Five
"PARANG binagyo 'tong bahay mo Jonel. Mag-isa ka lang bang naninirahan dito?"
Nakangisi pa si Sgt. Esguerra nang galugarin ng kanyang mga mata ang sulok ng bahay na inuupahan ni Jonel. Nakita niya ang pagtango ng kanyang inaanak na abala naman sa pagtitiklop ng mga damit at tahimik lang sa puwesto nito.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo? Wala kang pasok?"
Pagtango lang ulit ang sagot ni Jonel. Napabuntong hininga si Sgt. Esguerra at nilapitan siya nito.
"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa mga magulang mo? Nagsisisi ka ba dahil hindi mo man lang dinalaw ang puntod nila?" tanong ni Sgt. Esguerra.
"Siyempre naman po. Anak ako na nawalan ng magulang," malamig na tugon ni Jonylle.
"Para na kitang anak, maaari mo rin naman akong ituring na tatay mo. Umalis ka na dito, alam kong malungkot ang buhay mo dahil palagi kang mag-isa at hindi naman malaki ang kinikita mo sa trabaho mo bilang delivery boy eh."
"Huwag na po. Baka itulak niyo pa sakin ang pagpupulis."
Napangiti naman ang kanyang ninong dahil sa biro niya. "Hindi ah. Pero gusto ko mag-training ka o sumali sa activities namin. Para magkaroon ka rin ng bagong experience, ituon mo sa ibang dimensyon ang sarili mo. Huwag mong ilalagay sa iisang garapon ang kasiyahan na puwede mong maranasan Jonel. Panigurado ko sa'yo, magiging masaya ka kapag hindi ka nagpapatalo sa kalungkutan. Enjoy yourself habang bata ka pa. Siya nga pala, ano namang nasasabi ng girlfriend mo kapag nakikita niyang ganito kagulo ang bahay mo?"
Kinurot ang puso ni Jonel dahil sa words of wisdom ng kanyang ninong at the same time natawa siya sa huling part na sinabi nito, na may girlfriend siya.
"I'd rather die than having a girlfriend."
"Bakit? Hindi ka ba straight?"
"Excuse me Ninong, ipasok mo ako sa training niyong mga pulis at nang malaman niyo kung bakla ako."
Nakipagpalitan siya ng tawa kay Sgt. Esguerra.
"Yan dapat, tinatawanan mo lang ang problema. Pero sa totoo lang, na-miss ko ang pagtawag mo sakin ng ninong pati ang pagtawa mong 'yan, sa wakas nakita ko ulit."
"Kayo na nga lang ang pamilya ko eh. Salamat Ninong." He chuckled.
"Ninong, pamasko ko huh?" hirit pa niya na lalong nagpatindi ng tawa ni Sgt. Esguerra.
"Tanging gabay lang ang ibibigay ko Jonel. Mababa lang ang sahod naming mga pulis," pabirong sagot nito.
"Joke lang naman po eh. Total, naririto na kayo, gusto ko sanang manghingi ng payo."
Biglang sumeryoso ang mukha ni Sgt. Esguerra. "Anong klaseng payo ang kailangan mo?"
Malalim ang buntong hininga na pinakawala ni Jonylle.
"May nakilala akong isang tao, matindi ang pangarap niya na magtagumpay balang araw. Pero may mga taong humihila sa kanya paibaba at alam ko kung sino sila. Ang problema nga lang, hinayaan ko sila na gawin 'yon sa taong nakilala ko. Masama na ba akong tao kung ganoon?"
Sandaling napaisip si Sgt. Esguerra.
"Oo naman."
"Bakit naman po?"
Napayuko si Jonylle sa sagot na nakuha niya.
"Kasi nawala ang essence of humanity mo. Tayong mga tao ay nabubuhay nang may pananagutan sa kapwa. At alam kong nakokonsensiya ka dahil alam mong hindi deserve ng taong 'yon na hilain siya pababa. Parang pagtupad sa tungkulin naming mga pulis 'yan. Since sinumpaan namin na gagampananan ang aming tungkulin, sagot na namin ang kaligtasan ng mga mamamayang biktima ng krimen dahil hindi deserve ng mga biktima ang mabiktima ng mga masasamang tao."
"Pero bakit gano'n? Ang daming pulis na nasasangkot sa mga anomalya? Buti na lang at hindi kayo kabilang sa mga napapanood ko sa TV."
