Special Chapter
"I'm so stressed, Rapsly! Put your goddamn phone away!" sigaw ko habang pinanlilisikan ng mata ang kaibigan. "And stop watching porn when you should be working!"
Namilog ang mga mata niya kasabay ng mahihinang pagtawa nina Cali at Cliff. Kanina pa ako inis na inis, at hindi nakakatulong ang mga ungol na naririnig ko sa telepono niya! Ni hindi manlang nagsuot ng earphones!
"Hindi 'to porn, Reese Deborah!" depensa niya.
"Hindi ako bingi! I can literally hear the screams and moans!"
"I'm watching a full-body massage treatment clip! Hindi ko kasalanang madumi ang utak mo!" aniya sabay pabalang na iniharap sa akin ang telepono.
I got even more irritated when I realized he was right. It was indeed a video of a masseur and a client. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi pa nakatulong na humahagikgik ang dalawang hinayupak sa gilid namin.
"And for the record, lunch break ko 'no!" pahabol pa niya. "God, gan'yan ba kayo kaingay ni Harvin para akalain mong nagse-sex agad kapag umuungol?!"
I felt my cheeks heat up instantly. Ang kaninang hagikgik nina Cali at Cliff ay tuluyang nauwi sa halakhak. Tinapunan ko sila ng masamang tingin ngunit hindi nila ako pinansin. I just grunted. Just hearing my husband's name was enough to remind me of my dilemma!
"I can fire you, you know..." tanging nasambit ko.
"Rapsly kasi," singit ni Cali, may multo pa rin ng ngisi sa labi. "Kita mong kanina pa problemado si Debs tapos papatulan mo pa."
"Sus!" Pabirong umirap si Rapsly sa akin. "Hindi ako nag-asawa para wala akong isipin na gan'yan kaya 'wag mo akong idamay sa gulo ng buhay mo."
I palmed my face in frustration. Why are we even friends?!
"Debs, stop acting like you're carrying the world." Si Cliff. "Just come up with something. I'm sure Harvin will like whatever you give him."
"Kung makikita lang tayo ng mga empleyado ngayon, iisipin nilang maba-bankrupt na tayo," nangingising sabi ni Cali. "Tangina, Debs. Valentine's gift lang. Kung ipatawag mo kami, akala mo naman ay may solusyon ka na sa global warming."
I removed my hands from my face and sulked more. "This is a big problem for me! Rouge has been doing all kinds of things every Valentine's Day. Ni wala akong maibigay pabalik sa kanya kasi mayroon naman siya ng lahat!"
"Just have sex with him! That will do!"
Of course, that's what Rapsly had to say.
"Given na 'yon!" Sininghalan ko siya. "I want to do something special for him."
"Edi maghugas ka ng pinakamabangong feminine wash. Ewan ko kung hindi maulol sa'yo 'yon."
Binatukan ni Cali si Rapsly. "Wala ka talagang kuwenta, 'no? Tingin mo ba 'yon lang ang nagpapatakbo ng relasyon nila?"
"Ay hindi ba?" Tumawa si Rapsly. "All my life, mali pala ang ginagawa ko?"
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nanatili sa conference room. Nagpa-emergency meeting ako para hingian sila ng ideas kung ano ang puwede kong iregalo kay Rouge sa paparating na Valentine's, pero wala akong napala kung hindi sakit ng ulo.
I heaved a sigh. Ano nga ba naman ang aasahan ko sa tatlong 'yon? They only suggested I book a dinner cruise, go on a shopping spree, stay at the most romantic hotel, or fly to a different country. Puro gastos. Wala manlang effort. Hindi ko naman puwedeng ipagtahi siya ng outfit. Punong-puno na ang wardrobe niya ng mga gawa ko!
"Love..." Rouge whispered as he held my hand.
He was driving. Pauwi na kami. Sinundo lang namin ang mga bata sa school. They were asleep in the backseat. Malamang ay napagod sa paglalaro. Si Alya lang ang gising. Nakasalpak ang earphones sa magkabilang tainga habang nagbubuklat ng isang fashion magazine.
"Hmm?" I replied as I massaged his knuckles with my thumb.
Mabilis siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Tired?"
"Hindi naman. Bakit?"
Pinisil niya ang kamay ko. "You're quiet."
"Gusto mo bang magbunganga ako?"
Napangiti siya at bahagyang nag-isip. "Nah. Okay na akong tahimik ka."
I jokingly glared at him, which made his smile grow wider. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, at taimtim iyong dinala sa mga labi niya.
My heart clenched in sheer joy when he gently kissed it. Ang isang kamay ay nasa manibela at ang isa ay nasa akin. Marahil ay napansin ang paninitig ko kaya muli siyang sumulyap sa akin at pabiro akong kinindatan.
I just chuckled when the youngest part of my heart reacted.
Years, and he could still send me into a frenzy.
I leaned against my chair and closed my eyes when he started humming. Ang magkahugpong naming kamay ay nasa kandungan niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tahimik at payapa naming oras... kahit pa halos araw-araw naman kaming ganito.
Rouge... My Rouge... He remained consistent all these years. He was very involved with our children, and he treated me like a woman of royalty. Hindi madali ang magpalaki ng mga anak. Nariyang oras na ng pahinga mula sa nakakapagod na pagtatrabaho buong araw, sabay pa kaming magigising sa iyak nila. Minsan ay nagkakatinginan na lang kami. Kapag sumimangot ako, ngingiti lang siya at magkukusa nang puntahan ang mga bata.
Parang hindi siya... nagsasawa. Parang hindi siya napapagod. Ang mga ganitong nakaw na oras namin ay parang sapat na sa kanya. May mga araw man na nagkakatampuhan kami, sinisigurado niya pa ring mapag-uusapan namin iyon kapag pareho nang malamig ang mga ulo namin. In all our disputes, even though he knew he hadn't done anything wrong and I had already apologized, he would still say sorry for making me mad.
It was so beautiful... our marriage was so beautiful I wasn't even sure I deserved it.
"Rouge..."
I opened my eyes and watched him take a glance at me.
Tipid akong ngumiti. "I'm happy it was you."
Bumalot ang pagtataka sa mukha niya. "Hmm?"
Umiling ako bago muling pumikit. "I'll cook our dinner. Kung wala kang gagawin, tulungan mo ako."
"Okay, baby."
"Hindi ka busy?" mahinang tanong ko.
He chuckled. "Never too busy for you."
That night, while my family was asleep, I used the internet and searched for some ideas for Valentine's. Rouge was fond of sweets, so I decided to make him a cake... even though I didn't know exactly how to create one. Inside that cake, I would put a stack of folded cards containing illustrations of our memories. After all, I had some artistic talent. May isang buwan pa naman. Madali nang matapos 'yon.
I knew something was missing, but I couldn't put my finger on it. For several years, Rouge has taken me places and set up all kinds of surprises. Iyon na lang daw kasi ang araw naming dalawa bukod sa anniversary namin. He wanted to make it extra special.
"You can't just learn from the internet, Debs. You should look for someone who knows how to bake. Para mas mapabilis ka," suhestyon ni Cali nang sabihin ko sa kanila nina Cliff at Rapsly ang plano kong pagba-bake para sa asawa.
"I agree." Tumango-tango si Cliff. "Learning from someone with experience will make things easier. May alam silang hindi mo makikita online."
I pouted. "Saan naman ako kukuha no'n?"
"Kay Tita Candy?" Si Rapsly. "For sure, maraming kilalang pastry chef 'yon. She's been in the industry for decades."
Natahimik ako at napaisip. They have a point! How can I forget that my mother-in-law has bakeries? Puwede akong humingi ng tulong!
I thought about it a lot before reaching out to her.
"Oh, I know someone!" masayang sigaw ni Mama Candy nang tawagan ko siya. She was in Cebu, so I couldn't go straight to her. "I'll give you her contact number. I'm sure she'll help you!"
I breathed a sigh of relief. God, she solved my dilemma in five seconds. "Thank you, Ma. I knew I could count on you."
"No worries, my dear. Sasabihan ko na lang din siya tungkol dito. She's a really good baker. You can learn a lot from her," aniya. "Baka lang busy siya. She's famous, so..."
"I'll do the convincing myself, Ma. You recommended her, so I'll make sure to learn from her." Ngumiti ako. "Mag-iingat po kayo ni Papa d'yan. We'll visit you next month with the kids."
"Really?" she squealed, sounding excited. "I'll look forward to it, Debs!"
Nang matapos ang tawag ay itinext sa akin ang contact details ng baker. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nag-message na agad ako.
To: Unknown Number
Hi. This is Reese Deborah Foster. I got your phone number from Candy Foster. I want to make a cake for my husband on Valentine's Day, but I don't know where to start. My mother-in-law suggested you, so I'm hoping you have some spare time. I don't care how much it'll cost. I really want to learn from someone with experience so I can make something for my husband. Thank you. I hope to hear from you soon.
Akala ko ay mahihirapan akong mag-reach out lalo't nasabi ni Mama na busy ang baker, pero matapos lang ang halos isang oras, tumunog agad ang telepono ko.
From: Unknown Number
foster?!
From: Unknown Number
okay! i gotchu! :*
Kumunot ang noo ko nang mabasa iyon. I thought she would be... professional. After all, Mama Candy had a lot of experience working with the best chefs and bakers.
Napangiti na lang ako lalo't napatitig ako sa kiss emoticon sa mensahe. She sounded friendly. Must be the reason why Mama Candy suggested her.
To: Unknown Number
Thank you. I want to start as soon as possible so I can practice more. Can you give me more details?
From: Unknown Number
of course :D
From: Unknown Number
i have a private bakeshop. bigay ng pogi kong asawa ;) doon tayo mag-aaral. saktong-sakto dahil may isa pang nagpapaturo sa'kin. sabay ko na kayong i-a-assist. very good ka nga pala sa surprise mo! mayaman ka pero gusto mong ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong regalo. saka ko na sasabihin kung magkano ang rate ko. pag-iisipan ko pa depende sa sarap ng magagawa mong cake. libre kapag palpak kaya ayusin mo </3
I couldn't help but laugh at the message. She was so informal!
"Who's that?" untag ni Rouge sa akin na inilingan ko lang. Ni hindi ko napansing nakapasok na siya sa kwarto namin.
He tsked. "Sino nga?"
Pinanlisikan ko siya ng mata. "Wala nga sabi!"
"Bakit ka tumatawa?" sumpong niya pa.
"Because I'm texting someone, and she's funny."
He pursed his lips. "She?"
"Oo." Pabiro akong umirap. "Kaya tigilan mo ang pagseselos mo."
Akmang sisilip pa siya sa telepono ko pero iniilag ko lang iyon. I frowned at him, but he just annoyingly scratched the back of his head, accepting defeat in an instant.
"Kailan ka pa naging chismoso?"
He rolled his eyes as he laid his back on our bed. "I can make you laugh, too."
Inignora ko ang pag-iinarte niya. Sumandal ako sa headboard ng kama at nag-reply na sa kausap ko.
To: Unknown Number
Okay. What's your name again?
I didn't have to wait too long for a response.
From: Unknown Number
mrs sanders na lang 👉😎👉
Napailing ako, nangingiti. She was so unserious.
I saved her number under that name. Pamilyar ang apelyidong iyon. Hindi ko lang sigurado kung saan ko narinig.
To: Mrs. Sanders
I'll see you tomorrow, Mrs. Sanders. It's better to talk in person. Please send me the address.
She quickly sent me the full address, and before I could put my phone down, she sent me another message.
From: Mrs. Sanders
see u, mrs foster! <3
Nilambing ko pa ang asawa ko bago kami nakapagpahinga. Ichineck niya rin muna ang mga bata at saka itinuloy ang pag-sumpong sa akin. We've been married for years, so I know exactly how to handle him. We even ended up making love.
Nang sumunod na araw ay sinabi ko sa kanya na makikipagtagpo ako sa VIP models. Pinayagan niya ako dahil madalas ko naman talagang gawin iyon kasama ang mga kaibigan ko.
I texted Mrs. Sanders that I was on my way, and she said she'd be waiting. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang lugar dahil nasa Waze iyon.
I smiled to myself when I took a good look at the bakeshop. It was cozy. It only had one floor, but it was pretty extensive. Its interior was a blend of pastels, from pale yellow and blue to lilac. Salamin ang pinto nito kaya kita ko ang nasa loob. At dahil for personal use yata ang bakeshop, kakaunti ang upuan at mesa.
When I walked in, I spotted a huge family portrait framed on the wall. Halos matulala ako nang makilala ang nasa larawan.
The couple was standing next to each other, the father carrying their youngest. Ang kambal na babae't lalaki—na magkamukhang-magkamukha—ay nakaupo sa silya sa harap ng mag-asawa. Lahat sila ay may magagandang ngiti. Ang mga babae ay naka-dilaw na bestida kaya labas na labas ang puti ng mga balat nila. Iisa rin ang natural na kulay ng buhok. Ang dalawang lalaki naman ay naka-puting button-down shirt lang at cream-colored pants. Pareho naman silang may malalalim na biloy.
All the children shared the features of their parents, and they were... beautiful.
"Nandito ka na!"
Muntik akong mapaigtad nang marinig ang boses na iyon. Ipinihit ko ang katawan at hindi ko napigilan ang palihim na pagsinghap nang makita ang dating nagugustuhan ni Rouge—si Solene.
She casually dressed in a light brown blouse tucked into dirty white, high-waisted trousers. Naka-flats lang siya habang ang kulay tsokolateng buhok ay malinis na naka-bun.
Even with such simplicity, her beauty was overpowering. Ni walang suot na makeup o kahit anong alahas. Hindi katulad ko na gayak na gayak.
"Tanda mo pa ba 'ko?" Matamis siyang ngumiti. "Ako 'yong nag-bake ng wedding cake ng kaibigan mo. Nagkita tayo sa Ireland!"
Of course, I remember her. But it is definitely not for that reason.
"Yeah," I said. "You're Solene Clemente, right?"
She giggled and held up her hand to show off her wedding ring. "Well, Sanders na ako ngayon."
I didn't know if it was the years that passed, the things I'd been through, or the lessons I picked up along the way, but I didn't feel any anger or jealousy for her. Kung ako siguro ang batang Reese Deborah, baka kanina pa ako nakalabas ng bakeshop—nagngingitngit sa selos at kinukumpara ang sarili sa kanya.
But now, I felt... nothing. She poured a ray of sunshine into the place with her vibrant demeanor. Walang rason para magselos ako sa kanya. May kanya-kanya na kaming pamilya. Hindi niya rin naman kasalanan na kagusto-gusto siya. Kahit nga akong hindi siya personal na kilala ay napatawa niya sa ilang palitan lang ng mensahe.
"Sol, naparami yata ang harina ko..."
Sabay kaming napatingin sa babaeng kararating lang. Unlike Solene, who had a sexy and model-like beauty, this one had more innocence to her. Mapungay ang mga mata at tila hindi makabasag-pinggan. Like her voice, her face was delicate, the kind that could go on for decades without showing any signs of aging.
Naka-asul na romper siya sa ilalim ng puting apron. Naka-flats, at ang buhok ay nakaayos sa mababang ponytail. Her curtain bangs framed her plump cheeks, making her look even more... adorable.
Nakatingin lang siya sa akin, marahil ay nahihiwagaan kung ano ang ginagawa ko roon.
Lumapit si Solene sa kanya at sinilip ang mixture na ginawa niya.
"Anong naparami?" natatawang saad ni Solene. "Eh, halos ibinuhos mo yata ang stocks natin, eh!"
Pinigilan ko ang mapangisi sa narinig. Ngumuso naman ang babae habang ibinabaling ang atensyon sa mangkok na hawak niya.
"Mrs. Foster," kuha ni Solene sa atensyon ko.
Bago pa ako tuluyang makatingin sa kanya ay nakita ko ang gulat na reaksyon ng babaeng kasama niya.
"Meet Mrs. Dela Paz," she added.
It was my turn to get shocked. Dela Paz? She must be Elora Chin, then! The well-known psychologist who ran a network of therapy centers and mental health clinics with her best friend, Rovina! Iniisip namin ang imbitahan sila ng kaibigan niya para mag-model sa magazine ng DB! We wanted to celebrate them in honor of Women's Month!
"Foster..." Mrs. Dela Paz whispered. "DB Store?"
Napakurap ako. She knows!
I smiled. "It's my husband's." Kahit pa sa akin ipinangalan ng bruho...
"No." Umiling siya, nangingiti rin. "You're Reese Deborah, right?"
Lalo akong napangiti. "Yeah. And you're Elora Chin."
"Oh, god." Kitang-kita ang pagkislap ng tuwa sa mga mata niya. "I'm a huge of your designs! Kami ni Vina!"
Hindi ko napigilan ang tuwang umahon sa dibdib ko. Kahit pilit kong itago ang ngiti ay tila may sariling utak ang dalawang gilid ng mga labi ko.
Goodness gracious... to have someone of her caliber appreciate my work was quite humbling.
"I'm honored," I said. "I've been hearing a lot about you, and..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil hindi ko mahanap ang mga tamang salita.
"Bilangan ba ng achievements sa buhay 'to?" singit ni Solene.
Napabaling naman kami ni Mrs. Dela Paz sa kanya.
"Game! Ano namang alam n'yo sa'kin?" Pinagkrus niya pa ang mga bisig sa dibdib na parang bilib na bilib siya sa sarili.
Halos sabay kaming napatawa ni Mrs. Dela Paz.
Solene Clemente Sanders, just like Elora Chin Valencia Dela Paz, was a household name in the country. Mga matatayog na kababaihan na gumawa ng sarili nilang mga marka sa industriyang tinahak nila.
Mas kilala ng masa si Solene lalo't laging nag-te-trending online ang iba't ibang design ng cakes niya. Bukod pa roon ay nagpapa-interview siya sa mga media outlet, hindi gaya ni Mrs. Dela Paz na bahagyang mailap sa mata ng publiko—the only reason I was unfamiliar with her face.
Though I'm sure I ran into her once or twice in the past. Hindi ko lang talaga siya namukhaan dahil hindi naman na kami bumabata.
I chuckled at my own thoughts. Kaya rin pala pamilyar ang Sanders sa akin. Alya has been ordering her sugar-free cookies online! The Slice siya nang The Slice! Mrs. Sanders siya nang Mrs. Sanders!
Solene started briefing us... or me... about the equipment and ingredients. Sinabi ko sa kanyang chocolate cake ang gagawin ko at lalagyan ko iyon ng illustrations sa loob. Akala ko nga ay hindi pa kami makakapagsimula ngayon lalo't naka-beige na jumpsuit at pumps ako, pero inabutan niya na agad ako ng apron at sinabihang i-preheat ang oven!
Sumilip ako sa station ni Mrs. Dela Paz at bahagyang napanganga nang makita ang mga "rejected" na gawa niya. Wala pa man ay napapagod na agad ako sa magiging itsura ng isang buwan ko!
It was a tragedy waiting to happen, and I was right...
"Susmaryosep, Mrs. Foster! Napakaraming cocoa n'yan! Cake ba ang gagawin mo o champorado?"
Ikatlong araw simula nang magpaturo ako sa kanya ay iyon ang narinig ko. Sa kabilang station ay pansin ko ang mayuming pagtawa ni Chin—she told me to call her that—na akala mo ay hindi siya napagalitan ni Solene dahil sa dami ng asukal na inilagay niya sa mixture niya!
Tinikman ni Solene ang mixture ko at bahagyang napasimangot.
"Wala na 'to. Lasang kapeng barako."
I pursed my lips. "I'm sorry."
"Okay lang. May araw pa tayo. Hindi tayo titigil hangga't hindi mo nahahanap ang timplang gusto mo." Tinapik niya ang balikat ko bago tiningnan si Chin. "Ikaw, Chin. 'Wag kang humagikgik d'yan! Magkaka-diabetes ang asawa mo sa'yo kapag pinakain mo ang gawa mo!"
Solene was a perfectionist. Ang rason niya, sa pagba-bake niya lang daw naranasang maka-perfect.
Tatlo hanggang limang oras ang ginugugol namin sa pag-aaral. Kung ano-ano nang palusot ang nasabi ko kay Rouge para lang hayaan niya ako.
"May kulang..." bulong ni Solene nang ipatikim ko ang wet ingredients mixture ko, ikalimang araw mula nang simulan namin 'to. "Dagdagan mo ng gatas."
I nodded. "Okay."
She then moved to Chin. Katabi ko ito na hawak rin ang mixture niya. Para kaming mga batang nagpapa-check ng gawa sa teacher.
"In fairness." Ngumiti si Solene. "Masarap-sarap na 'to, ha?"
Chin beamed. "Really? Magugustuhan na ni Troy?"
"Jusko! Kahit tae ang ibigay mo ro'n, kakainin niya 'yon nang nakangiti!"
The three of us didn't really talk much. Kung wala si Solene ay patay na patay siguro ang oras namin. Tahimik lang kasi si Chin. Hindi ko naman siya para kausapin dahil alam kong pinahahalagahan niya ang pribado niyang buhay.
"Okay na 'to!" masayang-masayang saad ni Solene nang matikman ang cake ko.
It didn't have the most flawless design because I focused more on the taste, but it looked pretty decent.
"Nilista mo ba ang measurement ng ingredients?" tanong niya pa.
Tumango ako.
"Good! May distinct taste siya. Matamis pero hindi nakakaumay."
Ako yata ang pinakamasayang tao sa mundo noong araw na 'yon. It was only my first week, but the Solene Clemente Sanders had already given me her stamp of approval! Kaunting practice pa at makakagawa na ako ng perfect na cake para kay Rouge!
"Mag-whole day tayo bukas. Sagot ko na ang lunch at dinner," anunsyo ni Solene matapos ang session namin ni Chin.
Magsasalita na sana ako ngunit umiling lang siya.
"No buts. Alam kong iniisip n'yo kung paano kayo magpapaalam sa mga asawa n'yo pero gawan n'yo ng paraan 'yan." She cleared her throat. "May sasabihin din ako kaya gusto ko kayong makausap."
Nagkatinginan na lang kami ni Chin. Alam naming hindi kami makakatanggi kay Solene lalo't malaki ang utang na loob namin sa kanya. Sa dami ng ingredients na nasayang namin, ni hindi niya kami siningil. Imbes na nakakapagtrabaho siya at mas nakakapag-focus sa business niya, tila sa aming dalawa niya iginugugol ang oras niya. I was sure she had lost hundreds of thousands just because she spent more time on us for a week.
Isa pa, may parte sa akin ang gustong mag-whole day. I wanted to practice more.
In the end, Chin and I agreed.
Kaya naman, matapos patulugin ang mga anak at tulungan si Alya sa assignment niya, pinuntahan ko si Rouge sa opisina niya. Sa bahay kasi namin, may magkabukod na working station kaming dalawa. If we didn't want to work at the company or had so much to do that we couldn't get it all done there, we'd take the work home.
Bago kami magpakasal, napag-usapan na namin ang ganoong set-up. We'd go to the office at 8 in the morning and leave at 3 in the afternoon. We'd have a cup of coffee before picking up our kids from school, then we'd go home and talk to them about their day. Minsan kapag hindi busy, kahit may apat na katulong kami sa bahay, nagboboluntaryo akong magluto. Gusto ko kasi ang pakiramdam na pinapanood ako ng mga anak namin... kahit pa madalas ay nakikigulo sila.
"Rouge," I said as I knocked on the door.
"Pasok," sagot naman niya.
I opened the door and saw him sitting in front of his computer, reviewing and signing some documents. Sumulyap siya sa akin bago ibinaba ang hawak na papel. He then turned his swivel chair toward me and clasped his hands on his abdomen as if waiting for me to say something.
Napalunok ako. He looked mad.
"Ano..." I stumbled.
He tilted his head. "Saan ka na naman pupunta?"
I licked my lips as tension built up in my core. Paano ako magsisinungaling nito?
"Uhm... Maglilibot ako bukas. I'll look for more design inspiration for Women's Month. I'll also talk to the women I plan to feature in our magazine."
He poked his tongue into his inner cheek, making me even more nervous.
Looks like he isn't... convinced.
"Isang linggo ka nang umaalis. We're getting ready to release our Valentine's magazine issue. You should pay more attention there because it's closer. You can't leave all the work to your friends," he said firmly.
"I'm relaying my ideas, updates, and help even if I'm working on the field, Rouge." I tried not to sound tense. "The upcoming launch will go smoothly because the dresses and suits are already finalized. There's nothing to be worried about. The photo shoot has also started. Matatapos na nga, eh. I'll just check the quality, and that can be done a week before the release."
He sighed and stared more at me. "What are you doing lately, Reese? Talking to VIPs and models isn't in your job description. Be honest. Tell me what's going on."
Napakurap ako. Good grief! This is a lot harder than I thought!
"I'm being honest, Rouge. Why do you doubt me?"
Really, Reese? That's so unhealthy. You might go to hell for this.
"This all started when you talked to that girl..." He shook his head. "Is that even a girl?"
"Rouge!" Pinandilatan ko siya, kinakabahan sa tinatahak ng utak niya. "What are you thinking?"
Nagbuntong-hininga siya bago muling humarap sa computer. "I trust you, Reese. I know you won't do something that will hurt me and the kids. I'm sorry for doubting you. Marami lang akong iniisip sa trabaho."
Guilt crept into me. Muli siyang tumingin sa akin at isang beses na tumango.
"Sige na. Do what you need to do."
Kahit hindi niya sabihin, alam kong nagtatampo siya. Matagal na kaming nagsasama. Saulo ko na ang ugali niya.
Kaya lang, hindi ko naman puwedeng sabihin ang totoo. What's the essence of surprising him if I tell him what is it about?
"Matagal pa ako rito. Go to bed now."
Iyon ang huling naging pag-uusap namin. Nang mag-umaga ay bumati lang siya sa akin at nag-focus na sa mga bata. No cuddles. No morning kisses.
Kahit alam kong ayaw niyang tumuloy ako ay hindi ko iyon pinansin. I still stuck to my plan and went to the bakery where Solene and Chin were waiting.
Gaya ko, mukhang problemado rin ang huli. Hindi ko kailangang maging manghuhula para hindi maunawang nagtalo rin sila ng asawa.
We started our training session, and I felt like I needed to do more for Rouge. Hindi sapat ang cake para matapatan ang pag-iisip niya. I could book a ticket abroad for our family, but I wanted to do something more heartfelt.
"So, ganito na nga..." Solene said while we were eating lunch.
I put my spoon down and focused on her. Ganoon din ang ginawa ni Chin.
She cleared her throat. "Wala pa akong supresa kay Duke."
"What?" bulalas ko.
Did we just fight with our husbands just because she was clueless about her present?
"Hear me out." She pouted. "Nagpa-book na si Duke ng restaurant para sa dinner namin, and I'm thinking about a... triple date."
"No way. My husband has been craving Greek cuisine, so I'm taking him to Blue Plate."
Magsasalita na sana siya nang sumingit si Chin.
"Doon din kami ni Troy. Nagpa-book na 'ko. He seems to like our wine nights together, so..."
Malakas ang pagpalakpak ni Solene na para bang nasagot namin ang lahat ng problema niya.
"Well, well, well..." She laughed. "Guess who's coming with you."
"Doon din kayo ni Duke?" Si Chin.
"Korek!" Solene said. "Malapit 'yon sa hotel na tutuluyan namin. Ayokong mag-drive pa siya kaya ako ang nag-suggest na doon na kami. Hindi pa namin nasusubukan doon dahil mas gusto naming dalawa ang mga lutong-bahay."
"So..." I am at a loss for words. I mean, what is it for us? Hindi naman magkakadikit ang mga asawa namin. In fact, I'm sure Mr. Sanders has become jealous of Rouge. Sino ba namang hindi ma-te-threaten sa asawa ko?
Chin sighed. "What are you planning, Sol? Nagtatampo sa akin si Troy. I should do more for him..."
I nodded. I felt the same way.
"Ito na nga!" Solene's eyes shimmered. "I contacted the Blue Plate and requested an open mic—"
"What—"
"Mrs. Foster, behave!" Pinandilatan niya ako. "Makinig kay Ma'am kung ayaw mapagalitan!"
Napanganga ako. She was unbelievable!
"Ang mga lalaki, gusto ng mga 'yan na pinagmamalaki sila. You know, male ego." She shrugged. "Even without saying, men like the feeling of being acknowledged."
"Lahat naman tayo..."
Solene grunted. "Chin, please. Hindi ko kailangan ng psychological trivia ngayon."
Pinigilan ko ang mapatawa. Why is she being so annoying and funny at the same time?
"That being said, I want to broadcast my love for Duke. I want everyone to know how great of a husband and father he is." She smiled beautifully. "I feel like he needs to know that his efforts are seen and appreciated. People have been coming to me online, and even if he doesn't say anything, I know he's uncomfortable with the comments. Gusto kong i-assure siya na wala akong ibang mamahalin, pagtutuunan ng pansin, at pahahalagahan kung hindi siya at ang mga anak namin."
For some reason, warmth filled my heart. I wanted to do that for Rouge, too. He was nothing but a patient father and husband. He didn't deserve to think about losing me... or that I would do something that would hurt him.
"You'll give a speech?" Chin asked.
Tumango si Solene. "Kaya lang, parang may kulang. What happens after the speech?"
Napaisip din ako. I wanted to do the speech, too... Ano bang kasunod kapag ganoon? Proposal?
I shook my head. Bakit naman ako magpo-propose? Bukod sa ang laki-laking gastos ng kasal, proposing after a speech seemed off.
"Kanta?"
Napabaling ang tingin ko kay Chin. Ganoon din si Solene.
Tipid siyang ngumiti. "I mean, that's what most people usually do. You can say anything you want and cap it with a song."
"Hindi ako kumakanta, Chin!" reklamo ni Solene.
Chin chuckled. "I don't bake either."
Tuluyan akong natahimik. Sing a song in front of everybody? That's suicide! I don't have my husband's talent!
And why am I even thinking of doing this, too?! Kay Solene 'yon! Bahala siyang mamroblema!
"Okay, sige." Huminga siya nang malalim. "Kakanta tayo."
"Huh?!"
"Tayo?!"
Magkasabay ang reaksyon namin ni Chin. I may have considered doing that, but I wouldn't dare sing in front of everyone and my singer husband! Noong huling beses kong kinantahan si Rouge ay halos lumubog ako sa lupa dahil pangisi-ngisi siya! I may not be completely tone deaf, but I could be out of tune!
"You'll never convince me to sing, Solene," I said with conviction. "My husband is a performer. Do you realize how critical that is?"
"Magpa-practice tayo. Tutulungan tayo ni Chin."
"Huh..." maliit ang boses at puno ng pagtataka na saad ni Chin.
Umiling ako. "No. I can do the speech thing, but I can't sing. Baka mauntog ang asawa ko at hiwalayan ako!"
Solene stood with her arms crossed tightly against her chest, her eyes fixed on me. "Dahil performer si Harvin, sigurado akong lagi ka niyang kinakantahan."
"Of course."
Ngumisi siya. "Don't you want to do what he's been doing for you?"
I glared at her. Don't even go there!
"Nandoon ako noong nag-propose siya sa'yo. Isa ako sa mga nakisigaw na ang guwapo ng boses ni Harvin kaya masamang-masama ang tingin sa'kin ng asawa ko. Kung kaya ka niyang kantahan in public, what's stopping you from doing the same thing?"
"My voice, Solene!" I said, my voice filled with terror. "Rouge can sing in public, and he'll be praised! Pero ako?!" I shook my head. "I'll receive a life sentence."
"'Wag kang mag-alala! Magkasama tayo sa presinto kapag nagkataon!" giit niya. "Kung life sentence ang matatanggap mo, ang akin, death penalty!"
Chin gasped. "Sol, death penalty isn't lawful in the Philippines—"
"Stop!" sabay na sigaw namin ni Solene sa kanya, dahilan para bahagyang umawang ang mga labi niya.
"Kakanta tayo, Mrs. Foster," pinal na sabi ni Solene bago pa ako makapagreklamo ulit. "Sigurado akong nagtatampo sa'yo ang asawa mo. You have to step up your game!"
I was so frustrated, but at some point, I knew she was right. I had some assuring to do.
Kainis. Bakit ba kasi may Valentine's Day pa?!
Bumaling si Solene kay Chin. "At ikaw, Chin, tutulungan mo kami. Tangang-tanga si Troy sa boses mo kaya alam kong marunong kang kumanta."
"Hindi ako magaling..."
Hindi siya pinansin ni Solene. Muling itinuon ng babae ang atensyon sa akin na para bang buong-buo na ang plano niya.
"Mas maganda kung maggigitara si Chin, pero para less hassle, puwede tayong mag-minus one."
I nodded, accepting my defeat. Fine! Gagawin ko 'to para sa guwapong nagtatampo!
"Shall we rent the Blue Plate?" I asked.
"No. Mas maraming tao, mas maganda. Puwede nila tayong arestuhin pagkatapos natin pero kailangang malaman ng lahat ng nandoon kung ano ang kaya nating gawin para sa mga asawa natin."
"Can I say something?" singit ni Chin.
Tumingin kami sa kanya. God, she looked so delicate.
Matamis siyang ngumiti. "I thought about it, and I like the idea, too. Matutuwa si Troy."
Lihim akong napailing. We really were doing a lot for our husbands. They'd better treat us like queens!
"So, what's our song?"
For the rest of the afternoon, while baking, we practiced different songs. Chin was lying when she said she wasn't very well because her voice was angelic! Napakahinhin at yumi. Walang-wala sa boses namin ni Solene na parang mga kinakatay!
"Mali ang tono mo, Sol..." saway niya habang ipinapatikim ang cake sa huli.
"Mali rin ang lasa ng icing mo."
It was a disaster. Mabuti si Solene at may pang-rebut siya kay Chin kapag nasisita siya!
Eh, ako?! Wala!
"Mrs. Foster, ang dumi ng design mo. Masyadong crowded." Si Solene.
"Off-pitch ka ulit, Debs." Si Chin naman.
"Masyado rin kasing malabnaw 'yong texture ng icing mo..."
"Tapos pasaulo na rin ng lyrics. Minsan kasi ay nagkakapalit kayo ni Sol."
I was stressed! Wala akong alam sa mga forte nila! For the whole week, halos silang dalawa ang kasama ko. Pagod na pagod ako sa pagpapractice to the point na hindi ko na naroromansa ang asawa ko! Mas lalo tuloy tumindi ang pagtatampo niya! Hindi pa nakatulong na tinatapos ko ang illustration na ilalagay ko sa cake!
Still, despite having a lot on my plate, I felt like I needed more! 'Yong gagawin kong cake, siguradong hindi kasingsarap ng kay Solene. 'Yon namang pagkanta ko, siguradong walang-wala sa timbre ng boses ni Chin! I may be doing a lot of things, but they're all mediocre or worse!
"May naisip ako na pandagdag sa surprise mo kay Harvin," sabi ni Cali, isang linggo at kalahati bago ang Valentine's Day.
I sighed. What now?
Isa pa, paano niya nalamang problemado pa rin ako? They never heard another word from me about my plan!
"Ano?" tanong ko pa rin.
Ihinilig niya ang ulo na parang napakaganda ng ideyang mayroon siya.
"Magazine."
My brows furrowed in confusion. "Anong magazine?"
"Magazine full of your images." Ngumisi siya. "Seductive, cute, beautiful—the choice is yours."
I squinted, a little puzzled at his suggestion. "And why would he need that?"
"Hmm..."
Lalo ko siyang kinunutan ng noo. Hindi ko makita kung anong kahalagahan noon. It wasn't like he'd have any use for that anyway. Magkasama naman kami lagi.
"Additional spice to your sex life, maybe?"
My lips parted. "Cali!"
Humalakhak siya. "Well, exclusive 'yon para sa kanya."
"It is not needed! Ang dumi ng utak mo!"
"Just imagine..." Lumapit siya sa akin at humilig patungo sa tainga ko. "Every time Harvin would lay his eyes on that magazine, his heart would race with an intense longing for you..."
"Shut up!" I yelled, trying my best to control my voice.
Hindi niya pinansin ang reklamo ko.
"His desire for you would be so strong that it would often manifest physically, leaving him with a throbbing erection that he could not ignore," bulong niya, ang boses ay pilit na kinukumbinsi ako. "And despite his attempts to resist your allure, he would find himself drawn to you again and again, unable to shake the hold you had over him."
Nag-init ang pisngi ko nang ma-imagine iyon. God! This is so embarrassing!
"Pag-isipan mo. I think it will be the best gift to give Harvin because we offer so many magazines, and having one just for him will be great."
No fucking way! Baka ma-weirduhan siya kapag nagbigay ako noon sa kanya! Baka isipin niyang masyado akong... mahilig!
But then, the night after Cali's suggestion, I never thought I would consider that.
"Rouge..."
Nakahiga na kami. Nakatalikod siya sa akin kaya nababagabag ako. Sinubukan kong tawagin ulit siya ngunit hindi siya humarap sa akin o gumalaw manlang.
I gently touched his shoulder, but he didn't flinch.
My heart dropped in my stomach at that. It was unusual for him to not react to my touches. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naglalaro sa utak niya.
"I'm tired, Reese. Matutulog na ako," aniya na tuluyang nakapagpatigil sa akin.
Jesus. I need to make up to him soon. Malaki talaga ang pagtatampo niya sa akin, at kapag nagtagal pa ito ay baka madulas na ako sa plano ko!
"We'll make a magazine," anunsyo ko kina Solene at Chin.
I felt I might as well let them know, as there was no way I could pull it off alone! Isa pa, kailangan din nila 'yon! They helped me with baking and singing. I should do something for them as well. Kahit pa parang wala akong makitang importansya noon.
"Sinasabi mo?" Si Solene.
I told them exactly my dilemma, and Chin said she was having the same problem! Solene was speechless when I finished explaining to them the need to give an exclusive magazine, so I knew she was contemplating things.
"May projects si Duke next month sa Australia. I think it'll be a good idea to give it to him! Pabaon!" She giggled.
Chin shook her head. "I'm not for the camera."
"And I'm not for singing either," sagot ko sa kanya, ginaya ang timbre ng sagot niya noon kay Solene.
"Ay, ako rin pala. I don't do sexy photoshoots."
Umirap ako. "I'll provide the clothes, location, and all the equipment. You just have to pose. Tayong tatlo lang ang makakaalam sa ginagawa natin. I'll print the magazines myself, too!"
It didn't take a lot of time for me to convince them. Kahit basa ko sa kanila ang pag-ayaw ay wala silang nagawa kung hindi ang pumayag. Just by that, alam ko na kung gaano nila kamahal ang mga asawa nila. They wouldn't dare to do things they weren't used to if they didn't have such immense love for their husbands.
And so, for the remaining days, we became busy.
Chin went with a sweet and feminine aesthetic for her magazine, filling it with pastel-colored dresses and minimal accessories. Kung hindi ko pa pinilit ay hindi siya magpapa-picture nang naka-bikini.
She was too graceless to pose for the camera, so even though she was dressed provocatively, she came off as more adorable than alluring! She would fidget with her hair and shift her weight from foot to foot as if trying to find a pose that felt natural. Pero kahit na ano ang gawin niya, this thing was out of her element.
Si Solene naman ay may kakaibang alindog sa camera. Even if it wasn't her forte, the lenses were her allies! She gave her magazine a seductive overtone, hoping it would ignite the fires of desire within her husband and keep him longing for her even from afar.
She was a sight to behold. Her beauty was undeniable, with a face that could make anyone stop in their tracks. Her eyes sparkled like diamonds in the sunlight, and her hair flowed like a river of gold.
Maganda siya sa camera; may isa lang talaga siyang kahinaan.
"Solene, stop pushing your boobs!" I shouted as I photographed her.
Yup, that was her weak point. She didn't know how to use her looks to create the perfect angle or strike a pose that would capture her best features! Goodness! Para siyang laging nagpapatawa!
"Sabi mo, sexy!"
I glared at her.
"And that's your sexy?!" I fired back. "You look like a joke!"
Ngumuso siya. "Paano ba?"
"Just take off the first three buttons of your shirt and pull the fabric to reveal some skin!" stressed na sabi ko. "Put your finger on your lips and tilt your head a little!"
"Tagalog version, please!"
I sighed exasperatedly. "Alam kong naiintindihan mo ako kaya gawin mo na!"
Tumingin ako kay Chin na ichine-check sa monitor ang pictures niya. Dahil nasa studio lang kami ngayon at bedroom ang setup, kakaunti ang shots na nagustuhan ko. Bukas ay yayayain ko silang mag-dagat para makakuha kami ng mas magagandang pictures. I was also thinking about setting up my studio like a school so that they could wear school uniforms... lalo at noong college daw nagsimula ang mga relasyon nila.
"Puwede akong umulit?" tanong ni Chin, ang pagkasuya ay halata sa mukha.
Napangisi ako. "Uulit ka talaga. Inuuna ko lang si Solene dahil mas mahirap kang kuhanan."
"Hindi talaga ako pang-ganito..." Sumimangot siya.
Ibinalik ko na lang ang tingin ulit kay Solene para matapos na kami. Chin's beauty was of the innocent kind, the kind that would encourage you to protect her from the cruelty of the world. Ang ngiti niya ay banayad at mahinhin. Miski ang boses niya ay nakakapawi ng pagod sa taglay nitong lambing. She was the type of girl who could make you believe in the goodness of humanity, even in the darkest of times.
Maganda... Talagang awkward lang siyang mag-pose sa camera.
"Solene!" halos manakit ang lalamunan ko sa sigaw na 'yon. "Why the fuck are you poking your boobs?!"
Pinandilatan niya ako. "Bakit ba? Hindi mo naman dede 'to."
I bit my lower lip in frustration. Ngumuso naman siya at pabirong ngumiti sa akin.
"Ito na, Ma'am. 'Wag kang nagagalit. Muntik mo ngang masira ang pinakamahal kong oven, pero may narinig ka ba sa'kin?"
Lalo ko siyang pinanlisikan ng mata. Tumikhim na lang siya at nag-pose na. We all had different personalities. Solene was funny, unprofessional, and just talkative. Chin was timid but knew when her opinion was needed. She was also very patient.
Hindi ko alam kung paano namin natagalan ang isa't isa. Ni hindi ko sigurado kung matutuwa ba ang mga asawa namin sa ginagawa naming 'to. All I wanted was to bake a cake, so why the hell did I end up here?
But still, even if I denied it, I knew deep down I... liked them.
Kahit kakaunti ang nakaw na oras na kasama ko sila, pakiramdam ko ay may pagkakapare-pareho kami na hindi ko matukoy kung ano.
The night before Valentine's Day, we decided to have dinner at Solene's bakeshop. Everything was polished, to say the least. Handa na ang cakes, nakausap na ang Blue Plate, at printed na rin ang magazines. It was just a matter of successfully pulling things off.
"That was a tiring month," I said.
"Yeah..." Si Chin. "Pero nag-enjoy ako."
Solene nodded. "Ako rin, 'no! Kahit pumalpak ang mga plano natin, it was a nice experience!"
Yumuko ako sa pinggan ko at bahagyang ngumiti. It is.
Binalot kami ng payapang katahamikan. Aside from the gentle notes of soft jazz that emanated from the speakers, the silence was almost palpable, as if the world outside had ceased to exist.
I scoffed as a sense of uneasiness crept over me. Maybe it was the unspoken understanding that this would be the last time we'd do a lot of shit together.
"Nagtalo kami ni Duke kanina..."
Napatingin ako kay Solene. She was... serious. Mula sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin din sa kanya si Chin.
"Usual stuff," dagdag pa niya. "Pera."
I blinked in surprise. They were both successful. Hindi ko inasahang mapag-aawayan pa nila 'yon.
"Noong New Year, pumunta kaming mag-anak sa Japan. He booked the most expensive hotel and high-end restaurants. Tapos sa huling linggo ngayong month, bago raw siya tumulak papuntang Australia, mag-bakasyon ulit kami. This time, sa Maldives na."
"Isn't that good?" I asked. "You should make memories with your family as much as you can because you won't have that option once your kids are grown."
She sighed, shaking her head. "I want them to understand the value of money and to learn the importance of hard work and saving. Masarap man sa pakiramdam ang makasama sila, kailangan nilang maintindihan na may posibilidad na hindi kami habambuhay mayaman."
"But didn't you just spend the entire month teaching us without letting us pay? Hindi ka rin nagtrabaho dahil pinaghandaan mo ang surpresa mo kay Mr. Sanders," takang tanong ko.
"Who told you I wasn't working?"
My lips parted. "You do?"
"Oo naman. I baked at nights and had my staff delivered them to my VIP clients. Maliliit na order lang pero tumatagal ako hanggang madaling araw."
Natahimik ako. I didn't know she was that hardworking.
"Hindi ka napagsasabihan ni Duke?" tanong ni Chin.
"Napagsasabihan, syempre. Patutulugin niya lang ang mga anak namin tapos pupuntahan niya na ako sa shop. Doon siya maghihintay hanggang matapos ako." Muli siyang nagbuntong-hininga. "He told me not to overwork myself and that I don't have to take orders if my body can't handle it, but I want to save more."
Umiling ako. "I'm sure your kids miss you, Solene. Time is more valuable than money."
"Madaling sabihin 'yan kapag hindi ka galing sa hirap."
Natahimik ako. I came from a well-off family. I didn't think it was ethical for me to comment on its worth.
"I know what it's like to be poor, and I hope my children will appreciate their financial security while they still have it. Gusto kong matuto silang maging independent... at si Duke, gusto niyang ipatamasa sa kanila 'yong mga pinagpapaguran namin. Kaya madalas naming mapagtalunan 'yan."
"Tama ka, Sol..." Si Chin. "It's important to instill financial literacy in your children."
I leaned toward the table and turned my body a little to her. I wanted to listen.
"It's a choice between living in the moment and saving for an unknown future," pagpapatuloy ni Chin.
"Hindi n'yo ba pinagtatalunan ni Troy 'yon?" tanong ni Solene.
"Noong una." Ngumiti si Chin. "Ayoko rin kasing i-spoil ang mga anak namin. Kahit pa dadalawa lang sila."
I moistened my lips. "What conclusions did you make?"
"It's difficult. On one hand, living in the moment is a way of life. It means enjoying every breath, every sensation, and experiencing all the goodness of the world," she said. "On the other hand, saving for an unknown future means security and stability. It's like building a fortress that can withstand any storm coming our way."
Tumango ako. I knew what she meant. I just never pondered much about it.
"Ang ginawa namin ni Troy, isang bagay lang." She pursed her lips. "Balance."
"And how do you do that?" I asked.
"Troy and I have our personal bank accounts. Kapag may bagay kaming gustong bilhin, doon namin ibinabawas. Mayroon din kaming joint account. Iyon ang pinaglalagyan namin ng savings," she explained. "10% of our regular income goes to our personal bank accounts. 20% goes to health care. 15% is for our children's education, 30% is for our bills and food, 10% is for our family's entertainment, and the rest goes to our joint account."
Nahawak sa sentido si Solene. "Nahihilo ako! Hindi ako magaling sa math!"
Tumawa si Chin samantalang ako ay napailing na lang sa kalokohan ng babae. We were having a serious conversation!
"What I'm saying is you can live in the present and still be assured of your family's future. Mahirap kung puro kayo gastos to the point na wala na kayong ipon, pero mahirap ding puro kayo ipon to the point na hindi n'yo na na-e-enjoy ang pera n'yo," Chin said. "We may be mothers and wives, but we are women too. We are individuals with needs and wants, just like anyone else."
Lumikha ng ingay ang upuan ni Solene sa pagtayo niya. "Kukuha ako ng papel at ballpen. Ilista mo ang mga porsyentong sinasabi mo."
Bahagya akong napatawa. She sounded so determined.
"Ako rin," sabi ko. "Can you email it to me?"
"Ay, oo nga, 'no?" Si Solene. "Chat mo na lang pala ako," sabay upo.
We talked more that night. Solene seemed to have a unique approach to raising her kids as she wanted more than just to be a mother to them—she also wanted to be their friend. Sa ganoong paraan daw kasi siya pinalaki ng Nanay Yella niya. Hindi siya natatakot magkuwento ng kahit ano sa ina dahil ipinaramdam nito na magkaibigan sila.
Si Chin naman ay malambing sa mga anak—hindi napagtataasan ng boses at araw-araw kinukumusta. She was a delicate and gentle parent, always careful to speak softly and soothe their fears. Ang sabi niya, lumaki siyang pinapangarap at hinahangad iyon. Kaya naman ngayong may pamilya na siya, kahit na tila binigo siya ng mga magulang, ipinangako niya sa sarili na iingatan niya ang mga salitang bibitawan sa kanila.
I felt like I had learned from them. I always talked to my kids and played with them, too. Napapagalitan ko sila kapag masyado silang makulit pero nagso-sorry naman ako kapag nakapagtaas ako ng boses. I gave them what they wanted, but only after they had done something good.
I also stress the importance of not letting education stress them out too much. Lalo si Alya na nagdadalaga na. She had always been vocal about her dream of becoming a model. So, if she opted to attend a modeling school instead of a traditional university education, I would stand by her choice.
Nang dumating ang araw ng paghuhukom ay kabadong-kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kong pagvo-vocalization lalo't tuluyan na yatang nauwi sa galit ang pagtatampo sa akin ni Rouge.
"Dinner tayo mamaya?" I asked sweetly after he parked the car. Kahahatid lang namin sa mga bata.
Tumikhim siya at bahagyang umiling, dahilan para umawang ang mga labi ko.
"I'm busy," he replied, "and not in the mood."
I gulped and tried to smile. "What do you mean? It's Valentine's..."
"I know. We didn't make any preparations because we were too busy. We can skip celebrating this year."
A sudden twinge of pain shot through my chest. He was this mad...?
Yumuko ako. "I want to celebrate, Rouge."
"But I didn't plan anything."
"It's okay," I whispered. "Kahit dinner lang."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Malaman na lang mamaya. I don't think I can make it. Busy talaga sa office ngayon."
I was disappointed, but I didn't let it show. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He said he was never too busy for me. Pero dahil sa pagtatampo, mukhang nakalimutan niya 'yon.
"Sa Blue Plate tayo kung gusto mo. Nagpa-reserve na ako ro'n."
He looked startled. "Nagpa... reserve ka?"
Tumango ako. "I-ca-cancel ko na lang kapag hindi ka makakapunta. So, inform me within the day."
"What time do we need to be there, if ever?"
"8."
He nodded slowly. "I'm not sure, but I will tell you later if I can't come."
Sapat na iyon sa akin. Hindi na ako humalik sa kanya bago ako bumababa, bagay na nakakapanibago. Kahit kasi ramdam kong nagtatampo siya sa akin sa nakalipas na mga linggo, hindi ko pinagsawaan ang paglalambing sa kanya. But now, if he decided not to come, I would be devastated.
"Reese," tawag niya, humahabol sa akin.
Tumigil ako at hinintay siya. Nang makarating sa puwesto ko ay bumaba ang tingin niya sa kamay ko.
"Bakit?" tanong ko.
Umiling siya bago pinagtagpo ang mga kamay namin. Agad kong naramdaman ang init ng palad niya... at ang kiliting dala noon sa puso ko.
Huh. Hindi niya pa rin ako matitiis.
Our hands intertwined when we walked into the office, and a hush fell over the bustling room. All the staff stopped whatever they were doing to greet us; their heads lowered in a respectful bow as if it were a customary gesture. I smiled back at them while Rouge nodded to acknowledge their presence.
Kahit papaano ay nawala ang agam-agam ko tungkol sa mangyayari mamaya. Siguro naman ay pupunta siya. I mean, he held my hand! He should come!
I got my work done as quickly as possible before I totally freaked out. I knew that if I didn't finish soon, I would lose my composure and succumb to the overwhelming stress.
I circled my office several times, trying to figure out if my crappy surprise was fair. And I printed not one, but three glossy magazines of myself! One that was sultry, one that was sweet, and one that brought back fond memories! Samantalang kina Solene at Chin ay tig-isa lang ang ibinigay ko!
My phone beeped and I almost fainted at that. Nang silipin ko kung sino iyon ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.
From: My Baby Alya
Happy Valentine's Day, Mommy! I love you so much. I know you're in a quarrel with Daddy because he seems so down lately. Sana po ay maayos n'yo 'yan! Date each other later. I'll be watching over my siblings.
Nag-init ang puso ko sa nabasa. She grew up to be a sweet girl.
To: My Baby Alya
Happy Valentine's Day, baby. Don't worry about me and Daddy, okay? I love you, too.
To: My Baby Alya
And yes, we have a date later. I actually have a surprise for him. Thank you for being so reliant and understanding, Ate. You're really a big sis :)
Kahit papaano ay kumalma ako dahil doon. Kaya naman buong hapon ay nakatingin lang ako sa orasan, nagaabang.
I changed into a white tube dress, its sweetheart neckline drawing attention to the delicate slope of my collarbone. Its form-fitting silhouette showed off my assets as the fabric cascaded below my knees. I matched it with a pair of diamond stud earrings and a necklace adorned with large, glittering diamonds, feeling the weight of the precious stones against my skin.
Para sa sapatos, kinuha ko ang pinakamahal sa collection ko. The soles were gold, and the straps were encrusted with tiny jewels. I made it myself a few years ago, and even now, a lot of well-known people tell me to put it out there for the public... na hindi ko naman ginagawa. I crafted them mainly for my feet. These were not just footwear but a testament to my skill and dedication. It was Rouge's favorite, too.
As for my handbag, I went for a brand-new piece from Cliff's gem line.
Inihanda ko rin ang parting gift ko kina Elora at Solene. It was a jewelry set—canary yellow tourmaline stones for Solene and royal blue sapphire for Chin. Isang taon na iyon sa akin pero hindi ko pa nagagamit kahit isang beses. It was a good investment, but after seeing the two, I knew it would suit them better. Isa pa, ni hindi nila ako pinagbayad sa abalang nagawa ko sa kanila.
Dahil wala akong natanggap na message mula kay Rouge, alam kong pupunta siya. Nag-text ako sa kanya na doon na kami magkita dahil hindi ko rin naman siya naabutan sa opisina niya kanina. Alas siete pa lang ay nasa venue na kami nina Solene at Chin, kinakabahan sa puwedeng mangyari.
I mean, for someone with money, I know this is a bit cheaper! But then, it's the effort that matters, right?!
"Sana kasi nabibili na lang ang vocal chords!" reklamo ni Solene. "Paniguradong tutuksuhin na naman ako ni Troy! Lintek! Kapag talaga nakipag-annul ka ro'n, Chin, sasagutin ni Mrs. Foster lahat ng gastos!"
I looked at her. "Bakit ako?"
"Magpe-percent-percent na kami ni Duke. Wala sa budget namin 'yan."
Napailing na lang ako sa kalokohan niya. Si Chin ay kalmado lang sa tabi ko. Sino ba namang kakabahan kung ganoon kaganda ang boses, hindi ba?! Sigurado akong lalong mahuhulog ang asawa niya sa kanya.
"Tatlo ang magazine mo?" tanong ni Solene nang makita ang gawa ko.
"Yup."
Sumimangot siya. "Madaya ka!"
"Why? It's not like your cake isn't a three-tier!"
"Oh..." Napatango siya. "Tama ka."
"Shh..." Si Chin. "Sauluhin n'yo na lang 'yong lyrics kaysa nagtatalo kayo d'yan."
Ganoon nga ang ginawa namin. Our voices were hopeless! Kung hindi lang nasasabayan ni Chin ay siguradong makakasuhan kami sa gagawin namin!
Mr. Sanders and Mr. Dela Paz, dressed in tuxedos and holding bouquets, arrived fifteen minutes early. Magkakalayo ang table namin pero kita ko ang ginawang pagpisil ni Mr. Dela Paz sa pisngi ni Chin. Maya-maya'y pinaikot nito ang bisig sa maliit na baywang ng asawa, dahilan para mapangiti ako. Even at a distance, I could tell that Mr. Dela Paz was gushing over his wife's stunning floral dress.
Lumipat ang tingin ko sa mesa nina Solene, at lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang ang coat ni Mr. Sanders ay nasa balikat na ng babae. Pinaglalaruan ni Mr. Sanders ang kamay ng asawa habang dumadaldal ito sa kanya. His eyes were fixed on her, his gaze unwavering and filled with adoration.
Ilang minuto pa at nakabusangot na si Solene kay Mr. Dela Paz na tila inaasar siya. Nakasuot siya ng champagne silk dress at eleganteng-elegante tingnan kung hindi lang niya pinapakyuhan ang asawa ni Chin.
Nang mag-alas otso ay pabalik-balik ang tingin ko sa entrance ng lugar. Rouge was never late, but why was he not here yet? I tried to push the worry aside, but it lingered like a dark cloud over my head.
I shook my head, reminding myself that my husband was a man of his word. He would be here soon. I just had to be patient.
Pero nang lumipas ang sampung minuto na wala pa rin siya, doon na ako nabahala. I clenched my hands, wanting so bad to cry while still waiting. Sumenyas na si Chin na pumunta kami sa unahan, at hindi ko alam kung paano ko kukumbinsihin ang sarili na tumayo.
We went to the small stage, all eyes on us. Ramdam ko ang pag-aalala sa tingin nina Solene at Chin pero umiling lang ako. We practiced a lot. Hindi ko sila iiwan sa ere.
Naupo kami sa gig chair, lahat ay may mic na nakalagay sa mic stand. Hindi ko na tiningnan ulit ang mesa namin dahil malulungkot lang ako. I just focused my attention to Mr. Sanders and Mr. Dela Paz. I wanted to watch their reactions. Basa ko sa mga mukha nila ang gulat at antipasyon sa gagawin ng mga asawa.
"Sol, parang awa mo na! Araw ng pag-ibig ngayon, hindi araw ng mga patay!" pang-aasar ni Mr. Dela Paz.
Everyone laughed at that except Mr. Sanders, whose eyes were beaming with pride.
"Guard, pakikuha naman 'yong pinakapangit na lalaki sa lugar na 'to!" Si Sol.
"Duke!" natatawang sigaw ni Mr. Dela Paz. "Ingat, pre!"
"Excuse me? Hindi pinakaguwapo ang sabi ko!" ganti ni Sol. "Since confused ka, sige! 'Yong pinakamarami na lang bagsak na subject no'ng college!"
"Ano pang ginagawa mo d'yan?" Si Mr. Dela Paz ulit. "Tara na sa labas!"
The guests were all in awe, their laughter ringing out as they listened to the witty banter between the two.
"Troy," saad ni Chin sa mic bago pa makasagot si Solene. "That's enough."
Pumirmi ng upo si Mr. Dela Paz at malambing na ngumiti sa asawa. "Yes, Your Majesty."
Seeing them made my heart a bit lighter. Ang saya nila panoorin. Halata ang pagmamahal, pagkakaibigan, at respeto sa isa't isa.
"First of all, I'd like to wish everyone a happy Valentine's Day," pagsisimula ni Solene. "I am honored to stand here today and acknowledge my love, Duke Laurence Sanders, as the greatest gift I have ever received," her voice trembled slightly as she expressed her gratitude for the man who had changed her life.
I looked at Mr. Sanders and saw a glint of happiness for his wife. Hindi ko maiwasang matuwa para kay Solene. The sparkle in Mr. Sanders' eyes was a reflection of the love he held for her, a testament to the deep connection they shared.
Kahit si Mr. Dela Paz ay tuluyang natahimik, tila tinatanggap ang mga salitang nagmumula sa kaibigan.
"You were my best friend then, and you still are my best friend now. Noong bata ako, habang pinapanood kitang nakikipaglaro kay Kuya Sean, madalas kong pangarapin na papansinin mo ako at mamahalin. It seemed like a far-off fantasy, but now, after all these years, I find myself living that very dream."
"I love you," Mr. Sanders mouthed.
"Teka lang..." sabi ni Solene. "Mamaya mo na ako pakiligin! Hindi pa ako tapos, eh!"
Kasabay kong natawa ang mga nanonood. Some were filming us, but I didn't care. Her words were so sincere.
"Gusto ko lang sabihin na may mga pagtatalo, pagkakamali, at hindi magandang karanasan man tayo, habambuhay akong mananatili sa tabi mo. Kahit hindi ako perpektong asawa sa'yo at ina sa mga anak natin, kayo ang dahilan kung bakit hindi ako nagsasawang humiling ng isa pang bukas," muling nanginig ang boses ni Solene. "You and our children are the reason I want the sun to shine every day, the reason I wake up every morning, the reason I work hard every time I have the chance to."
She really had a radiant presence. Parang may kapangyarihan siyang kunin ang atensyon ng lahat ng tao—nagpapatawa man o seryoso.
From my perspective, she was always funny. But then, when it came to her husband, there was a certain gravity that came over her. It was like she was telling everyone that her love for him was no laughing matter, and she made that clear with the intensity of her gaze and the sincerity of her words.
"Duke, tulungan pa rin tayo, ha? Let's be the best partner and parents we can be because our kids deserve nothing less. I grow up with you—physically, mentally, and emotionally. Don't think I could ever love someone else. Maganda lang ang asawa mo, pero sa'yong sa'yo ako." Solene chuckled. "I love you, Mr. Sanders. You make my days brighter."
Everyone applauded as she finished her heartfelt statement. Mr. Sanders was motioning her to come near him, but Solene just shook her head, smiling.
"Troy..."
"Shet, meron din ang asawa ko!" sigaw ni Mr. Dela Paz nang magsalita si Chin.
As expected, the guests laughed. Paano ay parang hindi mataas na tao ito kung umasta.
"Sira..." mayuming sabi ni Chin habang namumula ang pisngi. "Hindi kasinghaba noong kay Sol 'yong sa'kin kasi alam mo namang hindi ako pangganito, 'di ba?"
Mr. Dela Paz shook his head. "Wala akong pake! Kahit isang I love you lang, pakakasalan ulit kita!"
Bumaling ako kay Chin na ngayon ay lalong nahihiya sa pambobola ng asawa. She looked shy... but enjoying the moment.
"Troy," sabi ulit ni Chin, ang mga mata ay may kislap ng kakaibang saya. "Thank you for not saving me when I thought I was drowning. Instead, thank you for paddling beside me and showing me how to surf the crests."
Kahit mahina ang boses niya ay rinig na rinig ang katapatan doon. I might now know their story, but I could feel her gratitude to her husband.
"Thank you for making me laugh when I'm having a bad day. Thank you for waking me up with kisses and hugs. Thank you for always seeing right through me when I can't communicate my pain. Thank you for loving me and our boys wholly."
Kita ko ang pagseryoso ng mukha ni Mr. Dela Paz. Titig na titig siya sa asawa na parang hindi siya makapaniwala sa naririnig at nakikita.
"You took such good care of me that I started to feel like I didn't deserve it. You held me so tightly that I forgot about the misery I was in," she continued. "Troy, I didn't even know I was worth so much more until you came."
May kung anong bumikig sa lalamunan ko nang mapansing nagpahid ng luha si Mr. Dela Paz.
"Thank you for trying every day to be better for our family, Troy. I've seen your efforts. Me and our kids do. I love you, and I am excited about the future I could spend with you. Happy birthday, my biggest baby..." Chin chuckled cutely. "I will forever celebrate your life."
Marami ang bumati kay Mr. Dela Paz ngunit ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok kay Chin. There was so much love in them. Para silang may sariling mundo sa gitna ng dagat ng mga tao.
When it was my turn to speak, I did my best not to look at the table I'd reserved. Kanina pa ako hindi tumitingin doon dahil hindi ko kayang makita ang bakanteng silya ng asawa ko.
All the attention was now on me.
"Uhm..." I said, my heart bursting at the seams. "Just like these two women, I want to let everyone know that the love I have for my husband is immeasurable. It soared higher than the clouds and stretched beyond the boundaries of the sky."
It sounded rehearsed. Parang pinilit ko lang magsalita kahit na wala naman dito ang gusto kong makarinig noon.
I faked a smile. "I love him... even though he isn't here."
"I am here."
Agad na lumipad ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses, at mabilis na nanubig ang mga mata ko nang makita si Rouge doon—nakaputing tuxedo at may hawak na isang bungkos ng tulips. Nakaupo siya sa mesa namin at seryosong nakatitig sa akin.
All of a sudden, all the words I wanted to tell him disappeared. I sulked and glared at him, my heart finally relieved.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko, ang tono ay nanunumbat.
"Nauna pa ako sa'yo rito. I just had to go home and change into a white outfit because I saw you were wearing white."
I heard dreamy sighs around me, but I didn't take my eyes off him. Ayos na ayos siya... Guwapong-guwapo. Kahit na mukha siyang nagsusungit, ang mga mata ay mapungay na nakatingin din sa akin.
"I'm waiting, love. What are you gonna tell me?" he asked, loud enough for everyone to hear.
Kumibot ang labi ko sa kagustuhang manumbat pa, pero pinigilan ko ang sarili. He was here. Kahit nagtatampo, pinuntahan niya pa rin ako.
"Sorry," I whispered. "I was getting ready for this day... kaya naging busy ako."
He nodded, as if urging me to talk more. Alam kong nagre-react ang mga taong nanonood sa amin pero wala na akong pakialam. All that mattered at that time was him... us. I wonder if this was how Solene and Chin felt too.
"I prepared for this a lot, but right now, I couldn't even muster the right words to say. Basta... mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."
Memories flooded my mind—the day we met, our first kiss, the moment he proposed. Each memory was etched into my heart, a testament to our love.
"Thank you for finding me, for still loving me, despite all the things our families went through. You are the best father a child could ever have, and the best husband a woman could ever dream of," I said, my eyes focused on him. "Rouge, when I married you, I felt like the universe belonged to me. At hanggang ngayon, akin pa rin 'yon. You hold my hands every time you see them vacant. You happily hum every time we're both immersed in comfortable silence. And god, you're still crushing on me every time I dress up..."
I chuckled gently. Damn, I am so in love with him... and it's getting deeper every day.
"Happy Valentine's Day, Mr. Foster. Loving you is the best decision I have ever made."
As if on cue, the minus one of the song played on the background. Hindi naputol ang tinginan namin. Ngumiti pa siya—maliit at tipid—dahilan para magwala ang dibdib ko.
"Looks like we made it. Look how far we've come, my baby. We mighta took the long way, we knew we'd get there someday..." malamyos ang boses na kanta ni Chin.
"They said, "I bet they'll never make it," but just look at us holding on. We're still together, still going strong..." Si Sol.
"You're still the one... you're still the one I run to, the one that I belong to. You're still the one I want for life. You're still the one... You're still the one that I love, the only one I dream of. You're still the one I kiss goodnight," we sang in a chorus.
By some miracle, our voices kind of blended well together. Kita ko ang pagngiti ni Rouge sa pagsabay ko sa kanta. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o hahayaan na lang na matuwa siya.
"Ain't nothing better. We beat the odds together. I'm glad we didn't listen. Look at what we would be missing," I sang, my voice a little deeper than Solene and Chin's.
"They said, "I bet they'll never make it", but just look at us holding on. We're still together, still going strong." It was Chin. "You're still the one. You're still the one I run to, the one that I belong to. You're still the one I want for life. You're still the one. You're still the one that I love, the only one I dream of. You're still the one I kiss goodnight," Solene and I sang with her.
Sa buong durasyon ng kanta, nakatingin lang ako kay Rouge. Doon ko napagtanto na hindi naman siya natatawa sa boses ko; ang aliw sa mga mata niya ay mula sa paghanga sa kaya kong gawin para sa kanya.
Nang bumaba na kami ay napangiti na lang ako dahil nagpaiwan si Chin sa stage. She sang another song for her husband, and I saw how he swooned over her. Hindi rin talaga siya nagpatalo. Si Solene naman ay lumapit sa asawa at agad na yumakap dito.
"Come here..." Rouge opened his arms as I walked toward him.
Kasabay ng pagyakap ko sa baywang niya ay ang marahang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"I'm sorry..." I whispered.
"I was scared, Reese. I thought you didn't love me anymore."
Umiling ako. "Not a chance, Rouge."
"I was so scared I didn't even prepare anything today," he admitted. "Akala ko ay hindi mo ako yayayain o babatiin. Ang tagal kong nag-isip. Akala ko ay may nagawa akong kagalit-galit—"
"Shh..." I looked up at him and planted a kiss on his lips, Chin's voice still in the background. "I made you a cake. Solene taught me how to bake, and Chin taught me that song. I also printed magazines for you."
His eyes pierced into mine. I couldn't tell if he was nervous or angry, but his gaze was intense and unwavering either way. I felt small and vulnerable under his scrutiny, like a mouse being watched by a hawk.
At that moment, I could only hold my breath and wait for him to speak. Baka hindi niya... gusto.
"You did all that for me?" he asked, his voice low and husky.
I nodded. "It's nothing extravagant. I just want to put some effort—"
He cut me off with a swift kiss. "I love you. Everything you do is a big deal to me."
When our dinner started, he was so happy. Hindi nabura ang ngiti sa labi niya. Sinilip niya ang sinabi kong magazine at tawang-tawa ako nang mapamura siya.
"You're a tease," he mouthed.
All went well. Along with the bouquet of tulips he'd given me was a handwritten letter—like one of those he used to give me when we were in high school. May gintong kwintas pa na ang pendat ay de-susing locket. And when I opened it, I saw our first picture together.
We were having a great time when we noticed the two couples frantically making their exit. Nagkatinginan kami ni Rouge bago napagdesisyunang sundan sila.
"Kasi naman! Inaasar na naman panigurado ni Thunder ang Sierra ko!"
Iyon ang una naming narinig nang makarating sa parking lot. Solene was glaring at Mr. Dela Paz.
"Nangkalmot pa rin ang anak mo!" saad naman ng lalaki. "Nako, beb, ha! Kapag may nakita akong dugo kay Kulog, magpapalipad ako ng ipis sa shop mo."
"Nandoon naman si Trevor..." singit ni Chin. "For sure, he's controlling the situation. He's the oldest, after all."
"I don't think so. He's with Lorenzo," sabi naman ni Mr. Sanders.
Rouge and I just stood there, watching their situations. Kanya-kanya sila ng pagtawag sa mga anak at pagkuha ng sasakyan. Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi nila mapapansin na nandoon kami.
"Hindi natin 'to last day, Mrs. Foster! Kailangan lang kami ng mga junakis namin!" sigaw ni Solene. "At Harvin, 'wag mong pinapalungkot 'yang Misis mo, ha! Kahit lasang champorado at kapeng barako ang cake n'yan, mahal ka n'yan!"
Umakbay sa akin si Rouge at hinigit ako palapit sa kanya.
"I know, Sol. You don't need to worry about that."
"Debs, sorry! Next time ulit, ha?" kuha naman ni Chin sa atensyon ko. "Pinaiwan ni Duke 'yong kambal at si Sierra sa bahay namin. Eh, medyo makulit sila kapag nagkasama-sama. Sutil kasi ang mga lalaki ko..."
"Chin?!" Si Mr. Dela Paz "'Wag mong iparinig kay Sol 'yan!"
"Come on, let's keep going," pormal na sabi ni Mr. Sanders matapos kaming tanguan ni Rouge.
"Wait!" I shouted when I realized I hadn't given them my gift yet. Lumapit ako kina Solene at Chin at ibinigay ang paper bag sa kanila. "It's just a small gift. Mag-iingat kayo."
Sa pagmamadali ay hindi na nila nasilip ang laman noon. They thanked and gave me a hug. Napangiti na lang ako dahil ramdam ko ang taranta nila.
Pinanood namin ni Rouge ang pag-alis ng mga Sanders at Dela Paz bago sabay na napatawa. They were a chaotic family together. Parang sanay na sanay na sina Mr. Sanders at Chin sa bangayan ng asawa nila.
"Thank God Alya likes to look after her siblings," Rouge said, chuckling.
Humilig ako sa dibdib niya. "At hindi sila nakikipag-away."
"They didn't take after you, I guess..."
Susungitan ko na sana siya nang maramdaman ko ang halik niya sa tuktok ng ulo ko.
"Love you..."
Ngumuso ako. Wala na! I'm done for!
"Thank you for baking, singing, and making magazines just for me. Tinalo mo lahat ng ginawa kong surpresa noon para sa'yo."
It was a success. For the following days, we felt like a newlywed couple. Ramdam iyon ng mga anak namin. Inasar din ako ng mga kaibigan ko dahil mukha raw kaming nasa honeymoon phase ni Rouge. Hindi ko na lang sila pinapatulan dahil medyo totoo naman.
Two weeks after Valentine's Day, I saw a new group chat in my messenger. And even before opening it, I already knew who the members were.
mga misis na may guwapong mister
(maliban sa isa jan)
Solene Sanders named the group mga misis na may guwapong mister (maliban sa isa jan).
Solene Sanders added Elora Chin Dela Paz to the group.
Solene Sanders added you to the group.
Solene Sanders set her nickname to misis ni duke.
Solene Sanders set the nickname for Elora Chin Dela Paz to misis ni hindi ko kilala.
Solene Sanders set your nickname to misis ni harvin.
misis ni duke:
kung ang small gift para sa'yo ay milyon ang presyo,
puwede ba tayong maging bff? misis ni harvin
Elora Chin Dela Paz set her nickname to misis ni troy.
Elora Chin Dela Paz named the group mga misis na may guwapong mister.
misis ni troy:
Thank you sa gift at magazine, Debs!
Thank you rin sa pagtuturong mag-bake, Sol!
Kita tayo minsan kapag hindi kayo busy :)
misis ni duke:
pagsabihan mo ang asawa mo
misis ni troy:
Why? Inaway ka ulit?
misis ni duke:
inaasar lang naman akong sintunado! 😠
I laughed at the chats before I typed a reply.
misis ni harvin:
Why are you mad, Solene? Totoo naman.
misis ni harvin:
Thank you for helping us practice, Chin!
misis ni harvin:
And while we're at it,
Can I feature you both on our magazine?
Para sa Women's Month.
I know you don't need it,
but our store pays well.
misis ni troy:
It's not for me, Debs.
Magre-reply na sana ako nang muling mag-chat si Chin.
misis ni troy:
But my husband loves the magazine, so yes.
misis ni duke:
ge ako rin hahaha naulol ang asawa ko ih
balak pa yatang punitin ang matres ko
misis ni troy:
Sol hahaha stop
misis ni duke:
valentine's day = women's day 🎉
kala ko cake ko lang ang moist
yung nasa panty ko rin pala 😓
I suppressed my chuckles. Well, she was kinda relatable.
misis ni harvin:
If I'll be honest,
Same, misis ni duke
😮2
misis ni duke:
omg hahahahahahahaha
misis ni troy:
I hate to be that person
But I guess
Same
😮2
misis ni duke:
ewan ko na di ko na kayo kilala
Napailing na lang ako sa kanila, natatawa. We exchanged a few more chats before I realized I had answered my own question.
I finally realized what we had in common.
Our hearts.
Hearts that love their careers, hearts that love their husbands, hearts that love their children, and hearts that love their lives.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro