Bakit Siya?
I
Ikaw binibini sa aking isip lumilitaw
Simangot sa aking labi iyong natatanaw
Dahil kasama mo ang kasintahan mong balukaw
Na napakaitim tila sinunog ng araw
II
Kung gandang lalaki din lang ang labanan
Walang duda na ako ang nakalalamang
Kung sa palakasan naman ito idadaan
parang pacman-mayweather ang magiging laban
III
Kung utak at talino naman ang magiging sukatan
Tiyak na ikaw ay ilalampaso ko lamang
Kahit saang anggulo ko silipin at tingnan
Siguradong ako ay nakalalamang
IV
Anong iyong nakita sa kanya
Sa ugali naman akoy lamang pa
Kung sa paligo naman hindi siya oobra
O kay sakit bakit mas matimbang sya?
V
Pilit ko mang isipin ang aking kalamangan
Siya parin ang panalo dahil pag-ibig mo sa kanya inilaan
Ako itong uuwing talunan at luhaan
Ating pinagsamahan akin na lamang kaililimutan.
----------
A/N : actually kabaligtaran yan. Siya ay maputi, bla..bla..bla.. hahaha siya ang nakalalamang sa lahat ng bagay
Isa lang ang tunay dito, kahit saan daanin ako pa rin ang talunan..
(hihihi evil grin** sa tulang ito,nakabawi ako sayo kahit papanu)
pilit pasayahin ang sarili sa paraang ako lang ang makakaintindi
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro