Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seventeen

"So, okay ba sa'yo na mag-star sa music video ni Jason Yang? Grand comeback niya kasi iyon, marami siyang followers at laging mataas ang views ng videos niya. Exposure mo 'yon Jacklyn," panimula ni Ms. Lizzy habang sinisimsim ang in-order nitong juice.

"Puwedeng-puwede po. Tungkol saan naman kaya 'yong kanta? Pag-ibig? Kababalaghan? Isyu ng lipunan?" kuryosong tanong ni Jacklyn.

"Of course, another love song. Hindi mo ba kilala si Jason Yang? Isang sentimental rnb balladeer 'yon bukod sa tipikal na pop artist na laging sumasayaw-sayaw habang kumakanta," pakli naman ni Ms. Lizzy.

"Hindi ako mahilig makinig ng bagong music eh. At wala akong time masyado dahil sa pasingit-singit na projects," paliwanag ni Jacklyn at ginaya na lang din niya si Ms. Lizzy sa pag-inom ng juice. Pakiwari niya kasi ay nanunuyo kaagad ang lalamunan niya kahit hindi pa niya nabibigkas ang nais niyang itanong dito. Of course it has to do with Jonel, baka kasi alam nito kung ano na ang pinagkakaabalahan ng binata.

"Special ang kantang 'yon kaya gagandahan ang music video. Siyempre magaling ang songwriter at music producer na sumulat ng kanta," dagdag pa ni Ms. Lizzy.

"Sino naman siya?"

"Si JJ. Yun ang alam kong name na ginagamit niya pag nagpo-produce siya ng kanta. Hindi siya nagpapakita ng mukha kahit sumisikat ang mga kantang ginagawa niya."

"Ah, mysterious type." Napangiti si Jacklyn. May naalala siya sa alias na ginagamit ng music producer na kinwento ni Ms. Lizzy.

Jonel.

She badly missed him. Laking pagsisisi nga niya nang saktan ang damdami nito kahit tinulungan pala siya nito na maabot ang pangarap niya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat dahil umalis na agad-agad at wala man lang alam noon s Mang Dave kung saan ang tirahan ni Jonel.

After a serious talk with Ms. Lizzy for her upcoming project, she decided to went back to her house. Alam niyang naghihintay na ang kanyang mga magulang dahil nag-usap sila na magdi-dinner. Kapwa kasi busy ang mga magulang niya sa sinimulang negosyo. Ikinatutuwa naman niya ang bagay na iyon at maayos na rin ang pagsasama ng dalawa.

Masasabi niyang kontento na siya sa bagay na mayroon siya ngunit may kulang pa rin— ang lalaking minamahal niya hanggang ngayon. Sa loob ng walong taon, wala siyang pinapasok na lalaki sa buhay niya dahil inilaan niya ang puso niya para kay Jonel. Na kung sakaling magbalik ito, yayakapin niya ito nang mahigpit, hihingi ng tawad at aamin sa kanyang nararamdamang pag-ibig.










••••














"She's really beautiful." Nakangiti ang kaibigan ni Jonel na si Richie habang nakamasid din sa computer screen kung saan nakabandera ang litrato ng baguhang artista.

"Yes, I recommended na siya ang kunin ni Ms. Lizzy at ng direktor para sa music video ni Jason," sambit pa ni Jonel nang hindi man lang binabali ang tingin sa computer. He's really glad when he found out that Jacklyn is now an actress. Kahit hindi pa ito sikat, alam niyang malayo pa ang mararating nito.

Tiwalang-tiwala siya kay Jacklyn dahil alam niya ang pag-uugali nito. She's too tough for the challenges, kaya kahit anumang role ang ibigay sa dalaga, kinakaya nito. Makikita naman sa iilang soap opera at movie kung saan siya naitampok. He's been a lowkey fan of Jacklyn.

When he left eight years ago, nakipagkasundo siya sa tiyahin niyang si Violetta patungkol sa hatian ng manang naiwan ng mga magulang. Pinaubaya niya rito ang lahat, pati lawfirm business sa isang kondisyon— bibigyan siya nito ng pabor na tulungan siya para i-pursue ang karera sa mundo ng music industry.

His aunt let her do what he wants. Hindi na niya pinakialaman ang iba pang ari-arian at negosyo ng parents niya at pinag-aral siya sa isang music school sa US.

Matapos ang apat na taon, nakapagtapos din siya at bumalik sa Pilipinas. Nakipagsapalaran siya na magtrabaho sa maliliit na music labels hangga't sa may isa siyang kantang sumikat at lumaki ang royalties na nakuha niya. The following year, nakapag-establish na rin siya ng sariling music label at nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang sikat na singer na si Jason Yang kaya mas lalong lumago ang kinikita niya.

His music label "Chase Records" is one of the highest earning label in the country. Nabawi na niya ang puhunan dito at masasabi niyang worth it ang pakikupagsapalaran niya sa mga nagdaang taon. Now, his label is on it's 3rd year on the scene.

"Lalabas muna ako, mukhang aliw na aliw ka pang tumingin sa kanya eh," biro pa ni Richie.

"Go ahead. Wala na tayong pending recordings," sabi pa ni Jonel. Pagkalabas nito sa music studio, saka lang nakakuha ng tyempo si Jonel para tawagan si Ms. Lizzy.

"Hello Jonel?" bungad nito.

"Kumusta? Pumayag siya?" Ninenerbyos siya agad sa posibleng sagot ni Ms. Lizzy na baka hindi tinanggap ni Jacklyn ang offer.

"Oo naman. Handa ka na bang makita siya? Alam mo, single pa rin siya hanggang ngayon," kinikilig na saad ni Ms. Lizzy.

He grinned. "Thank you for that. Tell her na kailangan niyang pumunta sa office ko."

"Pero magtataka siya. Hindi naman ikaw ang direktor sa music video."

"Co-director ako. FYI."

"Okay sige sasabihan ko siya. Thanks JJ!"

"Salamat din. Bye."

Hindi maalis sa mukha ni Jonel ang ngiting halos ikapunit ng kanyang labi. Ngayon pa lang, excited na siya sa pagkikita nila ni Jacklyn. Sana lang, kung magkita sila, mapigilan niya ang sarili niya na yakapin ito at hagkan.







A/N: Up next finale.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro