Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Four

"Ano bang pinagsasabi mo? Puwede mo namang sabihin sa kanya na hindi kita boyfriend ah! At saka 'yang itsura mo? Never!"

Sinubukan ni Jacklyn na umalis sa pagkakaharang sa kanya ni Jonylle pero nabigo lamang siya dahil nahagip nito ang kanyang braso.

"Ikaw ang may kasalanan, gumawa ka ng paraan para lubayan ako ng babaeng iyon!" galit na utos nito.

"Wow, demanding ka! Close ba tayo? Bitiwan mo nga ako!"

Pinilit niyang kumawala kay Jonel pero hindi naman pala madali tulad ng nasa isip niya. This guy could kill someone with his stare. Parang lahat yata ng galit sa mundo ay nakikita ni Jacklyn sa mga mata nito.

Pinilit niyang kumalma.

Inhale, exhale...

"Junjun, alam mo kung may problema ka sa ibang tao, huwag mo akong idamay okay? Bitawan mo na ako kasi may audition pa ako ngayon at hindi ako puwedeng ma—"

Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Jacklyn. Kaagad niyang tiningnan ang relo, five minutes na lang at magsisimula na ang audition sa casting ng indie film na inaasam niya noon pa. Kahit na sa school lang ang venue ng audition, late pa rin siyang makakarating.

Kung mamalasin nga naman.

"Hindi ako puwedeng ma-late!"

Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ni Jonylle pero hindi niya kaya ang lakas nito.

"Parang awa mo na, pakawalan mo na ako please?!"

Tila nabingi ang binatang iyon dahil sa hindi pagtalima sa pakiusap niya.

"Kawawa ka naman pala."

Nagitla siya sa sinabi nito at pakiwari niya ay sinabuyan siya ng kumukulong tubig habang sinasampal ng masakit na katotohanan. Oo, nakakaawa nga siya kung tutuusin kaya ginagawa niyang magsumikap para lang makapasa ng auditions bilang artista.

"Ang sama mo!"

Napansin ni Jonel ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Jacklyn. May parte ng pagkatao niya na nahahabag nang pagmasdan ang mukha nitong nababakas na ang kawalan ng pag-asa.

Napabitaw siya sa pagkakahawak kay Jacklyn at iniwan na ito.







--






"I'M so disappointed with you Jacklyn. Imagine that, I gave you a chance pero na-late ka pa rin? Paano na lang pala kung sumikat ka? Ngayon pa nga lang na nag a-audition ka, wala na akong nakikitang professionalism!" singhal ni Direk Vince, ang head ng audition team para sa pinapangarap na movie ni Jacklyn. Napayuko na lamang si Jacklyn at hindi alam ang gagawin dahil napapahiya na siya sa mga sandaling iyon. Maraming tao ang nakatingin kung paano siya sermunan ng direktor.

"Ano ba kasing nangyari Jacklyn? Bakit ka na-late?," tanong pa ni Alice nang lapitan siya nito.

Hindi siya sumagot sa tanong ni Alice, sa halip ay nilisan niya ang venue.

Laylay na naman ang magkabilang balikat niya nang umuwi sa bahay. Medyo nakakapanibago dahil wala man lang tao siyang nadatnan doon.

"Mama, Papa?"

Wala siyang narinig na sagot. Naisip niyang pumanhik paitaas at hindi niya inaasahan ang nakitang tagpo.

Her parents are busy yelling to each other. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang nag-aaway ang mga ito.

"Kasi naman, wala kang trabaho naiisip mo pang uminom! Wala kang silbi!" Narinig niyang litanya ng kanyang ina.

"Eh nagkakaganyan ka lang naman kasi wala na akong trabaho! Bakit? gumagawa ka ba ng paraan?" sagot naman ng kanyang ama.

"Papa at Mama, tumigil na kayo!"

Malakas na nga ang pagsigaw niya ngunit tila bingi ang mga magulang niyang nagpapataasan ng pride.

Lalong tumitindi ang bangayan. Tanging pagbuntong hininga ang nagawa ni Jacklyn at naisip niyang umalis sa bahay kahit gabi na.







--







"AYUN, late si Jacklyn kaya hindi na siya nakapag-audition. Salamat talaga kay Jonel dahil nagawa niya ang pinauutos ko." Nakapamaywang pa si Sheena habang kausap si Alice. Silang dalawa na lang kasi ang natira sa venue ng audition at totoong may intensiyon si Alice na isabotahe ang sariling kaibigan. Masyado kasi siyang na-threatened na baka pumasa si Jacklyn at masira ang plano niyang makamit ang limelight bilang baguhang artista.

"Binayaran mo na yung Jonylle na 'yon?" tanong pa ni Alice.

"Oo naman. Next time, mas iigihan pa niya ang trabaho niya para gawing miserable ang buhay ni Jacklyn."

Nagpalitan sila ng nakakalokong tawa. Ang pagkompronta ni Sheena kay Jacklyn noong nakaraan ay part ng plano ni Alice. She also wants to ruin the reputation of her bestfriend dahil ang pinakamahigpit na rule ng pagtanggap ng new artists ay ang 'no relationship or dating policy' at kapag nalaman ng direktor na may boyfriend ang isang aspiring artist, hindi na kaagad ito ipapasa sa audition.

"Mabuti na lang talaga, tinanggap nung lalaking iyon ang offer natin sa kanya pagkatapos nating pasundan si Jacklyn noong naka engkwentro niya ang mga miyembro ng gang na 'yon," saad ulit ni Alice.

"I can't imagine na gagawin mo 'yon kahit close kayo ni Jacklyn. Well, wala naman akong pakialam doon as long as may benefit tayo sa isa't isa. Salamat sa pera mo huh?" nakangiting sagot pa ni Sheena bago umalis sa harap ni Alice.






---





NASA park si Jacklyn at kasalukuyan dinaramdam ang kalungkutang sabay sabay na dumating sa buhay niya ngayon. Her failures can drag her down at wala siyang naiisip na paraan upang makahuma sa mga nangyayari. Inuugoy niya ang sarili sa swing ng park.

'Mabuti pa ang mga bata, walang problema at naglalaro lang sila dito sa park kapag umaga. Sana ganoon na lang din ako, nakakapagod nang umintindi sa mga problema.'

Isang malungkot na musika na lang ang kulang para masabi niyang nasa music video na siya ngayon dahil sa pag e-emote. She tried to call her bestfriend. Mabuti na lang at sumagot ito.

"Alice, puwede ba tayong mag-usap?" aniya.

"Sorry Jack, nasa bahay ako ng tita Maddielyn ko kasi may emergency eh. Tawag na lang ako bukas or i-text mo na lang sakin ang problem mo, pasensiya na talaga."

Ikinalungkot niya ang tinuran nito. "Ah, okay Alice. Kung anumang problema ang kinahaharap ni Tita, sana malampasan niya."

"Thanks Jack, bye."

She let out a heavy sigh. Inugoy na naman niya ang sarili sa swing at walang humpay ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro