Sino ang dapat maghugas ng pinagkainan?
Halina't subaybayan ang bangayan ng magkatipan
Paghuhugas ng pinagkainan kanilang pinag-aawayan
Ating pakinggan ang kanilang mga dahilan
Sino ang dapat maghugas ng pinagkainan?
Unahin na natin ang ilaw ng tahanan
"Lady's first" na ang naging batayan
Iyo ng ipahahayag ang iyong mga dahilan
At ng ito ay amin ng mahusgahan
*ilaw ng tahanan
mga anak natin ako ang nag-aaruga at nag-aalaga
Sa mga pangaral ko boses ko ay ubos na nga
Sa pagbadyet ng ating pera ako pa ang bahala
Kanilang mga pangangailangan ako ang nagawa
*haligi ng tahanan
Diba't iyan talaga ang sa iyo nakatalaga?
Asikasuhin ang mga anak hanggang paglaki nila
Kita mo akong pagod maghapon sa trabaho
Konting pahinga na lang tila pa mabuburo
*ilaw ng tahanan
Diba ilang ulit na tayong nag-usap ng masinsinan
Pagtatrabaho ko ayaw mo naman pakinggan
lagi mo lang sinasabi iyong pag-iisipan
Para tuloy wala akong boses dito sa tahanan
*haligi ng tahanan
Gusto ko lang naman na huwag kang mahirapan
Kaya sana dito ka na lang sa ating munting tahanan
Saka sana akuin mo paghuhugas ng pinggan
Kamay koy magiging pasmado na naman
*ilaw ng tahanan
Hindi naman iyon mahirap na gawain
Ngunit ang pagpapahinga ay kailangan ko din
Ang kailangan ko konting unawa
Kaya paghugas ng pinggan ikaw ang gumawa
*haligi ng tahanan
Kita mong katawan koy hupyak na sa pagod
Tila nangangailangan na ako ng tungkod
Kaya sa akin ikaw naman ay sumunod
dahil bukas ay mayroon na akong sahod.
*anak
Nanay, tatay wag na kayong mag-away
Paghuhugas ng pinggan, tinapos na namin ni buninay
Mahase ba inyong kailangan ng mawala ang ngalay?
Kung kayo magkakabati, kay saya ng ating buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro