Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifteen

Naghahabol ng hininga si Jonel nang iangat niya ang mukha. Nakita niya sa di kalayuan ang mapang-asar na mukha ni Jacklyn dahil naunahan siya nito sa pagtakbo.

"Ano bang trip mo sa buhay huh?" inis na tanong niya. Ngumisi si Jacklyn at may kung anong tinuro sa tapat nito.

"Kanta ka dyan oh, may live band!" tili ni Jacklyn na nakamasid sa isang bar. Sa tingin niya kasi ay kailangang ma-expose ng talento ni Jonel. Isa rin iyong tulong para mawala naman ang pagiging mahiyain ng binata.

"So nagpahabol ka lang pala para diyan?"

Nagpamaywang si Jonylle at sinubukang lumayo.

"Ano ba 'yan ang KJ huh!" pag-agap ni Jacklyn at mabilis niyang hinatak si Jonylle hanggang makapasok sila sa loob ng bar. Tumambad ang iba't ibang parokyano na karamihan ay nag-iinuman pa.

"Nagpupunta ka sa ganitong lugar Jacklyn?" pagtatakang tanong ni Jonylle at naupo sa bakanteng silya.

"Bakit? Anong masama? Hindi naman inuman ang habol ko rito," depensa naman ni Jacklyn.

"Ano? Lalaki ba?"

"Sira! Wala akong type dito. Madalas dito si papa kasi lasenggo 'yon eh. Lagi naming sinusundo ni mama. Naisip ko lang na mae-expose ang talent mo rito. Baka nga may maka-discover sa'yo na talent scout eh. Ayaw mo ba no'n? Makaka-record ka ng kanta at baka mag-platinum pa!" determinadong pahayag ni Jacklyn.

Lihim namang natuwa si Jonel sa pag-motivate ni Jacklyn sa kanya. Actually, she's the first one who showed that kind of support and it means a lot to him now.

"Wala akong talent ano ka ba? Uwi na tayo," pagtanggi naman ni Jonel na ikinasimangot ni Jacklyn.

"Arte naman. Kuya, may singer akong dala rito oh!" sigaw niya na umagaw nang pansin sa nakararami. Mabilis na nilapitan niya ang may-ari ng bar. "Sir, ayun ang friend ko sa sulok. Kumakanta 'yan." Itinuro niya si Jonel sa kinaroroonan nito.

Nakita naman ni Jonel na nagpalitan ng ngiti ang may-ari ng bar at si Jacklyn. Napakamot-ulo siya. "Mapapasubo na naman ako. Nakakainis talaga 'tong babaeng ito. Kung anu-anong naiisip."

"Dali Jonel kanta ka raw! Magre-request sila sa'yo!" Mabilis siyang nahatak ni Jacklyn paakyat ng stage. Nilapitan kaagad sila ng may-ari.

"May alam ka bang kanta ng shamrock? May nagre-request dito, dali na may tip ka samin, boring kasi ang bar pag pare-pareho lang ang kumakanta bawat gabi. Nauumay na raw sila," pakli ng owner na tila bouncer na rin dahil sa body built nito.

Alanganing tumango si Jonel. "Ah— Shamrock. Mayroon akong alam na kanta nila. Sige na nga kakanta na ako."

"Yes!" tila mas excited pa si Jacklyn kaysa kay Jonel. Kaagad niyang iniabot sa binata ang mikropono. "Galingan mo!"

Naghiyawan ang mga tao nang tumugtog ang banda matapos ibulong ni Jonel ang aawitin niyang kanta sa isang myembro nito.

"Di ko man maamin,
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man naisin
Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid,
Aaminin kong minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa'yong yakap, ako'y nasasabik..."

Kinakabahan man sa pagbigkas ng bawat salita, na-manage pa rin ni Jonel na maitawid nang maayos ang awiting iyon. He sang with all emotions he can give. Parang nanghihipnotismo ang boses niya at lahat ng tao ay nakatuon sa kanyang pag-awit.

Nakita pa nga niyang laglag ang panga ni Jacklyn habang pinapanood siya. He smiled knowing that it's his dream to sing in front of many people who will probably love his voice. Natupad na iyon at si Jacklyn ang naging tulay. Now, maybe Jacklyn has occupied a big space in his heart.










---










"Grabe, pinuyat mo ako doon! Napasubo ako huh! Huwag mo nang uulitin 'yon!"
Nakangiwi pa rin si Jonel hanggang tuluyan niyang maihatid sa tinutuluyang bahay si Jacklyn.

"Asus! Parang prepared ka nga eh. Ang galing mo palang kumanta. Alam ko sisikat ka. Saan pa sila? Guwapo at maganda boses, oh di ba? Full package!" manghang-mangha na komento ng dalaga.

"Bakit ba ginawa mo 'yon?"

"Para ma-boost ang confidence mo. Kailangan mo 'yon para matupad ang pangarap mo! Next time mag-audition ka rin huh!"

"Sige na. Pasok ka na sa inyo, gabi na na masyado oh." Sumulyap pa si Jonel sa kanyang relo bago balingan ng ngiti si Jacklyn. "Salamat din pala, ikaw ang taong unang naniwala sakin."

"Naku, wala 'yon. Basta kapag sikat ka na huwag mo akong kalimutan. Goodnight!"

They exchanged smiles before separating ways. Nang makapasok na sa bahay si Jacklyn hindi pa rin nawala ang mga ngiti niya dahil hanggang ngayon, parang nadala siya sa katangian ni Jonel. Bonus na rin ang nadiskubre niya na maganda ang boses nito. She find him more attractive. Tuluyan nang nagbago ang impression niya sa binata. Napatunayan niyang na-misunderstood lamang niya si Jonel, mabait naman pala ito at hindi mayabang.








——











Napaatras si Jacklyn nang mamataan sa loob ng bahay si Alice. Expected niya kasi na sa susunod na araw pa ito darating. "Good evening Alice, pasensiya na at ngayon lang ako nakauwi. Ni-lock ko naman 'to eh, kumusta na pala?" Pinasigla niya ang tinig dahil nababakas niyang dismayado ang awra nito, na parang may nagawa siyang mali.

"Nagdi-date na ba kayo ng lalaking naghatid sa'yo? Ex ni Sheena 'yon 'di ba?" paasik na tanong ni Alice.

"Huh? Hindi naman. Magkaibigan lang kami," paglilinaw ni Jacklyn.

"Walang magkaibigang lumalabas nang ganitong oras. Umamin ka na." Lalong tumalim ang tingin sa kanya ni Alice. Napaatras tuloy siya dahil sa pagkaalarma sa reaksyon nito.

"Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama." Tinatagan ni Jacklyn ang pagkakatayo sa harap ng kaibigan.

"Pero may ginawa siyang masama sa'yo." Tinaasan ni Alice ng kilay si Jacklyn habang nilalapitan ito.

"Ano kamo?"

"Si Jonel lang naman ang sumabotahe sa'yo kaya ka na-late sa audition, hinarang ka niya at ako ang nag-utos no'n. At 'yong pakikipagkaibigan niya sa'yo? Fake lang din. Siya nga pala, hindi naman talaga bestfriend ang turing ko sa'yo kundi isang kaaway! Nakakabuwisit kasi ang pagiging pabida mo. Kahit ferlingera at gandang-ganda ka sa sarili mo, ikaw pa rin ang minamahal ng lahat! At si Direk Gardo? Nakipagsabwatan ako sa kanya para doon sa sexy photoshoot at ako ang nagpakalat ng mga litrato." Mukhang proud pa si Alice nang ilahad niya ang buong katotohanan kay Jacklyn.

Samantalang hindi makaimik si Jacklyn, pakiwari niya'y mawawalan na siya ng hininga dahil tila sinaksak nang paulit-ulit ang puso niya sa mga isiniwalat ni Alice. Wala siyang kamalay-malay na umaagos na pala ang luha sa kanyang mga mata.

"Alice, nagtiwala ako sa'yo!" asik niya.

"Well, mali ka nang pinagkatiwalaan. Lumayas ka na rito. Nakaimpake na nga ang mga gamit mo eh, wala akong kinuha d'yan dahil puro fake at cheap lang naman lahat 'yan!" pagyayabang ni Alice saka binato ang maleta ni Jacklyn.

Hindi na nakaimik pa si Jacklyn at nilisan na nga ang bahay ng traydor na kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro