Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pagiging Makata

Pilit niyurak ang pinagsama-samang letra
Pilit umaahon kahit ibinaon mo na
Pilit sumisigaw kahit paos na paos na
Pilit iparating mensaheng dala nila


Matagal ng nilimot at ganitong gawain
Matagal ng binura sa puso at damdamin
Matagal ng inalis at ayaw ng sundin
Matagal ng inayawan kahit nagpupumilit pa rin


Bigla na lang bumalik ang ulirat
Matagal na gawain bigla na lang hinanap
Kinawalang na utak bigla na lang nahasa
Bumalik dating sigla sa paggawa ng tula.


Sa dugo ko ito ay dadaloy at mananalaytay
Dala-dala na ito sa aking tanang buhay
Hindi maalis kahit na ano pang gawin
Pag tinanggi, sarili lang ang lolokohin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #poems#tula