Halimaw Sa Gabi
Title: Halimaw Sa Gabi
Maalinsangan ang gabi ngunit pinagpapawisan ako nang malamig. Mabilis at malakas ang bawat pintig ng aking puso. Sa takot na baka marinig ng halimaw sa gabi ang pagtibok nito ay marahan lang ang aking ginagawang paghinga.
"Mama, natatakot ako. Tulungan mo ako," lumuluha kong usal.
Halos dalawang buwan ko na ring hindi nakakasama si Mama mula noong umalis siya patungo sa Saudi upang maging Domestic helper at matustusan ang mga pangangailangan sa aming pag-aaral ng aking kapatid. Dalawang beses pa lang din siyang tumawag sa akin kaya't hindi ko masabi sa kaniya ang pinagdaraanan ko.
Isang panalangin ang aking sinambit bago ko inihimlay ang aking nanginginig na katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit alerto ang aking pandama. Narinig ko ang langitngit ng pinto sa aking silid. Nanigas ang aking katawan sa higaan. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at pilit ko itong pinigilan sa pagpatak. Alam ko na ngayong gabi ay muling mauulit ang bangungot na patuloy kong nararanasan. Nagpanggap akong nagtutulog-tulugan upang isipin ng halimaw na ako ay tulog na, baka sakaling hayaan niya na lang akong matulog at tuluyan akong lisanin.
Ngunit hindi iyon umubra dahil patuloy sa paglapit ang mga yabag ng paa nito. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid ng aking kama at ang dahan-dahan nitong pag-alis sa kumot na bumabalot sa aking katawan. Marahas niya akong pinaharap!
"H-huwag po! M-maawa na po ka-"
"Tumahimik ka kung ayaw mong patayin ko ang kapatid mo!" Nanlilisik ang mga nito at tinakpan ng kaniyang palad ang aking bibig.
"Maghubad ka!" mariing utos nito.
Hindi ko na magawang makapanlaban dahil na rin sa pag-aalala para sa kaligtasan ng aking nakababatang kapatid na pitong taong gulang pa lang. Sinunod ko na lang ang mga sinabi nito dahil ganoon din naman, wala pa ring magbabago.
Ramdam ko ang mariin nitong paghawak sa aking murang katawan lalo na sa aking kasilanan. Tila itong asong ulol na sabik sa laman. Pumatong siya sa akin at walang pag-aatubili niyang ninakaw muli ang aking kamusmusan. Pagkatapos maisakatuparan ang tawag ng kamunduhan ay basta na lang niya akong iniwan sa aking silid na parang isang basurang paulit-ulit na ginamit.
Kinaumagahan ay mabigat ang aking pakiramdam, kung ako lang ang masusunod ay hindi na muna ako babangon. Masakit pa ang aking katawan maging ang aking puso dahil sa sama ng loob sa halimaw na iyon. Subalit kailangan ko ng maghanda ng almusal namin ng kapatid bago pumasok sa eskwelahan.
"Ate Hanna!" humahangos na tawag sa akin ni Meyong habang inaayos ko ang hapag kainan.
"Bakit, Meyong? Ano ang nangyari?" nag-aalala kong tanong.
"Ate! Babalik na si Mama. Uuwi na siya!" Tumalon-talon pa ito.
Naguluhan ako sa kaniyang tinuran, "Meyong, matagal pa bago umuwi rito si Mama kaya't imposible iyang sinasabi mo. Kumain ka na lang baka nagugutom ka lang," ani ko.
"Hindi, Ate. Sigurado ako. Sabi niya sa akin uuwi na raw siya," pagpupumilit nito.
"Sinabi niya sa iyo? Paano?" Kunot-noong kong tanong.
"Sa panaginip po, Ate," nakangiti pa nitong tugon.
Napabuntong hininga na lang ako sa aking narinig mula at napailing, "Kumain na nga lang tayo baka mahuli pa tayo sa pagpasok," pag-iiba ko ng usapan.
Nakanguso namang sumunod si Meyong sa aking sinabi. Nasa kalagitnaan na kami sa aming pagkain nang biglang tumunog ang doorbell.
"Ayan! Si Mama na iyan, Ate. Tara na! Salubungin na natin siya," malapad ang mga ngiting sambit ni Meyong.
"Hindi pa nga uuwi si Mama. Baka kung sino lang iyan," tugon ko ngunit tinungo ko pa rin ang pinto.
Sa pagbukas ko ay tila tumigil ang aking mundo sa bultong nasa harapan ko. Hindi ko napigilan ang pagragasa ng aking mga luha.
"M-mama..." usal ko, "Mama!" Niyakap ko siya nang mahigpit.
"Sabi ko sa iyo, Ate. Uuwi na si Mama," singit ni Meyong at lumapit din kay Mama..
"M-mama, bakit po kayo-"
"Ano'ng ginagawa ninyong dalawa riyan!?" Isang sigaw na nagpagitla sa amin ni Meyong.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagkalas ni Mama sa aming mga yakap at ang paglapat ng hintuturo nito sa kaniyang labi. Lumayo siya sa amin bago pa tuluyang makalapit ang may-ari ng tinig.
"O? Ano nga ang itinatayo-tayo ninyo riyan, a? Bingi ba kayo?" muling atungal nito.
"M-may kumatok po k-kasi kanina, 'Pa, p-pero noong tiningnan namin ni Meyong ay wala naman pong tao," pagdadahilan ko na bahagyang nakatungo ang aking ulo.
"Iyon ba talaga ang dahilan? Baka naman may inililihim kayong magkapatid sa akin?" Mapanuri ang tingin nito.
"P-po? W-wala po. Wala po. Pasok na po kami baka mahuli pa po kami sa klase." Pinauna ko na si Meyong sa pagpasok, sa gilid kami ni Papa dumaan dahil nakaharang na ito ngayon sa pinto.
"Siguraduhin mo lang na wala kang pinagsasabihan, Hanna. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin," bulong nito sa akin na nagpatigil sa aking paglalakad.
Naramdaman ko ang malalakas na tambol sa aking dibdib sa kaniyang tinuran. Tumango na lang ako upang mabilis na makalayo sa kaniya.
Buong araw ko rin inisip ang mga mangyayari lalo na at nakabalik na si Mama. Kailangan kong makauwi nang maaga upang makausap siya baka malagay rim sa panganib ang kaniyang buhay katulad ng sinabi ng halimaw. Ngunit dahil sa mga gawain sa eskwelahan ay ginabi ako ng uwi. Siguradong nasa bahay na ngayon si Meyong at naghihintay sa akin. Hatid-sundo kasi ito ng school bus upang makauwi ito agad lalo na kapag ganitong mga pagkakataon.
Pagdating ko sa aming tahanan ay naamoy ko agad ang masarap na ulam na niluluto sa kusina. Sabik akong pumunta roon upang makita kung sino ang nagluluto. Hindi nga ako nagkamali...si Mama nga.
"Hmmm, mukhang makakatikim na ulit ako ng masarap na pagkain, a." Niyakap ko siya mula sa likuran niya, "Mama, namiss po kita. Salamat at umuwi ka na." Nagsimula na naman tumulo ang aking luha.
"Huwag kang mag-alala, Anak, sa pagbabalik ko ay wala ng makapananakit pa sa iyo. Mahal na mahal kita," mahinahon niyang tugon.
"M-mama-"
"Shhh...alam ko, Anak, alam ko. Huwag ka ng magsalita pa," pigil niya sa sasabihin ko.
Tumango na lang ako at kumalas sa pagkakayakap, "Nasaan na po si Meyong, Mama?" Hindi ko kasi siya napansin sa sala na madalas niyang pinaghihintayin sa akin.
"Nasa kuwarto niya siya, Anak. Mukhang napagod sa eskwela ang kapatid mo kaya't pinatulog ko muna," sambit niya.
"Ganoon po ba? Magbibihis lang po ako, 'Ma, para matulungan ko na po kayo riyan." Ihahakbang ko na ang aking paa nang biglang magsalita si Mama.
"Anak, pagkatapos ng gabing ito ay makakatulog ka na ulit nang maayos. Pangako iyan sa iyo ni Mama." Muli siyang tumalikod at hinarap ang ginagawa.
Pakiwari ko ay hinaplos ng malamig na kamay ang aking puso na siyang nagbigay kapayapaan sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniyang tinuran. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla na lang nawala ang pag-aalala sa akin.
Mabilis akong nagpalit ng damit at bumaba. Malawak pa ang ngiti sa aking labi habang ako ay naglalakad patungo sa kusina.
"Mukhang masaya yata ngayon ang aking magandang anak," bungad sa akin ni Papa na nakangisi.
Natigilan naman ako at hindi agad nakakibo. Iginala ko ang aking paningin sa pag-asang makikita ko si Mama. Subalit, wala. Wala siya.
"Bakit, Anak? May iba ka pa bang inaasahan? May darating ka bang bisita?" Naging seryoso ang tinig nito.
"Po? W-wala po. P-punta lang po ako sa kusina p-para maghanda ng hapunan," pag-iwas ko.
Maagap niyang hinawakan ang aking siko. Sa ganoong distansiya ay nalanghap ko na ang amoy ng alak sa kaniya, "Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita o baka naman gusto mong matikman ang sarap kapag sa likuran mo naman ako-"
"Bitiwan ninyo ako!" hiyaw ko, "Lumayo kayo sa akin!" Buong lakas ko siyang itinulak na siyang naging dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba. Nanginig ang aking katawan sa nangyari dahil alam ko na muli na namang mauulit ang kalapastangan niya sa akin.
Dahan-dahan siyang tumayo at pasuray-suray na naglakad palapit sa akin, "Bakit, Hanna? May ipinagmamalaki ka na ba ngayon? May nanliligaw na ba sa iyo, a?" Nanlilisik ang namumungay nitong mga mata, "Hangga't wala ang mama mo, sa akin ka lang! Naiintindihan mo!? Sa akin ka-"
"Bitiwan mo ang anak ko, Halimaw!" Isang dumadagungdong na tinig na nanggaling sa kung saan ang umalingawngaw. Bahagyang lumamig ang paligid dahil sa kakaibang hangin na bigla na lang sumulpot.
Napaawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata...si Mama! Kitang-kita ko ang kaniyang paglutangnsa ere. Ang kaniyang mahabang buhok ay tila nilalaro ng hangin na nakapaligid sa kaniya. Itim lahat halos ang isa niyang mata at ang kabila naman ay butas habang patuloy sa pagragasa ang dugo. Hindi ko mabilang kung ilang beses na umikot ang kaniyang ulo. Nagdurugo rin ang leeg niya
"S-sino ka!?" nanginginig ang tinig na sigaw ni Papa.
"Sino ako?" nakangisi si Mama, "Ako lang naman ang maghahatid sa lugar ng mga katulad mo!" Nanlaki ang isang mata nito at mula roon ay lumabas ang mga insektong kulay itim. Pinalibutan nito si Papa.
Nanghihina ang aking binti kaya't napasalampak ako sa sahig. Pilit kong isiniksik ang aking sarili sa upuang nasa malapit sa pag-asang maililigtas ako noon. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa, hindi ko mahapuhap ang aking tinig.
"H-huwag! M-maawa ka!" sigaw ni Papa habang pumupulupot sa kaniyang leeg ang mga insekto at dahan-dahan siya nitong itinaas.
"Awa? Hindi ka karapatdapat na bigyan ng awa dahil sa iyong ginawa sa aking anak! Isasama kita sa hukay!" Itinaas ni Mama ang dalawa niyang kamay na tila kinukontrol ang mga insekto.
"H-huwa-" Hindi na natapos pa ni Papa ang kaniyang sasabihin dahil sa pagpasok ng mga uod na biglang humalo sa mga insekto.Tila walang katapusan ang dami ng mga iyon! Patuloy ang mga ito sa pagpasok hanggang sa lumaki nang lumaki ang tiyan ni Papa at bigla itong sumabog! Sumambulat ang kaniyang dugo sa buong bahay maging ang kaniyang mga mata at utak.
Napahiyaw ako sa nangyari at nakayukong niyakap ang aking nanginginig na katawan.
"H-huwag po...m-maawa po k-kayo sa a-akin," ang tangi kong nasambit nang makita ang pagbaba niya sa aking harapan mula sa alapaap.
"Huwag kang matakot, Anak. Ligtas ka na. Mahal na mahal kita. Patawad." Lumapit siya sa akin at niyakap ako bago siya tuluyang maglaho.
"Ate...Ate, gising," tinig ni Meyong ang gumising sa akin. Napabalikwas ako sa aking pagbangon at niyakap siya nang mahigpit.
"A-ayos ka lang ba?" Hinawak-hawakan ko siya upang masiguro na ligtas nga siya.
"Ate, ano ba ang nangyari? Bakit ka natulog sa sahig?" nagtatakang tanong nito.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at iginala ko ang aking paningin. Walang nagkalat na dugo, mata at utak! Panaginip lang ba iyon?
"Ate, ang sabi ni Mama uuwi na raw siya. Hindi niya na raw tayo iiwan," sambit ni Meyong.
"A-ano?" Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang aking mukha.
"Uuwi na si Mama, Ate. Makakasama na natin siya ulit," nakangiting ulit ni Meyong.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang doorbell.
"Ayan na, Ate! Si Mama na iyan! Tara na, salubungin na natin siya." Hinatak-hatak pa ako ni Meyong.
"P-pero, Meyong. W-wala na si-Meyong!" hiyaw ko nang bigla siyang tumakbo patungo sa pinto.
Dali-dali akong sumunod sa kaniya at naabutan ko siyang nakatayo lang sa bukas na pinto.
"M-meyong..."
"Ate, tama ako. Bumalik nga si Mama. Tingnan mo," turo niya sa labas ng pinto.
Napatingin ako sa dakong iyon ngunit wala akong makita. Hahawakan ko na sana siya upang muling ipasok sa loob ngunit isang malamig na kamay ang aking nakapa.
"Anak..."
Napahiyaw ako sa aking nakita...si Meyong! Duguan ang kaniyang mukha at putol ang kaniyang isang braso. May mahabang taga rin siya sa kaniyang mukha. Hawak-hawak siya ni Mama habang unti-unti silang lumalayo sa akin.
***
Makalipas ang ilang araw ay naging laman ng mga diyaryo at telebisyon ang balitang pagtaga ng ama sa sariling anak pagkatapos ay tumakas ito at walang may alam kung saan ito naroon ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro