Change
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang pagbabago
Mapabagay, hayop, panahon lalong lalo na sa tao
Maging sa hitsura, pustura ugali saka pakikisama
Maganda ba o masama ang hatid nitong pag-iiba?
Tila normal naman na ang magbago tayo
Ito ay isang patunay na isa tayong tao
Ito ay nababase sa karanasan at iba pang aspeto
Minsan sa pasama pero pero sana sa pabuti ang pagbabago
Tulad na lang ng nangyari at naganap
Lahat ay nagbago sa isang iglap
Napapikit lang ng mata, iba na ang iyong makikita
Nakakapanibago ang ganoon, minsan nakakasura pa.
Walang magawa kundi tanggapin ang lahat
Ang nakaraan ay sa isip nalang tatatak
Subalit may maganda naman itong hatid
Linawagan mo pag-iisip para maunawaan mong batid
Tila naglalakbay ka sa isang kalsadang walang katapusan
Itong kasama mo nagkita pa ng kantong lilikuan
Nag-iba siya nag ruta, ngayon nag-iisa ka na
Walang ng balikan, wala na talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro