na siya upang makaalis na kami rito," pagmamadali ni Romeo.
"Kung iyan ang iyong nais, Kaibigan. Gawin mo lamang ang lahat ng aking sasabihin sa mga katawan na iyong dala upang hindi tayo magtagal. Hubarin mo na ang kanilang mga kasuotan," utos nito.
"Hubaran? B-bakit ako?" nag-aalinlangan niyang tugon.
"Sapagkat may ibang bagay akong kailangang gawin. Kailangan natin magtulungan upang mapabilis ito. Naiintindihan mo ba?" ani nito sa seryosong tinig.
Hindi na nagsalita pa si Romeo, sa halip ay sinunod na lamang niya ang mga sinabi nito para matapos na agad.
"Gamitin mo ito at kunin mo ang mga kailangan ko sa bawat katawang iyan." Hinagis nito kay Romeo ang isang punyal na kulay itim.
"A-ano ang gagawin ko rito?" maang niyang tanong.
"Hindi mo ba alam kung para saan iyan? Iyan ang gagamitin mo upang makuha sa loob ng katawan ng mga iyan ang kailangan ko."
"S-sinasabi mo ba na p-patayin ko sila? H-hindi! Hindi ko kaya. Hindi ako mamamatay tao." Binitiwan niya ito.
Napahaklak nang malakas ang kanyang kaharap, "Hangal ka ngang talaga, Romeo. Ano sa tingin mo ang dahilan kaya't ipinadala ko sa iyo ang mga iyan? Natural! Para patayin!" Nanlilisik ang mga mata nito, "Bilisan mo na, ilang oras na lamang ang kailangan natin para buhayin muli ang katawan ni Jennifer. Nagbago na ba ang iyong isip? Ayaw mo na bang mabuhay muli si Jennifer?"
"G-gusto kong mabuhay muli si Jennifer... ituloy na natin ito. Buhayin mo siya," determinado niyang tugon.
"Mabuti kung ganoon. Ibigay mo sa akin ang utak ng babaing nasa gitna." Turo nito.
Labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang gawin. Hihingi na lamang siya ng tawad sa Panginoon pagkatapos nito. Mahabagin naman ang Diyos na sinasamba niya.
Naghanap siya sa paligid nang matigas na bagay upang ipokpok muna sa ulo ng babae hanggang sa mabasag ang bungo nito. Naging maingat siya sa kanyang ginagawa upang hindi madurog ang utak nito. Nang mapansin niyang makakaya na ng punyal ang pagbitak sa bungo nito ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad niyang inalis ang utak nito na pumipintig pa.
"Magaling, Romeo. Ang nasa kanan mo naman... kunin mo ang kanyang puso at mata." Aliw na aliw itong pinagmamasdan ang binata.
Inukitan niya nang malaking bilog ang dibdib ng babae upang magsilbing tanda sa pagsaksak na gagawin hanggang sa mabutas niya ito. Manu-mano niyang binaklas sa puso nito ang mga laman na makadikit dito. Isinunod niya ang mga mata nito. Katulad nang ginawa niya sa puso nito ay kamay na lamang din ang kanyang ginamit upang makuha niya ito nang buo.
"Laman-loob naman ang kailangan ko ngayon sa huling babae, Romeo," may pananabik sa tinig nito.
Dahan-dahang ibinaon ni Romeo ang punyal sa sikmura ng babae upang hindi ito umabot sa laman-loob nito. Hiniwa niya ang tiyan nito at inalis ang magkabilang balat. Rumagasa ang dugo nito at kitang-kita niya ang kabuoan ng kanyang kailangan. Nang matapos ay walang pag-aalinlangan niya itong kinuha.
"Nagawa ko na ang lahat ng utos mo. Buhayin mo na si Jennifer." Walang ng mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay wala ng buhay.
Napangiti ang babae. Tumalikod ito at nagsimulang magsambit ng mga salitang siya lamang ang may alam ng kahulugan. Pagkatapos ay naghubad ito ng kasuotan at humiga sa ibabaw ng katawan ni Jennifer.
"Maraming salamat sa iyong tulong, Kaibigan." Pumikit ito at tuluyang naglaho kasabay nang pagmulat ng mga mata si Jennifer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro