Dinosaur Game
I
Tila yata si globe sa akin ay galit
Dinosaur game na lang aking kinulit
Aba, naka-score ng isang libong mahigit
Nawala ang galit at ngit-ngit
II
Itong si globe talagang nananadya
Nagka-connection ng sa paglalaro ako ay natutuwa
Sa iyong gawain ako ay tila nakakahalata
Baka sa listahan ng minura ko ikaw ay mapatala
III
Itong si globe biglang tumino
Hindi na paputol-putol at pahinto-hinto
Nagpapasikat lang pala kuno
Lalo lamang umiinit yaring bungo
IV
Pocket wifi ko'y pinatay ko na lamang
Dinosaur game ang pinag-interesan
may print-screen pang nalalaman
Sumasaya ako sa maliit na dahilan.
------------
A/N: sino may alam ng larong iyan.? pataasan tayo score (anyabang eh anu?) hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro