Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pangarap

Palaging isip at utak ko ay nagugulo

Anong mithiin ba talaga ang aking gusto?

Nagiging tuliro, may tamang landas ba rito?

Ganap kayang maging masaya sa mapipili ko?

Ang kagustuhang malaman ito ay hindi ko magawa

Rosas na may tinik ang napakagandang halimbawa

Ang daming harang o tinik bago bulaklak ay iyong makuha

Parang ako, maganda ang gusto, pero sagabal ay hindi mawala


Pero ngayon aking natanto na ang aking mga kagustuhan

Ang pagiging guro ang una kong natipuhan

Ngunit ngayon ay hindi ko pa susubukan

Ganap akong makaipon saka ko ito sisimulan

At titiyakin kong ito ay makukuha ko ng walang pag-aalinlangan

Ritmo ng tagumpay at masayang ngiti akin din inaasahan

Aking mithiin tiyak kong aking makakamtan

Paraisong ihahain akin din pupuntahan. (paraiso = school)


Pangalawa sa aking pangarap ay ang magkanegosyo

Ang makapagtayo ng stable ng grocery at computer shop sa kanto

Napakababaw naman nito kung titingnan ninyo

Galing naman sa puso ko at handog ko ito sa magulang ko

Aking pangarap, sa paglipad ng mataas ay ayaw ko

Rurok ng tagumpay mahirap kamitin ng dahil dito

Ang pangarap ko ngayon, alam kong mababaw ito

Pero liwanag ng tagumpay natatanaw ko


Pangatlo kong pangarap ay tulad din ng sa iba

Ang magkaroon ng sariling bahay at lupa diba?

Ngunit ito ay tiyak na magtatagal pa

Guhit ng kapalaran ko hindi pa nakapinta

Ang hinaharap ko ay hinahanap ko pa

Rambulang daga sa dibdib hindi pa nawawala

Akin ng aalisin at aking pangarap ay isasagawa

Para makamit at marating na mababakas ang tuwa


Paghangad ng mga mithiin ay napakagandang bagay

Ang pagtupad dito ang magpapaganda sa ating buhay

Naway ating maintindihan na dapat ito'y ating ding iaalay

Gawin nating insipirasyon ang magulang para sa tagumpay

Ang demonyo ng paglaki ng ulo sana ay mamatay

Ritwal ng pagkukumbaba sa ating sarili dapat di mawalay

Ating  Panginoon ay wag kalimutan, ating tagumpay siya ang nagbigay.

Pangarap na narating, tagumpay na nakamit sa kanya natin ialay.


——————————————————————————

A/N : mei, ito na yung challenge mo..hehehe nahirapan ako dun ah.. (dito ko muna ipopost .. :D )


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #poems#tula