Wondering
WONDERING
isang tahimik na araw ang nagdaan
ngunit isipan ko'y may nilalaman
sinikap kong alamin tunay na kasagutan
pero hanggang ngayon ako'y naguguluhan
marami akong nasaktan, iyan ay aking alam
mga pangako kong hindi nabigyan ng katuparan
parang akong isang kugon sa una lang may ilaw
pagtagal ng panahon itoy nanlalamlam
kay habang panahong sinayang
madaming salitang binitawan
mga ginawang di malilimutan
nagbibigay sakit sa kasalukuyan
bakit nga ba naging ganito
dahil ba sa pride o pagiging mahiyain ko
ilang taon ang inilaan para unawain ito
subalit hanggang ngayon ako'y litong lito
naalala ang nakaraan, pilit bumabalik sa isipan
kung kelan nakapagdesisyon na, bigla yung naalala
naghahanap ngayon ng kasagutan sa aking mga katanungan
ikaw ba o siya ang tunay na mahalaga
ano ba ang salitang "pagmamahal"
ito ba ay dapat kong maramdaman
napakadaling magbitaw ng ganyan salita
ngunit may katotohanan naman kaya?
Inamin ko sa sarili ko siya lamang,kahit na wala na kami siyay akin pa ring mahal
pumilit ulit akong magparamdam,subalit iba ang naging kasagutan
madaming taon ang nagdaan at siyay nagawang kalimutan
nawala sa ikot ng aking buhay ngayong may iba ng nilalaman
ngunit isang katanungan sa akin ay gumimbal,utak ko'y nalito sa aking nalaman
kaya ngayon di alam ang kasagutan, naging magulo lamang ang aking isipan
Isang tanong na kay dali sanang sagutin ngunit dila tila naumid
lahat ng alaala ay nagbalik, kasama kaya ang pag-ibig?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro