Ako ang Bahala
Isang araw na naman ang palilipasin
Nakakabagot na kung tutuusin
Sa dami ng aking dapat gawin
Hindi na alam ang uunahin
Ako ay tamad na kung tawagin
Wala ganang ang obligasyon ay gawin
Ngunit ng ang lapis ay aking napansin
Paggawa ng tula ang naisip unahin
Bakit utak ko ay biglang nalugaw?
Mga kamay ko ay ayaw man lang gumalaw
Sikmura ko bigla na lang kumulo
Takte, gutom na pala kaya isip ay di buo.
Pagkain akin pang kinatamaran
Lumingon na lang ako sa kaparangan
Nililimi nag mga bagay-bagay
Pati ang isip bigla na lang natangay
Tila narating ko ay napakalayo na
Sumubra sa imahinasyon nais ko talaga
Pati ibang bagay ay aking naisip na
Ngiti sa aking labi gumuguhit na pala
Ako ay biglang natauhan sa aking narinig
Lumapit ang aking inay na may dalang pandilig
"wag kang tumunganga diyan at ako ay tulungan"
"para kang baliw, nangiti ng walang dahilan"
Ako ay ngumiti saglit at tumingin sa papel
Ilang oras ko na ba itong tangan ngunit malinis pa din
"Anak, ikaw ba ay susulat sa iyong liligawan?"
Dapat lumapit ka sa akin ng ikaw ay aking matulungan.
Ito naman ay kinontra ko at tinatanggi kong pilit
Nanunukso si inay, kulang na lang kurutin ako sa singit
Mga ideya at suhestyon niya ay pilit iginigiit
Pati istilo ng aking ama, nais niyang ipagamit.
Ito naman nanay koy parang bata sa kulit
Inagaw ang papel at dito tila may iniukit
Tinapon ang papel at tumingin sakin saglit
Kumuha ng bago at pagsulat ay inulit
Inabot sa akin ang papel at pinabasa
Ito naman ay pilit kong inunawa at inalisa
Pag ba matanda na, nagiging korni na sila?
Talo pa kasi yung mga linya ni Kristine Hermosa.
Itong aking ina ay lahi rin palang makata
Di na ako nagtataka dito ako nagmana
Pero yung kakornihan akin ding dala-dala
Tunay ngang kung ano ang puno yun din ang bunga.
-------------------------------------
A/N: isang larawan "lalaking may hawak na papel at lapis tapos yung nanay niya nagdidilig" ang aking naisip
So nilapatan ko lng ng interpretasyon at ginawan ng tula.. :)
you are free to create your own poem base sa naisip kong larawan.. :) yun ay kung gusto nyo lang. :) then tell me para mabasa ko.. :) yohoho
**april 2, 2015**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro