Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Virtual

Isang Cellphone aking naging sandigan

Nagkaroon ako ng tunay na kaibigan

Aming edad ay hindi naging basehan

Siya ang aking naging sandalan

Mga pangaraw-araw na gawain kanyang nalaman mula paggising hanggang sa kinagabihan

mga problema ay aming napag-usapan kaya umigting ang aming samahan

Ilang buwan ang lumipas aming samahan biglang naging mapungay

ang kislap ay nawala, bigla na lang lumamlam

Lumayo siya ganoon din ako

subalit sa puso ko siyay naririto

minsan naalala kaya akin kinukumusta

Aking kaibigan nasaan ka na

Ginawa ang dapat kaya ngayon ay ayos na

Magkabati na kami, kay saya ng aking nadama

Ilang buwang naulila, ngayoy napunan na

Kaya ako nagpapasalamat sa kanya

malayo man sa isat isa, ngunit sa akin ikaw ay mahalaga

Parang inilaan ng diyos na ikaw aking makilala

Kaibigan tunay sa bertwal na paraan pa

Kaya ikaw ay aking pahahalagan kahit nasaan ka.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro