Sixteen
"Hello?" masiglang bungad ni Jonel kay Jacklyn nang sagutin ang tawag nito.
"Nasaan ka? Magkita tayo!" pagalit na sagot nito na ipinagtaka ni Jonel.
"Pero, masyado nang late. Bakit? Hindi ka pa inaantok? Sige pupuntahan kita d'yan, nasaan ka ba?"
"Ite-text ko kung saan."
Napaismid lang si Jonel dahil 'di niya lubos maisip ang pagbabago ng mood ni Jacklyn, samantalang kanina ay masaya naman ito bago sila maghiwalay ng landas.
Mabilis naman siyang pumunta sa lugar na nasa text message nito. At mas lalo niyang ipinagtaka kung bakit sa bar sila nagkita, kung saan nandoon sila kanina.
"Jack, may problema?" Sinalubong ni Jonel ang matatalim na mata ni Jacklyn. Hindi ito umimik kaya nilapitan na niya ito nang maigi. Mas naaninag niya ang pamumugto ng mga mata nito.
"Jacklyn..."
Lalong tumalim ang pagkakatitig ni Jacklyn, hindi rin siya nagsalita at basta na lang niyang sinampal si Jonel.
"Bakit ba?" Sapo ng binata ang pisnging ginawaran ng sampal. This is really strange for her to act like that. Jacklyn looks so strong before but now, no one could even think that she's weak too.
"Wala kang kuwentang tao! Sinira mo ang mga pangarap ko! Nakipagkuntsaba ka kina Alice at Sheena para hindi ako matuloy sa audition! Walang hiya ka! Nagtiwala ako sa'yo at akala ko hindi ka masamang tao!" bulyaw ni Jacklyn kasabay ng pagluha niya. Paulit-ulit niyang pinaghahampas sa braso si Jonel pero hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo.
"Magpaliwanag ka naman! Masyado ka na bang desperado para pati pangarap nh iba, kukunin mo?" hagulgol niya.
"Jacklyn, oo inaamin ko. Binayaran ako noon nina Sheena at Alice, pero hindi ko na rin kaya ang ginagawa nila sa'yo kaya tumigil na ako. Nakipagkaibigan din ako sa'yo at sincere ako doon," paliwanag naman ni Jonel. Lalong nadudurog ang kanyang puso habang tinitingnan ang pagluha ni Jacklyn. He made a huge mistake, kung inamin na niya sana noon pa na may kinalaman siya sa mga plano ni Alice at kung sinabi niya ma hindi ito mabuting kaibigan, hindi niya masasaktan nang gusto ang dalaga.
He's in love with her. Her beauty, kindness and motivation is a great treasure for him. He can't afford to lose her.
"Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo huh? Sige kung d'yan ka magaling, sasabihin mo ba na matutupad pa ang pangarap kong sinira mo? Iniwan na ako ng lahat, bakit ginanito mo pa ako?" himutok ni Jacklyn at nagpunas ng luha sa pisngi.
"Iniwan ka ng lahat pero ako, hindi kita iiwan kasi mahal kita!"
Nahinto ang lahat sa sigaw ni Jonel. Naagaw niya ang atensyon ng mga tao sa bar dahil sa biglaan niyang pag-amin.
"Oh, mahal ka daw! Patawarin mo na Miss!" sigaw ng isa sa parokyano ng bar.
"Kantahan mo nga ulit, baka lumambot ang puso ng nobya mo!" gatong naman ng isa pang parokyano.
"Letse!" bulalas ni Jacklyn at tila nais niyang magpalamon sa lupa nang mga sandaling iyon. She can't even look at Jonel's eyes. Pero kanina'y nasulyapan naman niya iyon, bakas niya pa rin ang sinseridad.
Paalis na sana siya sa bar ngunit naharangan siya ng bouncer at guard. "Patawarin mo na ang boyfriend mo Miss," sabi ng bouncer.
"Puwede po ba? Hindi ko boyfriend ang demonyong 'yan!"
"May surpresa pa naman sana siya sa'yo," nanghihinayang na sambit ng guard.
"Surpresa?"
"Oo, kanina habang nag-cr ka, kinausap kami niyan eh. Balak mo raw mag-artista. Binigay pa ang number ng talent scout na nakilala niya para sa'yo kung sakaling pupunta ka ulit dito. Kasi, sabi niya babalik na daw siya sa dati niyang pamilya, sa tiyahin niya."
"Teka, gumagawa ba kayo ng kwento?"
"Hindi sila gumagawa ng kwento. Totoo lahat 'to Jack, aalis na rin ako sa lugar na 'to. Hindi mo na ako makikita."
Niyanig ng hindi maipaliwanag na kaba ang puso ni Jacklyn. Kung kanina'y pinagtatabuyan niya si Jonel, ngayon naman ay ayaw na niya itong umalis. Ayaw niyang malayo rito nang tuluyan.
"So? Ginawa mo 'yon para bumawi? Huwag na Jonel, sayang ang effort mo. Nawalan ako ng motivation dahil sa'yo!" Sa halip na ipakitang ayaw niyang umalis si Jonel, nagmatigas lang siya sa harap nito.
"Okay."
Hinayaan niyang lisanin ni Jonel ang bar. At ang tanging nagawa lang niya ay sundan ito ng tingin habang papalayo nang tuluyan.
•••
Eight years later...
"Cut!"
Nakahinga nang maluwag si Jacklyn matapos niyang marinig ang sigaw ng direktor. Sobrang hirap kasi ng extra role na ibinigay sa kanya. Isa kasing horror film ang shino-shoot nila at siya ang gumaganap bilang mangkukulam na nakabitin sa puno.
Inalalayan siya ng isang crew para tanggalin ang harness na nakapalibot sa kanyang baywang.
"Jackie, hindi ka ba nahirapan? Nakailang take tayo. Si Alice kasi laging nakakalimot sa script niya," pabulong na tanong ng crew sa kanya. Nginitian naman niya ito. "Okay lang po ako, napaka-challenging ng role na ito, kumpara sa nakaraan na kinaladkad na kabit."
Natawa naman ito sa kanya. "Tama ka nga, ilang sampal ba ang inabot mo doon?"
"Sampu yata? Sige, tapos na ang scene ko 'di ba? Baka puwede na akong umuwi?"
"Magpaalam ka kay direk."
"Okay, salamat." Palapit na sana siya sa kinauupuan ng direktor pero hinarangan naman siya ni Alice. "Kumusta? Bagay sa'yo ang role," pang-aasar nito. Kahit na sabihing nag-sorry na si Alice at napatawad na siya ni Jacklyn, hindi pa rin niya maiwasang mairita rito. She only apologized for the sake of her career.
May nagkalat kasi ng balita sa campus na siya ang nagpakalat ng sexy photos ni Jacklyn bago sumapit ang graduation sa pinapasukang unibersidad at kasisimula pa lamang niya bilang artista.
Narinig niya kasi ang usapan kaninang umaga na balak kunin si Jacklyn para sa music video ng isang filipino rising singer na hindi lang sa bansa kilala, pati na rin sa southeast asia.
"Alam mo Alice, kahit na pinupuri mo ako, ramdam kong napakaplastikada mo pa rin. Inggit ka ba kasi mas magaling umarte ang mangkukulam kaysa sa bida na gaya mo?" di patatalong pambubuska ni Jacklyn. She's aware that Alice wasn't sincere when she asked for forgiveness.
"Kahit ano pang sabihin mo, puro minor roles lang naman ang ibibigay sa'yo at kung wala akong project, wala ka ring project. Kaya huwag kang ganyan," Alice warned. Nagpamaywang pa siya pero hindi niya natinag si Jacklyn.
"Excuse me? Nag-audition ako at tinulungan ako ng talent scout na nakilala ko noon, kaya huwag mo sabihing may utang na loob ako sa'yo." Tumirik ang mga mata ni Jacklyn bago niya talikuran si Alice.
Nagpaalam siya sa direktor at nagpunta muna rin sa washroom upang maghilamos dahil kailangan niyang tanggalin ang makapal na makeup na pang-witch dahil tapos naman na siyang kunan ng eksena.
Excited na siyang umuwi sa bahay dahil hinihintay na siya ng mga magulang. Hindi naman pala totoong nag-abroad ang mga ito, nagtago lang pansamantala dahil may tinataguang malaking utang. At nang makabayad na, saka sila lumitaw upang balikan si Jacklyn.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin sinasabi ng mga magulang ni Jacklyn kung paano sila nakabayad sa utang. Isinawalang-bahala na rin niya muna iyon kahit na hindi niya mawaglit sa isip.
Bago umuwi, naisipan niyang sumilip sa bar dahil makikipagkita ang talent scout na si Ms. Lizzy, ang naging daan para maging baguhang aktres siya, sa tulong na rin ni Jonel. May good news daw kasi itong sasabihin.
Sana good news na 'yong bumalik siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro