Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Where to go?

Dalawang daan ang tatahakin

aling landas ang pipiliin

sa una bang sa akin may nag-aantay

o sa pangalawa ako yung naghihintay?

Kay tagal niya akong inantay at inasam

isang pangarap na ako ang kasagutan

di niya piniling maghanap ng iba

kanyang kasiyahan ako ang may dala

Ang unang daang tinitukoy ay siya

Sa kanya ba ako talaga pumunta?

natitiyak kong siya ay magiging maligaya

paano akong kaibigan lang ang turing sa kanya

kay tagal na pahanon sa kanya naghintay

hanggang ngayon ay walang kasagutan

Kahit ako ay lubos ng nasasaktan

Siya ay hindi ko talaga maiwanan

Ito ang pangalawang landas na tatahakin

Kaligayahan kong hanap sa kanya manggagaling

itong daan bang ito ang aking dapat baybayin

Subalit may katapusan kaya ang daan susuungin?

lahat ay may kanyang dulot na ligaya

kanilang halaga aking tinitimbang pa

Ngayon sa dalawang daan pagpipilian

bakit ako sobra talagang nahihirapan

Sa aking suliranin walang tama o mali

dalawang bagay na kailangan ng pumili

desisyon ko dito ay talagang napakahalaga

Aking hinaharap ito ang magpapasya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro