Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pagkabigo

Tayo'y laging magkasama hanggang ang araw ay lumisan
Laging magkadikit kapag pumapatak ang malakas na ulan
Ginawa mo akong baluti para sa iyong kaligtasan
Naging panangga sa anumang panganib na dumaan


Hiling ko makasama ka sa habang panahon
Mga pangangailangan mo ako ang tutugon
Sa mga hinaing mo ako ang iyong karamay
Idudulot at ialalay sayo yaring buhay


Subalit ito pa ay napakalaking ilusyon
Dapat hindi na lang pala ako lumabas sa kahon
Sakit at paghihirap ang tinatamasa ko ngayon
Puso at utak ko magkaiba na ng tinutugon


nadala ako sa mabulaklang mong pananalita
Aking mga prinsipyo bigla na lang nawala
Ako pala ay iyong lang talagang binola
Ako naman si tanga, sayo humabol pa


Basag na pagkatao aking ulit bubuuin
Aking tiwala mahirap na bago mo kamitin
pagdududa at pangamba ang aking natutunan
Kahit sino hindi ko na agad mapaniwalaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #poems#tula