"Dahil hindi sila nakokontento sa sahod nila at naiisip nilang gumawa ng bagay na mas makapagpapalaki ng kanilang income. Money can make us blind pero kung katulad ko ang mga pulis na 'yon, kung nagbalik tanaw sila sa naunang layunin kung bakit sila nag-pulis, hindi nila masisikmurang gawin iyon. Alam mo Jonel, kapag nagpatuloy ka sa maling gawain mo sa iyong kapwa at kapag hinahayaan mong mangyaring masama rito kahit may kakayahan ka na ipagtanggol ito pero di ka tumulong, hindi ka magkakaroon ng peace of mind. Sa madaling salita, mahihirapan kang maging masaya sa buhay mo."
"Salamat Ninong. Hindi pa naman huli ang lahat para magbago di ba?"
"Pagsisisi lang ang nasa huli pero ang paghingi ng tawad, laging nariyan para matuto sa mga napagsisihan mo. Sino ba 'yan? Bakit hindi mo ipakilala sakin?"
Jonel raised his brows. "Hindi ko pa talaga siya kilala Ninong eh, pero alam kong katulad ko, may mabigat din siyang pinagdaraanan."
"Babae o lalaki? For sure babae 'yan."
"Sikretong malupit 'yan Ninong."
DALAWANG araw na rin ang nakalipas ngunit sariwa pa rin kay Jacklyn ang pagkapahiya niya sa audition pati ang pag-aaway ng mga magulang niya. As usual, bangayan na naman ng mga magulang niya ang nangingibabaw sa kanilang tahanan.
Ang dating paraiso, naging kalbaryo dahil lamang sa problema nila sa pera. She stood up and fixed herself. Naisip niyang maghanap na lang ng trabaho kaysa ipagpatuloy pa ang pag-aaral. Pinipilit pa rin niyang tanggapin na wala na siyang kapasidad upang magpatuloy sa kursong kinukuha niya. At patuloy ang pagbabakasakaling matatapos na ang di pagkakaunawaan ng mga magulang niya sa pagsasakripisyong gagawin.
She permanently wear a unique smile to hide the inner sadness. Bawat makasalubong niya na kapitbahay ay ginagawaran niya ng ngiti, kulang na lang ay isipin ng mga ito na nasisira na ang tuktok niya.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita sa dinaraanan ang tiyahin ni Alice na si Tita Maddielyn. Nag alala rin siya para rito dahil nabanggit ni Alice na may emergency daw itong kinakaharap. May kinalaman ba ang buhay sa emergency nito?
Dahil sa pagiging concern niya, nilapitan niya si Tita Maddielyn.
"Tita! Kumusta po kayo?"
"Hello Jacklyn, ayos naman ako. Kumusta ka?"
Maaliwalas ang mukha ng ginang na ipinagtaka naman ni Jacklyn.
"Okay naman po. Eh kumusta po kayo? Sabi kasi ni Alice may emergency raw po sa inyo?"
"Emergency? Wala ah. Katunayan noong isang gabi nag-celebrate kami kasi magiging artista na siya! Magkakaroon nga lang siya ng appearance sa movie ng JJ Cinema."
Napaalis ang kanyang ngiti.
'Hindi man lang sinabi ni Alice na magiging artista na siya.'
"Ah ganoon po pala. Hindi niya po kasi nasabi sakin pero pakiabot na lang po ang pagco-congratulate ko sa kanya tita. Mauna na po ako sa inyo kasi may lakad pa po ako."
She faked a smile. Papalayo na siya sa tiyahin ni Alice at doon na nagsimula ang pagpatak ng kanyang luha. It feels like being betrayed.
Tila nanghihina ang mga tuhod niya at hindi magawang magpatuloy sa paglakad.
"Hoy, ang pangit mong umiyak!"
Lalong tumindi ang paghikbi niya nang marinig ang boses na iyon. Lalong kumulo ang dugo niya dahil nakumpirma niya na si Junjun na kinaiinsan niya ay nagpakita na naman.
"Malungkot ako ngayon, huwag mo nang dagdagan pa ang bigat ng nararamdaman ko."
Tumalikod siyang muli at katulad ng nakaraang eksena, nahagip na naman ni Jonel ang braso niya.
"Junjun ano ba?"
Hindi nakaligtas sa paningin ni Jacklyn ang mapang asar nitong halakhak.
"Ang pangit naman ng Junjun."
"Kasing pangit mo!" turan niya sabay irap.
"Let's be friends. Sorry sa nagawa ko."
Napaangat ang tingin ni Jacklyn. "Nakatira ka ba ng katol?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro