Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Six

"Friends? matapos mo akong harangin noong isang araw at ipagtulakang kasalanan ko kung bakit ka hinahabol ng bruhang 'yon? Tumigil ka nga diyan Junjun!"
Hinahawi-hawi ni Jacklyn ang buhok niya habang nagtataray kay Jonel. Ngunit parang walang epekto ang pagtataray niya dahil panay lang ang pagngisi nito na parang may kahulugan.

"Ang pangit, hindi bagay. Model ka ba ng shampoo sa kahahawi mo ng buhok mo?" aroganteng tanong nito.

"Totoo nga 'yong sinabi ni Sheena. Wasted ka nga." Tumalikod siya kay Jonel at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy, mag a-audition ka pa rin ba?"

Napahinto siya sa tanong nito.

Nagpakawala naman ng buntong hininga si Jacklyn. "Pakialam mo?"

"Sana pumasa ka. At sana maging friends din tayo. Save mo nga number mo sa phone ko?"
Dinukot ni Jonel ang lumang cellphone niya sa bulsa.

"Oh? Anong gagawin ko diyan?" pagtataray na tanong ni Jacklyn.

"Save mo number mo."

"At bakit ko isi-save? Masyado ka yatang kumpiyansa sa sarili mo, paporma porma ka pa, eh lumang style lang pala ang cellphone mo." Napairap si Jacklyn bago niya muling talikuran si Jonel.

Habang naglalakad papunta sa aaplyan na fastfood. Nakaagaw ng atensiyon niya ang poster na nakadikit sa isang establishment. Poster iyon ni Heart Evangelista na shampoo ang produktong ini-endorse.

"Mabuti ka pa Heart, ang dami mong commercial. Sana maging katulad mo rin ako balang araw."










ISANG hindi magandang balita para kay Jacklyn ang pagka-reject niya sa ina-applyan. Hindi raw kasi siya qualified bilang kitchen crew ng isang fastfood dahil wala pa siyang experience. Dinala siya ng mga paa sa isang park. Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Hindi pa pala siya nananaghalian dahil sakto lang ang perang dala na para sa pamasahe.

Napaupo siya sa isang bench. "Kaya nga naghahanap ng trabaho para magkaroon ng experience, tanga ba sila?" litanya niya sa sarili. Biglang tumunog ang cellphone niya, nakita niyang tumatawag si Joseph.

"Oh? bakit?"

"Jacklyn, nasaan ka? Birthday ko na sa sabado. Punta ka huh?" sabi ni Joseph.

"Subukan ko Joseph, marami kasi akong ginagawa eh."

"Sige na pl—"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Joseph dahil pinatay na niya ang tawag nito.












"HOY, Jonel. Ano 'tong nababalitaan ko na nakipag away ka sa isang customer natin?" Iyon kaagad ang bungad na tanong ng amo ni Jonel na si Mang Dave, ang owner ng pinagtatrabahuang hopia store. Nagtatrabaho kasi siya bilang delivery boy nito.

Inalis ni Jonel ang kanyang helmet bago ipaliwanag ang panig niya. "Hindi siya nagbayad ng tama. Natural, mapapaaway naman kahit sino kapag gano'n ang nangyari."

"Regular customer natin 'yon Jonel. Kung may choice lang ako, pinalitan na kita."

"Talaga lang huh? Ilang beses ko na bang narinig 'yan? Pero di niyo pa rin ako pinapalitan," nakangising buwelta naman ni Jonel. Kung kausapin niya ang boss, parang magka-level lang sila.

"Oh siya, maghugas ka nga muna ng utensils sa kusina," utos pa ni Mang Dave.

"Excuse me Mang Dave, delivery boy ako at hindi dishwasher. Magde-demand talaga ako ng increase sa'yo."

"Wala si Melba, naka-leave, may problema sa asawa."

"May problema rin naman ako pero hindi ako nag-leave."

"Iba naman ang sitwasyon niya, siya pamilyado, ikaw hindi. Dali na, maghugas ka muna doon. Wala pa tayong delivery."

Napakamot ulo si Jonel at ginawa na lang ang inuutos ni Mang Dave. Habang naghuhugas sa kitchen, may tumawag sa kanyang cellphone. Wala siyang balak sagutin dahil ang impaktang si Alice pala 'yon na paniguradong may ipagagawa na naman sa kanya para i-sabotahe si Jacklyn.

Paulit-ulit ang pagtawag nito hangga't sa napilitan siyang sagutin iyon.

"Jonel nasaan ka?"

"Nasa trabaho bakit ba?" paasik niyang sagot.

"Kailangan mong mapigilan sa pagpunta sa birthday party si Jacklyn."

"Gawin mo na lang kaya, bakit nag-uutos ka pa?"

"Binabayaran ka namin ni Sheena kaya sundin mo kami."

Napasinghap si Jonel. "Ganyan na ba katindi ang insecurity level mo?"

"Ano bang pakialam mo? Binabayaran ka naman ah?" Di na napigilan pa ni Alice na magtaas ng boses.

"Bakit? Hawak mo ba ako? Sa iba mo na lang ipagawa 'yan. Masyadong magulo ang buhay ko, ayoko nang maging komplikado."

















"SINO po sila?"

Tatlong lalaki ang bumungad sa pinto ng bahay ni Jacklyn. Seryoso ang mga ito at walang pasabing pumasok sa loob.

"Teka, teka. Sino po ba kayo?" tanong niya habang nakakadama na ng pagkataranta. Isa-isang kinukuha ng kalalakihan ang appliances sa loob.

"Anong ginagawa niyo? Huwag niyong kunin 'yan pakiusap—"

"Malaki na ang pagkakautang niyo samin. Kaya kukunin na namin ang mga gamit n'yo!"

Nagpatuloy pa rin sa pag awat si Jacklyn pero ang isang lalaki naman ay lubhang malakas kaya naitulak siya nito.

"Tresspasing kayo! Sasabihin ko kay mama na nagpunta kayo dito!" sigaw niya. Nagsimula na ring bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.

"Walang magagawa ang mama mo,dahil iniwanan ka na niya."

"Pakiulit nga po ng sinabi niyo?"
Kung totoo man ang sinabi nito sa kanya, paano siya mabubuhay nang mag-isa?

Mas lalo siyang kinakabahan sa isasagot ng lalaki.

She gulped repeatedly.

"Oo, wala na dahil mangingibang bansa na raw siya. Naintindihan mo hija?"

Hindi siya makahuma sa narinig. Pero kahit gano'n, malakas ang paniniwala niyang hindi siya iiwan ng mga magulang niya.

"Hindi ka pa maniwala eh ako nga ang tumulong doon para sa pagproseso ng mga papeles niya. Sorry ka na lang."

Matapos hakutin ang pakay na gamit,nagsialisan na sa loob ng bahay ang mga lalaki at iniwang luhaan si Jacklyn. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Sinubukan pa nga niyang i-dial ang numero ng mga magulang pero hindi na ma-contact.

"Bakit ang unfair n'yo? Bakit aalis kayo nang walang paalam?"

Wala siyang maisip na ibang tao na puwedeng hingian ng tulong bukod kay Alice. Kahit may sama siya ng loob sa paglilihim nito, kakalimutan na lang niya dahil kailangan niya ng tulong.

She dialed the number of her bestfriend, hindi naman siya nabigo dahil sinagot nito ang tawag.












AFTER the serious conversation, nag-decide si Alice na patirahin si Jacklyn sa kanilang residence dahil maski bahay nito ay pinambayad utang na rin. Alam niyang matindi ang pangangailangan ng kaibigan niya at paniguradong makakagawa na naman siya ng paraan upang ilugmok ito nang husto.

"Huwag ka nang umiyak Jacklyn. Siguro naman, makakausap mo rin ang parents mo. Baka inaayos lang nila ang lahat bago ka nila harapin," aniya habang tinatapik nang marahan sa balikat si Jacklyn upang pakalmahin na ito.

"Hindi ako makapaniwala. Buong buhay ko, naniniwala akong mayroon akong masayang pamilya. Akala ko, hindi kami magpapatinag sa mga pagsubok. Pero, akala ko lang pala ang lahat." Humahagulgol pa rin si Jacklyn.

"Alam ko na, may naisip akong way para makalimutan mo ang problema mo." May kinuhang sobre si Alice sa drawer na nasa loob ng kuwartong kinaroroonan nila.

"Ano naman 'yan?" mapang usisang tanong ni Jacklyn.

"Endorsement letter, puntahan mo sa sabado, kasi galing pa 'yan sa isang sikat na producer."

Napansin ni Alice na napalitan ng ngiti ang mukha ng kaibigan.

"Talaga?"

"Oo at kapag meron ka na niyan, sure win ka na. Pasado ka agad!"

"Hala! Thank you talaga Alice! Mabuti na lang at magiging artista ka na, kasi may way na rin para maging artista ako!" Sa sobrang kagalakan ni Jacklyn, napayakap siya kay Alice.

"Sino sino ba namang magtutulungan kundi tayo lang di ba?"
Gumanti ng yakap si Alice.

"Pero, maiba tayo. Hindi nga lang kita masasamahan, birthday kasi ni Joseph sa sabado. Inimbitahan niya ako eh, ikaw ba?"

"Ah oo pero sinabi ko sa kanya na marami akong ginagawa kaya hindi ako makakadalo. Uunahin ko talaga ito Alice, salamat huh? Sobrang thankful ako dahil ikaw ang naging kaibigan ko."

Nagpakita ng hilaw na ngiti si Alice.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro